Chapter 11

820 31 1
                                    

The most dangerous lying is when you're pretending. It can make you feel safe but it can either make you feel the pain.

🌼

MARJORIE'S POV.


"I dare you to be my boyfriend. My goal is to seduce you, while you need to convince me that I'm not your type. As simple as that. But there is one rule for this game."

Agad naman nangunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"What kind of rule?" Kunot-noong tanong niya. Ngumiti naman ako at masuyong hinaplos ang pisngi niya dahilan para mapaatras siya ng kaunti.

Napangisi na lang ako sa naging reaksyon niya. Masyadong takot sa babae. Hinuli ko ang kanyang paningin at nang magtama ang mga mata namin ay mas lalo akong napangisi.

Let's the game begin baby.

"Don't kiss me back if I kiss you. If you do...you lose." Malambing na sabi ko bago ko dinampian ng mabilis na halik ang tungkil ng ilong niya.

Hindi naman siya agad nakagalaw kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para mabilis na makalayo sa kanya. Naiwan lang siya roon tulala at hindi makapaniwala.

You're mine baby. You are mine.




                         🌿🌹🌿

"BAKIT ngiting-ngiti ka d'yan Marjorie? Siguro may ginawa ka na naman kalokohan kaya ganyan ka makangiti 'no? Para kang baliw,"

Nginitian ko lang si Melody bago ko ibinalik sa bag ang notebook ko. Wala kasi kaming teacher ngayon kaya malaya siyang kausapin ako. Hindi ko rin alam kung nasa'n ngayon si Ken dahil hindi naman siya pumasok.

Siguro hindi pa rin siya makapaniwala. Oh well, wala na siyang magagawa kasi akin na siya.

Nang maisara ko na ang bag ko ay bumalik ulit sa pagkakangiti habang nakatitig sa white board.

I can't help but to smile.

Hindi kasi ako makapaniwalang boyfriend ko na 'yong lalaki--what I mean is 'yong taong gusto ko.

"Ano ba talagang nangyayari sa'yo? Nababaliw ka na ba?" Mataray na sabi niya at pumwesto pa siya sa harapan ko. Nanatili pa rin akong nakangiti.

"Ano? Ngingitian mo na lang ba ako? Huwag mong sabihing nanalo ka sa lotto?" Nakakunot noong sabi niya dahilan para mapatawa ako.

"Bruha ka! Hindi 'no. Masaya lang talaga ako." Nakangiting sabi ko bago umayos ng upo. Tinaasan naman niya ako ng kilay at alam kong hindi pa siya kuntento sa sinabi ko at sa nalalaman niya.

"Hmm...parang hindi naman. I smell something fishy eh. My pinaplano ka na naman kay Ken my loves mo 'no?" Maarteng sabi niya kaya napailing na lang ako.

"Well...let say na parang ganun na nga," Mas lalo naman nagsalubong ang kilay niya.

"Anong parang ganun na nga? Pwede paki-explain sa'kin? Hindi 'yong para kang baliw d'yan na hindi maawat sa kakangiti. Sabunutan kita d'yan," Mataray na sabi niya kaya napailing na lang ako at bumaling sa ibang direksyon.

"Kami na ni Ken." Seryosong sabi ko ng hindi lumilingon sa kanya. Kaya hindi ko nakita ang naging reaksyon niya. Nang lingunin ko naman siya ay nakita kong nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakaawang ang labi niya.

"W-what? Pwedeng paki-ulit nu'ng sinabi mo. Nagkamali ata ako ng rinig eh."

"Ang sabi ko, kami na ni ken. Kailan ka pa nabingi?" Nakangising sabi ko dahilan para mas lalong manlaki ang mata niya.

Seducing My Gay BestfriendWhere stories live. Discover now