I still miss you, that's all I can feel. I still love you, that's all I can say.🌿🌹🌿
MARJORIE'S POV
Agad kong kinapa ang cellphone ko nang marinig kong tumunog ang ringtone ko. Tiningnan ko muna ang name na nag-flash sa screen bago ko pinindot ang answer button.
"H-hello?" Walang ganang sabi ko dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Sabado ngayon at nakahiga lang ako sa kama. Kanina pa kasi mabigat ang pakiramdam ko at sumasakit rin ang puso ko. Kaya hindi ko magawang bumangon man lang.
"Ayos ka lang ba? Bakit parang ang tamlay mo?" Nagtatakang tanong ni Melody sa akin. Huminga muna ako ng malalim tsaka pumikit.
"Medyo ayos lang naman ako. Pagod lang siguro ako," Pagsisinungaling ko. Ayoko naman sabihin sa kanyang sumasakit ang puso ko dahil baka mas lalo lang siyang magtaka.
"Eh bakit ka naman napagod? Ang aga mo kayang umuwi kahapon. Halatang iniiwasan mo kami ni Fafa Ken, hindi pa ba kayo nakakapag-ayos?" Tanong naman niya. Pinilit ko naman bumangon at sumandal sa head board ng kama.
"Hindi pa. At hindi ko alam kung magiging maayos pa nga ba kaming dalawa," Mahinang sabi ko at agad akong napahawak sa dibdib ko nang biglang kumirot ang puso ko.
"Gusto mong tulungan kita?" Alok niya. Hindi naman ako kaagad nakasagot dahil sandali akong kinulang sa hininga. Ilang beses pa akong huminga ng malalim bago bumalik sa normal ang paghinga ko.
"Kahit hindi na. Ayoko na rin naman makipag-ayos sa kanya," Malamig na sabi ko habang hawak ko pa rin ang kumikirot kong puso.
"Sigurado ka? Wala na ba talagang pag-asang magkaayos kayong dalawa?" Malungkot na tanong niya kaya napabuntong hininga na lang ako. Medyo nawala na rin ang pagkirot ng puso ko at gumaan na rin ang pakiramdam ko.
"Hindi ko alam. Mahal ko pa rin naman siya," Pag-amin ko at sandaling natahimik sa kabilang linya.
"Kung ganu'n pwedepa kayong magkaayos?" Tanong niya at halata sa boses niya ang excitement. Agad na nangunot ang noo ko.
"Sinabi ng hindi ko alam. Bakit ba ang bingi mo?" Inis na sabi ko. Narinig ko naman siyang napatawa kaya mas lalo akong nairita.
"Joke lang! Pwede ka ba ngayon?" Tanong niya kaya agad akong napaayos ng pagkakasandal sa head board ng kama.
"Bakit? May balak ka na naman gumala?" Nagtatakang tanong ko. Narinig ko naman siyang tumili na parang kinikilig kaya napataas na lang ako ng kilay.
"Bakit ka tumitili d'yan? Nababaliw ka na naman ba?" Nakataas ang kilay na sabi ko.
"Sira! nanunuod kasi ako ng korean drama kaya ako biglang tumili. So, pwede ka ba ngayon?" Tanong ulit niya. Bahagya naman akong sumulyap sa orasan sa gilid ng side table.
"Para saan ba 'yang pagyayaya mo?" Tanong ko naman. Narinig ko naman siyang tumili ulit bago sinagot ang tanong ko.
"Nakalimutan mo na agad? Birthday kaya ngayon ni Macky. Magtatampo 'yon kapag nalaman niyang hindi mo naalala ang birthday niya," Pananakot niya pa kaya napairap na lang ako.
"Tss. Konting lambing lang naman du'n bibigay na 'yon eh. Masyadong marupok," Natatawang sabi ko kaya napatawa na rin siya.
"Oo nga eh. Masyadong marupok sa'yo kasi crush ka nu'n." Natatawang sabi niya kaya mas lalo akong natawa.
"Hindi ako pumapatol sa bata," Nakangising sabi ko kaya narinig kong lumakas ang tawa niya.
"Magtatampo talaga 'yon sa'yo. So, puntahan na lang kita d'yan mamaya? By the way...sa beach gaganapin ang birthday niya kaya magbaon ka ng pamatay mong swim suit," Nanunudyong sabi niya kaya napailing na lang ako.
YOU ARE READING
Seducing My Gay Bestfriend
Romance"Just wait for me, baby. I'm going to seduce you, and you will fall for me harder and faster!" -Marjorie, a playful girl who always gets her way, met Ken, who was both cute and charming. After feeling attracted to him, she does everything to make hi...