Chapter 1: All is Well!

165 10 7
                                    


Kate's POV

Nakakabingi ang ingay sa loob ng gymnasium. Karamihan sa mga naroon ay mga babaeng fans ng kuponan ni Aisel. Final game kaya naman hindi magkamayaw ang mga fans sa pagtsi-cheer. Nakakatuwang makita na hindi nagsasawa ang mga ito sa kakasigaw para bigyang suporta ang kuponang kanilang hinahangaan kahit parang mapugtuan na sila ng hininga sa sobrang lakas ng pag-iingay nila.

Napapailing at napapangiti ako sa sarili. Hindi ko man forte ang magpupunta sa ganitong kaingay na lugar sinanay ko na lang ang sarili ko. Malaking adjustment para sa akin ito lalo pa at pinili kong sagutin ang isang hindi ordinaryong basketbolista. Aatras pa ba ako eh sinagot ko na di'ba?

"That's what I'm talking about!" Palatak ni Tricia na napapatayo pa sa kinauupuan.

Kasama ko sa panonood sina Mike at Tricia na noon ay nakikisali sa ibang fans sa pagtsi- cheer.

Wala sa loob na siniko ako ni Tricia, napansin na naman niya na nanatili lang ako sa kinauupuan ko at walang kibo.

"What?" Walang boses na ibinuka ko ang mga bibig ko at salubong ang mga kilay. Ininguso lang niya ang kinatatayuan ni Aisel na nakatingin pala sa direksiyon namin.

Kapag nakaka-shoot si Aisel ay tumitingin sa gawi ko sabay kindat. Lagi nalang talagang nagpapapansin. Kainis kasi nag-iisip pa ang utak ko kung ano ang dapat na maging reaksiyon ko sa tuwing ginagawa niya 'yon. Naiirita ako na nanginginig sa hindi maipaliwanag na dahilan. Kinikilig ba ako o nahihiya? Talagang hindi ko alam.

Alam naman ni Aisel na hindi ko kayang makipagsabayan sa mga fans niya sa pagtsi-cheer sa kanya at sa buong team, kaya naman ay nginingitian ko nalang siya kapag nagkakasalubong ang mga paningin namin. Sa ganoong paraan ko lang pwedeng maipakita at maipadama sa kanya ang suporta ko. At alam na niya 'yon.

Sa loob ng mahigit tatlong linggo na pagiging opisyal ng relasyon namin ay nagsimula narin kaming mag open up na dalawa tungkol sa mga ugali namin, likes and dislikes, para walang hassle. As of now, it worked-out. Also, I am hoping na magtuloy-tuloy na ito.

Masaya akong kasama siya. Masaya siya na kasama ako. Masaya kaming dalawa na magkasama. Walang problema. Yon lang naman ang mahalaga para sa akin. Ayoko lang talaga ng anomang uri ng hassle.

Natapos ang laro na lamang ng labing-isang puntos ang team ni Aisel. At sa dami rin ng points na naipasok niya sa entire season ng game para sa team ay siya rin ang tinanghal na  MVP, isang bagay na alam ko ay ipagdidiwang ng buong team.

Hindi na ako bumaba para salubungin siya. Marami narin kasi ang mga nakapaligid sa kanya at hindi ko ugali ang makipagsiksikan. Baka himatayin lang ako.

Pababa na ako ng bench para magtungo ng locker room. Alam ko namang doon din ang tungo ng team matapos ng ilang kwentuhan at kamayan. Nang sulyapan ko siya, sininyasan pa niya akong lumapit sa kanya. Umiling ako agad, isininyas ko nalang sa hangin na sa locker room nalang ako maghihintay. Nakakunot man ang noo pero tumango na rin siya.

Sinamahan pa ako nina Tricia at Mike patungong locker room. Kagaya ko, ayaw din nilang makipagsiksikan sa ibaba.

Mahigit sampung minuto rin kaming nakatayo sa labas ng locker room nang humahangos at maingay na pumasok ang buong team.

Hanggang sa pagpasok nila sa loob, ang iingay pa rin nila.

"Just wait here," ani Aisel na mabilis na naiakbay ang kaliwang braso sa balikat ko at isang smack kiss sa pisngi ko bago siya pumasok ng locker room.

Hindi ko na nagawang tumango pa dahil agad na rin siyang pumasok sa loob. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon na makapag-react. Ugali na niya talaga Ang manggulat at mambigla.

You and Me Against the Odds (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon