Ang Nakalimutan

12 0 0
                                    

Niyakap mo ang aking katawan

habang dumanak sa lupa ang aking dugong

kumapit din sa iyong balat.

Pilit kong hinabol ang aking hininga,

ngunit ungol lamang ang aking naitugon.

Inilayo ka na nila

na sa tagal kong nakasalampak

ay napugto na ang pagpapadaloy ng aking pulso.

Ang basal kong kahubdang binihag na ng taglamig.

Inilayo ka na nila

ng ilang daang kilometro

at di mo na naabutan

ang paghingi ko ng tawad sa Diyos,

ang pagtangis ng iyong ina't kapatid,

ang mga bulaklak na binawian ng samyo,

at ang aking kanlungan sa gitna ng lungsod.

Natapos ang pagpapakalayo

ng ilang kilometro

ng maraming inog ng mundo.

Biglang may tumawag sa telepono,

tinugon mo

sabay ang aking tanong: "kumusta ka na,

naaalala mo pa ba ako?"

Kung Saan Ang LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon