Jorraine's Pov
Nandito ako sa kwarto namin nina Jarrina na mag-isa dahil pumunta sila sa Beach para magsaya.
Napapaisip parin ako sa sinabi ni Mom,noong isang araw
Flashback
Sumunod ako kina Mom and Dad hanggang sa makarating kami sa kwarto nila sa tabi lang ng kwarto namin pero alam ko na nag-iingat sila dahil baka marinig sila nina Jarrina.
"Ano na naman ang ipapaliwanag niyo sa akin" tanong ko sa kanila
"Makinig ka sa amin,anak" sabi sa akin ni Dad
"Nakaligtas kami noong nasunog ang bahay natin sa probinsya dahil binalaan kami ni Ace,pagkatapos ay nagtago kami dahil kapag nalaman nila na buhay kami mapapahamak kayo" paliwanag niya
"Pero sino ang nagpapatay sa inyo" tanong ko pero hindi sila sumasagot
"Mommy,Daddy sagutin niyo ang tanong ko dahil naguguluhan na ako" sigaw ko sakanila
"Ang tatay ni Ace" sagot ni Dad
"Ano,diba si Ace ang nagligtas sa inyo,tapos ang tatay niya ang magtatangkang patayin kayo,nagbibiro po ba kayo" tanong ko
"Anak hindi ito biro, dahil kalaban ng organisasyon natin ang organisasasyon na binuo ng ama ni Ace,ang Assasin Organization,hindi alam ni Ace na talagang gustong patayin ng tatay niya kami dahil wala siyang kaalam alam sa pinanggagawa ng ama niya" seryosong paliwanag niya sa akin
"Kaya pala unang kalaban ng Organization natin ang Assasin Organization" nagulat naman sila sa sinabi ko,pero bakit?
"Huwag mong sabihin na" napasinghap na sabi ni Mom
"Sabihin na ano Mom" tanong ko
"Na alam ng pamilya ni Ace na buhay kami,dahil kung tama ang hinala ko,kailangan niyong mag-ingat" sabi ni Mom
"Jorraine ingatan mo ang kapatid mo" sabi ni Dad
"Opo Dad,atsaka kaya naman ni Jarrina ang sarili niya" sagot ko
"Mom,Dad paano si Jarrina,hi.di pa ba natin ipapaalam sa kaniya na buhay kayo,pati narin si Ace yung tungkol sa pinanggagawa ng ama niya" tanong ko
"Sa kapatid mo may panahon para malaman niya ang lahat pero kay Ace ako na ang bahalang magsabi sa kaniya,atsaka ikaw na ang mamumuno ng Organisayon natin" sagot niya
"Kamusta na kayo ng Boyfriend mo" tanong ni Dad
"Alam niyo" tanong ko
"Syempre,alam namin ang nangyayari sa buhay niyo ng kapatid mo dahil noon pa lang binabantayan na namin kayo" sagot naman ni Mom na nakangiti
Niyakap ko silang dalawa
"Ok. Lang po kami ni Gerald,atsaka mauna na po ako baka magtaka si Jarrina kung bakit ako natagalan" sabi ko sa kanila atsak umalis
End of Flashback
Paano na iyan,kung magkalaban pala ang Organisayon namin sa Organisayon ng tatay ni Ace,paano na sila ni Jarrina
Haiixxxxxt
Kung bakit na kase nangyari ito
"Ate"
Ano na kaya ang mangyayari kung malaman ni Ace ang katotohanan
"ATE"
Sino ang kakampihan niya

BINABASA MO ANG
Crush Lang Ba
AcciónHanggang kailan ang paghanga,at paghihiganti,matatalo ba nito ang pag-ibig