Chapter 9

817 29 1
                                    

MARJORIE'S POV.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang humakbang palabas ng bahay. Maingat lang ang bawat paghakbang ko dahil ayoko naman makagawa ng ingay.

Mistula akong magnanakaw na dahan-dahang bumaba ng hagdan at akmang tatakbo na ako papunta sa likod bahay ng may humigit sa'kin at hilahin ako sa kung saan.

Sisigaw na sana ako ng maramdaman kong tinakpan niya ang bibig ko.

"Hmp!"

"Sshh! Ako lang 'to! Masyado kang ano," Sabi niya tsaka pinakawalan ang bibig ko. Agad ko naman hinarap si Melody habang nakataas ang isang kilay.

"Anong ginagawa mo dito?" Mataray na tanong ko. Hindi naman niya ako sinagot at inayos niya lang ang nagulo niyang salamin. Pagkatapos ay tumingin siya sa'kin at nagtaas ng kilay.

Anong problema ng isang 'to?

"Ikaw, anong ginagawa mo? Dinaig mo pa ang magnanakaw kung makapag-ingat ka na walang makarinig sa kilos mo." Nagtatakang sabi niya kaya agad akong napaiwas ng tingin.

"W-wala! Tsaka bakit ka ba nandito?" Medyo inis na sabi ko pero inirapan niya lang ako bago ako hinila palabas ng bahay.

"Ano pa ba...edi makikisabay sayo. Ilang araw na kitang napapansin na lumalayo ka sa'kin. May problema ba tayo?" Kunot-noong tanong niya. Napalunok naman ako at hindi agad nakapagsalita.

Nag-iwas na lang ulit ako ng tingin.

Hindi naman kasi siya ang iniiwasan ko kundi si Ken. At dahil malapit rin sila ng baklang 'yon ay wala akong choice kundi layuan rin siya.

Kailangan hanggat maaga pa ay magawa ko ng ilayo ang sarili ko sa kanya. Baka kasi sa paglipas ng mga araw ay marealize ko na lang na hulog na hulog na ako sa kanya. At wala ng ibang paraan kundi ang magpaubaya at mahalin na lang siya ng patago at malaya.

"O' natahimik ka na d'yan? Wala ka man lang bang sasabihin?" Medyo inis na sabi niya kaya agad akong napalingon sa kanya.

"A-ano...s-sorry." Nauutal na sabi ko na ikinakunot ng noo niya.

"Bakit ka nagsosorry ngayon? Kasi totoo na iniiwasan mo ako? Bakit mo nga ba ako nilalayuan? Don't tell me na may nagawa akong kasalanan sayo nang hindi ko man lang nalalaman."

"Hindi naman sa ganu'n. Ano lang kasi...ano..."

"Ano? Bakit hindi mo masabi sa'kin? Wala ka bang tiwala sa'kin? Akala ko ba bestfriend mo ako? Bakit ganyan ka?" Nagtatampong sabi niya at bigla na lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

Bigla siyang nalungkot at hindi ko kayang makita 'yon. Napapikit na lang ako at napabuntong hininga.

"Wala kang kasalanan kasi hindi naman ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito." Hirap na hirap na sabi ko. Nagtaas naman siya ng kilay at nakita ko sa mga mata niya ang pagkalito.

"Eh kung hindi ako...sino?" Nalilitong tanong niya.

"Basta hindi ikaw," Mabilis na sabi ko pero mas lalo lang nagsalubong ang kilay niya.

"Sasabihin mo sa'kin o pipilitin pa kita para lang umamin ka?" Pagbabanta niya kaya napapikit na lang ako.

Jusko naman! Kung bakit ba kasi may bestfriend akong kasing kulit niya.

"Si Ken! Si Ken ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito! Si Ken ang dahilan kung bakit ako lumalayo sa'yo. Si Ken ang dahilan kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko." Biglang sigaw ko na ikinagulat niya. Nanlaki rin ang mata niya dahil sa hindi inaasahang pag-amin ko.

Seducing My Gay BestfriendWhere stories live. Discover now