Chapter 5

967 36 0
                                    

MARJORIE'S POV.

Agad na nagsalubong ang kilay ko ng makita kong lumabas si kuya sa kusina na nakasuot lang ng apron. Color pink iyon kaya feeling ko mas naging pogi siya sa suot niya.

"Bakit ka nakasuot ng apron kuya Melvin?" nagtatakang tanong ko. Nginisian niya lang ako at tsaka nagtanggal ng apron. Inilagay niya lang iyon sa may gilid ng sofa bago tumabi sa akin at inakbayan pa ako.

"Nagluluto kasi kami ng kuya Mykeil mo kanina," nagtaas naman ako ng kilay.

"Nagluluto? Bakit kayo ang nagluluto ni kuya? Nasan sila yaya?" takang tanong ko. Nginitian lang naman ako ni kuya tsaka ginulo ang buhok ko.

"Pinauwi muna namin. Namatay kasi 'yong nanay ni Manang Tess, eh." Napatango na lang ako tsaka nagpatuloy sa pagbabasa ng His Bite.

Maya-maya pa ay narinig ko na rin ang boses ni kuya Mykeil na nakatopless at punong-puno ng pawis.

Hindi man lang niya inaabala ang sarili niyang punasan ang pawis niya. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga itong si kuya. Masyadong tamad na maski pawis niya ay ayaw punasan.

Nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa ng maramdaman kong may tumabi sa kabilang gilid ko. Nang mag-angat naman ako ng tingin ay nakita ko lang si kuya na nakangiti sa'kin.

Agad ko siyang tinaasan ng kilay. Ano na naman bang problema ng mga 'to? Bakit parang ang weird nilang dalawa?

"Bakit ka nangingiti d'yan kuya?Nababaliw ka na naman ba?" Kunot noong tanong ko. Mas lalong lumawak ang ngiti niya kaya mas lalong nagsalubong ang kilay ko.

"Ano ba kuya! Nakakainis kana. Bakit ka ba ngumingiti dyan? Para kang sira," inis na sabi ko bago muling bumalik sa pagbabasa. Nagulat na lang ako ng sabay akong akbayan ng dalawa kong kuya.

"Our little princess, may ipapagawa kami sayo," nakangiting sabi ni Kuya Melvin. Mas lalo tuloy nangunot ang noo ko.

"Ano na naman ba 'yan? Kita niyo nang nagbabasa ako rito tapos ginugulo niyo ako. Magsilayas nga kayo!" inis na sabi ko at akmang babalik sa pagbabasa nang kunin 'yon ni kuya Mykeil.

Agad na nag-init ang ulo ko.

"Kuya naman, eh!" Imbis na sigawan ko sila ay napanguso na lang ako. Hindi ko naman kayang magalit kila kuya. Magtampo lang ang kaya kong gawin dahil ang magalit ang pinakahuli-hulihan kong mararamdaman para sa kanila.

Tinawanan lang nila ako at bahagya pang kinurot ni kuya Mykeil ang pisngi ko. Mas tuloy akong napanguso.

Damn! Ginagawa na naman nila akong bata.

"Ang cute-cute mo talaga baby girl," natatawang sabi ni kuya Melvin. Napairap na lang ako.

"Hindi na sabi ako baby girl kuya." Nakangusong sabi ko. Ginulo naman ni kuya Mykeil ang buhok ko at kinurot pa ang tungkil ng ilong ko.

"Yeah. Hindi ka na baby girl kung ihahatid mo yung niluto naming ulam sa bago nating kapitbahay." Agad na nangunot ang noo ko.

Bagong kapitbahay? Don't tell me 'yong gwapong bakla ang tinutukoy niya?

"Sinong bagong kapitbahay?" Patay malisyang tanong ko. Mas lalo naman lumawak ang ngisi ni kuya.

"Anong klase kang girlfriend kung hindi mo kilala ang boyfriend mo," natatawang sabi naman ni kuya Melvin.

Agad naman akong napairap. Tawagin ba daw akong girlfriend? Nang-aasar talaga ang dalawang 'to eh.

"Psh, bakit kailangan ako pa ang magbigay ng niluto niyong ulam sa kanila? Bakit hindi kayo?" masungit na sabi ko. Agad naman silang nagkatinginan at agad na napailing-iling.

Seducing My Gay BestfriendWhere stories live. Discover now