"Naturingan ka pa namang isang pilantropo pero sarili mong anak, hindi mo man lang magawang tingnan ng mukhaan? Saan na ngayon nailagay ang talino at ang pagiging makatao mo?!"
"Wala kang pakialam kung anoman ang gagawin ko sa buhay ko Mayet. Kapatid lang kita!"
----------------------
"Sana naging pulubi nalang ako para mapansin niyo mama! Mas maswerte pa kumapara sa akin ang mga pulubing pinagsisilbihan at binibigyan niyo ng matamis na ngiti sa mga labi."
"Kapag nakikita ko ang pagmumukha mo, ipinapaalala lang nito sa akin ang pang-iinsultong natanggap ko mula sa lola mo noong ipinagbubuntis palang kita. Kaya hindi mo ako masisisi kung bakit ganoon nalang kalayo ang loob ko sa'yo."
---------------------
"Wala akong ibang hiling at inaasam sa buhay kundi ang kilalanin ako ng mga magulang ko. Hindi mahalaga sa akin ang kayamanan na meron po kayo dahil alam kong kahit wala ang kayamanan ninyo ay makakaya kong buhayin ang sarili ko."
"Kaya nga, sa'yo ko ipapamana ang lahat na meron ako dahil alam kong hindi mo ito wawaldasin gaya ng iba. You are my only daughter, kanino ko pa ba ipapamana ang meron ako?"
---------------------
"Kate, wait! I'm sorry kung ganun ang nangyari kanina? Ako na ang humihingi ng paumanhin dahil sa ginawa ni mama. I'm really sorry!"
Napapasigok na hinarap ng dalaga ang lalake.
"Huwag kang humingin ng sorry! Wala ka namang kasalanan. Is just that, hindi ko lang nagustuhan ang ginawa mong pakikipagtalo sa mama mo kanina dahil lang sa akin. I just hate it kapag ako ang nagiging dahilan ng pwedeng misunderstanding sa pagitan ninyong mag-ina. Ano nalang ang iisipin ng mama mo sa akin? Baka isipin niya na bad influence ako sa'yo."
"Hey! Hey!" nag-aalalang nilapitan siya ni Aisel at agad na ikinulong ang mukha niya sa dibdib nito. "Nagiging paranoid ka na naman. Don't overthink, okay. Ganoon lang talaga si mama. Ako nga itong dapat na humingi sa'yo ng paumanhin dahil sa ginawa niya. Ayokong layuan mo ako dahil sa ugali ng mama ko."
Nag-angat ng mukha ang dalaga.
"Huwag mo sana akong susukuan."
"Yeah, I won't!"
-----------------
"Hayaan mo nalang 'yong mga bata na magmahalan kung 'yon talaga ang gusto nilang mangyari. Para namang hindi rin tayo dumaan sa pagiging teenagers, ganyan na ganyan din naman tayo dati di'ba. Nakikita kong mahal nila ang isa't isa. Magiging kontrabida lang tayo sa buhay nila kapag pinigilan natin sila sa relasyon nila ngayon. Nakikita ko namang wala silang ginagawang masama. Mas natatakot akong makita baka pagdating ng araw ay puro pagsisisi nalang tayo."
"Wala namang problema sa akin 'yon, Jodi. Kung ako ang tatanungin mo, susuportahan ko kung anoman ang magiging desisyon ni Aisel. Ang ipinag-alala ko lang naman ay si Lailanie. Alam mo naman na iba mag-isip ang babaeng 'yon. Natatakot ako na baka guguluhin lang niya ang buhay ng anak ko."
"Nandito naman tayong dalawa, ah. Kaya naman nating gawin ang hindi magagawa ni Lailanie. Naaawa lang talaga ako sa dalawang 'yon. Kailanman ay hindi naging kasalanan ang magmahal."
------------------
"Kung ayaw nilang ibigay ang blessings nila sa pagmamahalan natin, nakahanda akong magtiis at maghintay kahit hanggang sa pagtanda pa nating dalawa. Mapatunayan ko lang sa mga magulang natin na tapat ang pagmamahalan nating dalawa."
"Ganoon din ang gagawin ko. Lalo na ngayon na talagang napatunayan ko na sa sarili ko na hindi ko kakayanin magmahal ng iba kung hindi lang din ikaw. Hindi ko kakayaning makita ang sarili ko na iba ang kasama sa pagtanda ko. At ayoko ring nakikita kang may kasamang iba. Mas gugustuhin ko pang tumandang dalaga kung hindi lang din ikaw ang makakasama ko."
----------------
"Lolo, hindi ko po ibig na labanan kayo dahil alam ko na kahit baliktarin ko ang mundo mananatiling mananalaytay sa ugat ko ang dugo po ninyo. Hindi na nito mababago ang katotohanan na apo niyo po ako at lolo ko po kayo. Mahal ko po kayo bilang isang pamilya. Pero kung ang itinuturing kong pamilya ang siya mismong magdudulot sa akin ng sama ng loob, mas gugustuhin ko pang mawalan ng pangalan kesa sa mawala ang bagay na nagpapaligaya sa akin. Minsan lang ako hihiling sa inyo, lolo."
"Hindi na ba talaga mababago ang desisyon mo?"
Determinadong napatango ang dalaga.
"I know what I want and once I made my decision, I won't change my mind. Matagal ko na rin itong pinag-isipan. Hindi ko naman kailangan ang kayamanan ninyo. Aanhin ko ang kayamanan hindi naman maibibigay ang simpleng hiling ng puso ko."
Malakas na tumawa ang lolo niya na para bang nasisiyahan ito sa mga narinig.
"Kung nabubuhay lang ang lola Andrea mo, tiyak akong 'yon ang magiging unang kakampi mo laban sa akin. Pareho kayong matigas ang ulo. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Gaya nga ng sabi mo, nananalaytay sa ugat mo ang dugo ang dugo ko, ng isang Richardson. Don't worry, ngayong nakita ko na kung anong ugali meron ka, I will do everything in my power to help you."
Isang masayang ngiti lang ang iginanti niya sa lolo niya.
"Salamat po. I won't disappoint you in any way."
--------------------
"Ante, bakit ganito ang mama ko? Kahit ano yata ang gagawin ko ay hindi kumporme sa kanya. Lahat nalang ng ginagawa ko ay palagi niyang nahahanapan ng butas. Ganoon na ba talaga ako kawalang kwentang anak?"
"Hey, huwag na huwag mong sasabihin 'yan. Dahil kahit na saan ko tingnan, wala kang ginagawang masama. Masyado ka lang mabait kaya hindi mo nakikita ang baluktot na ugali ng mama mo. Kung hindi ka tatanggapin ng mama mo, andito naman ako, kami ng papa mo, si Tricia. Marami kaming nagmamahal sa'yo. Gaya ng palagi kong ipinapaalala sa'yo na hindi man ako ang nagluwal sa'yo, pwede mo naman akong ituring na sarili mong ina."
"Salamat ante, ano nalang ang gagawin ko kung wala po kayo?"
"Kaya tahan na, huwag ka nang umiyak. May mga taong hindi karapatdapat paglaanan ng luha. Kung ayaw niyang gampanan ang tungkulin niya sa'yo bilang isang ina, wala na tayong magagawa doon."
---------------------
This is just a teaser!
The first part of the story will be posted soon!
Please stay tune.
Don't forget to vote and leave some comments. I will surely entertain your queries regarding the story.
Lovelots!
:-)
BINABASA MO ANG
You and Me Against the Odds (Book 2)
RomanceA Love to Keep Trilogy Book 2 of "You'll be Mine Whatever it Takes" Sabi nila marami ang namamatay sa maling akala. Siguro kailangan ring paniwalaan 'yon ni Kate. Akala niya magiging okay na ang lahat para sa kanilang dalawa ni Aisel. Mahal niya it...