MARJORIE'S POV
Agad akong napabangon ng marinig ko ang pag-iingay ng alarm clock ko. Mabilis ko 'yong inabot tsaka pinatay.
Pasado alas otso na pala ng umaga. Masyadong napahaba ang tulog ko dahil sa pagod. Kung bakit ba kasi napakaraming activities sa school at halos mamatay na ako magawa lang lahat ng 'yon.
Like duh, hindi naman kami robot na mabilis kumilos at makatapos ng isang gawain. Akala siguro nila ay kasing talino namin si Einstein at kasing bilis naman si Flash.
Napasabunot na lang ako sa buhok ko ng maalala kong magkikita pala kami ni Melody.
"Shit! Bakit kasi late na ako nakauwi!" inis na sabi ko at mabilis na nagtungo sa banyo para maligo.
Ayaw na ayaw pa naman ng babaeng 'yon sa mga hindi marunong sumunod sa usapan. Masyado niya kasing pinapahalagahan ang oras.
Time is gold, ika nga nila.
Pagkatapos kong maligo ay dali-dali akong nagbihis. Sinuklay ko lang din ang hanggang beywang kong buhok na medyo alon-alon at tsaka nagpulbos. Naglagay na lang din ako ng lip tint at maskara.
Napangiti pa ako ng makita ko ang repleksyon ko sa salamin.
Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko pero maganda talaga ako--este dyosa. Hindi lang ako basta maganda.
Kinuha ko ang pouch ko tsaka lumabas ng kwarto. Pagdating ko sa gate ng bahay namin ay agad kong nakasalubong ang dalawa kong kuya.
"O' saan ka pupunta ngayon?" tanong sa'kin ng kuya kong si Mykeil na apat na taon ang tanda sa'kin. Ngumiti naman ako ng pagkatamis-tamis bago nagsalita.
"May kikitain lang,"
Nagtaas naman ng kilay si Kuya Melvin at pinasadahan ng tingin ang suot ko.
"Sabihin mo, may dapat na ba kaming bugbugin ng kuya Mykeil mo?" kalmadong tanong niya ngunit napakalamig ng kanyang tono kung kaya't agad akong napangiwi at ngumiti ng pilit.
"Wala 'no! Si Melody lang naman 'yon," nakangusong sabi ko. Agad naman naglaho ang gatla sa noo niya at tsaka ngumiti.
"Good girl, huwag ka munang magpapaligaw dahil baby ka pa,"
Pinandilatan ko naman si kuya.
"Hindi na ako baby! Ang laki-laki ko na kaya!" inis na sabi ko pero umiling lang sila at tsaka ngumisi.
"You're just only eighteen Marjorie," malamig na sabi ni kuya Mykeil. Naparole eyes na lang ako dahil sa sinabi niya.
Kailan pa naging baby ang edad na labingwalo? Tss! Masyadong mga O.A.
"Whatever! Alis na ako. Baka kanina pa naghihintay dun si Melody," ani ko.
Tumango naman sila bago dumiretso sa loob ng bahay. Napabuntong hininga naman ako bago naglakad palabas papunta sa sakayan ng taxi.
Actually, hindi naman talaga ako good girl. Sa katunayan nga n'yan ay mayroong na akong mga manliligaw pero ni isa kanila ay hindi ko sinasagot.
Takot ko lang kila kuya. Alam ko naman na gagawin nila lahat huwag lang akong malapitan ng mga boys maliban sa kanila. Definitely, masyadong possesive at protective ang dalawa kong kuya. Pero kahit ganun, mahal na mahal ko 'yong dalawang 'yon.
Nang matanaw ko na ang mall ay agad akong pumara at nagbayad. Hindi pa ako nakakapasok sa mall ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Melody Calling...
Napabuntong hininga na lang ako bago pinindot ang answer button.
"H-hello?" Shit!
"Nasan kana? Don't tell me nasa bahay ka pa? Gosh! Kanina pa ako naghihintay dito!" Biglang sigaw niya. Napangiwi naman ako dahil pakiramdam ko bigla akong nabingi.
YOU ARE READING
Seducing My Gay Bestfriend
Romance"Just wait for me, baby. I'm going to seduce you, and you will fall for me harder and faster!" -Marjorie, a playful girl who always gets her way, met Ken, who was both cute and charming. After feeling attracted to him, she does everything to make hi...