Disipulo

15 0 0
                                    

May gatas pa sa labi

Ngunit matulis na ang malay.

Pinanday ng kung sinu-sino

nang  di mahulog sa walang humpay

na pagtatanong

at matalos ang kapritso ng daigidig.

Hayaan  kong ibigay sa kaniya

ang ningas para sumilab

ang mga sagot sa mga napag-iwanang lihim.

Kung Saan Ang LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon