Ang Wasak na Rosaryo

20 0 0
                                    

Tumambad sa akin ang nagkalat na mga abaloryong

humiwalay sa tali (kumakapit pa ang iba).

Nawawala rin ang krusipiho

At nakabulagta ito sa bangketa.

Pakana ito ng humawak sa kanya

Imposibleng mahablot o masagi ng dumaraan

O nangagkalas dahil nagkabuhol-buhol ito.

Siguro ay nababagot na siya

Sa walang hanggang pananambitang

tinatangay lamang ng hangin,

Naiinis sa kawalan ng tugon 

at sa mga mithiin

O di kaya'y umiikli na ang kaniyang pisi,

Dahil sa pinapasan niyang krus araw-araw

(kaya siguro winala ang krusipiho).

Walang senyal na pagpapabuya mula sa langit --

Dahilan upang sambiting maramot ang Poon

Kapalit ay ang paghuhubad ng mga Salita

At pagsasakabilang bakod.

Kung Saan Ang LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon