Chapter 2: That's why I love you!

147 10 17
                                    

"I love you yesterday; but I love you more today."

*********************************


AISEL'S POV

Tila naging magaan ang loob ko dahil sa sinabi niya. Marahan siyang kumawala sa yakap ko at tumitig ng mariin sa mga mata ko. I really love looking in her eyes lalo na kapag ganito na seryoso siya. Hindi lang niya alam na mas lalo akong nagkagusto sa kanya dahil sa mga titig niya na 'yan.

Nanginginig ang mga kalamnan ko sa hindi ko malaman na dahilan sa tuwing ginagawa niya ang pagtitig na ganyan. I always have this intense feeling to grab her and drown her with kisses. She really owns me and I am willingly offer myself to be her slave if she ever ask me to. 'Yon ang na-realize ko sa ilang panahon na magkasama kami. 

"I love you and I will always do. Hindi na 'yon magbabago," aniyang sinabayan pa ng mahinang pagpisil sa ilong ko. Hindi ba niya alam na mas lalo akong nanggigigil sa kanya sa tuwing ginagawa niya 'yon. She even look more sweet and sexy doing that. Sa pagkakataong ito ay nakaramdam ako ng mumunting kiliti nang marahan niyang ipinulupot ang dalawa niyang braso sa leeg ko. Is she trying to seduce me? Dahil kung oo, nagtagumpay siya. At kung sakaling hindi man niya namamalayan 'yon, dapat na malaman niya na nahuli at nabitag niya ako ng paulit-ulit.

Ang huling naramdaman ko ay ang paglapat ng mga labi niya sa labi ko. Hindi ko inaasahan na gagawin niya 'yon. Sa tuwi-tuwina ako ang unang gumagawa ng hakbang para halikan siya. Pero sa pagkakataong ito, hindi ko inakala na gagawin niya ito. Mahigpit ang naging paghawak ko sa beywang niya para huwag siyang pakawalan sakaling itigil niya ang ginagawa niya. Her lips really feel so good and smooth. Ipinikit ko ang mga mata ko para tuluyang damhin ang kabaliwang nararamdaman ng buo kong pagkatao dahil sa ginagawa niya. Bigla akong na-intriga sa kung ano ang plano niyang gawin.

Sa loob ng ilang sandali ay nagawa niyang paglaruan ang mga labi ko hanggang sa tila nanunudyo ang mga labi niyang ibuka ko ang bibig ko na siya ko namang ginawa. Hindi ko akalain na magagawa kong mapaungol dahil sa kilos niyang iyon. Her kisses become deeper and it's driving me crazy. Kaya naman mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa beywang niya.

Ngunit laking dismaya ko nang bigla siyang tumigil sa ginagawang paghalik sa mga labi ko. Namumula ang magkabilang pisngi nang mag-angat siya ng tingin. I moan in desperation. I don't want to stop right there. She's driving me crazy with that innocent; yet seductive look.

"I don't want to stop. Kate, you are driving me crazy. Please, let me kiss you once more. Hmm! Please!" Am I begging too much for that desperation ? I don't care if I am.

Hindi paman siya natapos na tumango ay mabilis ko nang sinulsihan ang mga labi niya saka marahang isinandal ang likod niya sa pinto ng kotse.

Hindi ko na napigilan ang kapusukan ko nang malaya niyang ibinuka ang bibig niya at tinanggap ang mga halik ko. Hanggang sa natagpuan ko na lamang ang sarili ko na pinaulanan ng halik ang buo niyang mukha.

"Ano bang ginagawa mo, Aisel? Please, stop, nakikiliti ako," aniya nang marahan kong kinagat ang punong tainga niya. Kahit na ako ay hindi ko namalayan na ginawa ko 'yon. "You have to stop it ,okay. Alam mo bang may kiliti ako diyan. At isa pa, ang dami pa nating pupuntahan. At baka kung saan pa mapunta itong kapahangasan nating dalawa," sansala niya sa malutong na tawa sabay pigil ng mga kamay niya sa dibdib ko.

Humihingal na lumayo ako sa kanya. Hindi ko man nga namalayan na naging mahigpit na rin ang pagkakahawak ko balikat niya.

Napatitig lang ako sa kanya. Alam kong nandoon pa rin ang pagnanasa sa mga mata ko at alam kong ramdam niya iyon.

Napakagat-labi lang siya saka nagpakawala ng buntong-hininga at seryosong nilabanan ang mga titig ko.

"I know what you are thinking. Kaya naman, bago tayo makalimot na dalawa ay pipigilan na kita, okay. Alam ko naman na naiintindihan mo ako, di'ba. Dahil napag-usapan na rin naman nating dalawa ang tungkol dito," kalmado niyang paalala.

Napangiti narin lang ako saka napatango bilang pagsuko.

Tinapos niya ang usapang iyon sa isang mahigpit na yakap.

"Kaya naman mas lalo mo lang binibigyan ng dahilan para mahalin ka ng sobra-sobra," halos pabulong man pero puno ng damdaming sabi niya saka siya kumalas sa pagkakayakap sa akin. "So, let's go!" dagdag niya.

Muli ay binuhay ko ang makina ng kotse para umalis at simulan ang date naming dalawa.

Matapos ang mahigit tatlong oras na paglilibot sa mall, pamamasyal sa park, panonood ng sine at pagkain sa labas ay inihatid ko na rin siya sa kanila. 

Hindi na ako pumasok kasi gabi na rin naman masyado at kailangan ko ring makauwi ng maaga dahil naghihintay si mama. May bago kasi siyang dating na bisita at kailangan nandoon ako. Kahit ayoko ay wala rin naman akong magagawa kapag ganitong tila tumataas na ang boses ni mama. Hindi paman nagsisimula ang laro kanina ay tinawagan na ako ni mama para ipaalam ang balitang iyon. Ang ibig pa nga sana niyang mangyari ay ako mismo ang susundo sa mga bisita niya sa airport pero tumanggi ako agad kasi nga may date kami ni Kate. Hindi ko pwedeng ipagpaliban ang date namin dahil matagal na rin naman kaming hindi nagkikita ni Kate gawa ng nagkaka-conflict sa mga schedules namin.

Kaya naman naisip kong ngayong gabi nalang ako babawi kay mama. Ewan ko ba, napapaisip tuloy ako kung sino itong napaka-importante niyang kaibigan at kailangan pa talagang magkaroon ng special treatment gayong hindi naman talaga ugali ni mama ang sumaludar sa mga kaibigan niya.

"Hindi ko alam kung kailan tayo ulit pwedeng magkita. So, tawag at text nalang ulit tayo," sabi ko na nakayakap sa beywang niya na parang ayaw pa sana siyang bitiwan.

"Yeah, I know! Okay narin naman sa akin ang set-up na 'to. As long meron tayong communication sa isa't isa," nakangiting sagot naman niya.

"Have a nice evening," paalam ko saka isang mabilis na halik ang iginawad sa mga labi niya. "Ikumusta mo nalang din ako kay tita Mayet. Ipagpasensiya mo na rin ako sa kaniya kung hindi na ako papasok. May aasikasuhin pa rin kasi ako sa bahay," pakiusap ko.

Tumango lang siya bilang sagot.

Binitiwan ko na siya at sumakay na ulit ng kotse. Nakita ko pa ang pananatili niya sa kinatatayuan niya. Hinihintay niyang makaalis ang kotse ko. Nang paliko na ako sa isang kanto ay kinawayan ko pa siya.

Nang hindi na makita ang imahe niya sa side mirror ay saka ko lang binilisan ang pagtapak sa accelerator.


************

End Part!





You and Me Against the Odds (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon