Chapter 18

50 5 0
                                    

Jenny's Pov

Nandito ako sa park,pero may nag-aaway pero familiar sila sa akin

" Jake,gusto kita" sabi ng babae,wait si Cristina yun ah,pero tahimik lang si Jake at tumalikod

" Si Jenny ba ang dahilan?" Sigaw ni Cristina kaya napatigil si Jake at humarap sa kanya,bakit ako nasali sa usapan nila
" sagutin mo ako,Jake" tanong sa kanya ni Cristina

" Alam mo kung ano ang kaya kong gawin Jake,kapag may nagugustuhan kang babae" babala niya kay Jake

" Huwag mo siyang sasaktan Cristina,dahil hindi mo alam kung ano ang gagawin ko sayo" sabi ni Jake at umalis

Napaupo na lang si Cristina at napaiyak

Aalis na sana ako nang tinawag niya ako
"Jenny"tawag niya sa akin
Lumingon ako sa kanya

" Layuan mo si Jake,kung hindi" banta niya sa akin

"Bakit ko naman siya lalayuan" tanong ko
" at bakit hindi mo siya lalayuan" tanong naman niya sa akin

" Dahil ayaw ko" sagot ko at umalis,linalandi nanga niya si Ace tapos pati ba naman si Jake,hindi ako magpapatalo sa kanya

Next morning

"Oh,Jane nasaan na si Besty" tanong ko sakanya

" Nasa bahay nila" sagot niya

"  Diba dito  ang meeting place natin" tanong ko sakanya dahil siya na lang ang wala sina Ace,Jane,Jake,Chester at ako nandito na siya na lang ang wala

"Puntahan na lang natin siya sa bahay nila" sabi ko sa kanila kaya pumunta na kami sa sarili naming kotse at nagmaneho

" Bessy" sigaw ko
Lumabas siya na namumutla at parang kagigising lang

" Pasok kayo" sabi niya at pumasok ulit

" Nakapag handa ka na ba" tanong ko sa kanya

"Oo kagabi pa,atsaka sasama daw si Ate,sasabay siya sa atin dahil may business trip siya doon"sagot niya at pumunta sa itaas para magpalit

"Jenny,alam mo ba kung ano ang problema ni Jarina aa akin" tanong ni Ace sa amin

" Bakit naman" tanong namin

" Kasi di na niya ako pinapansin,simula noong Sports Festival natin" sagot niya sa amin

"Sorry Ace pero siya na lang tanungin mo dahil wala kami sa posisyon para sagutin ang katanungan mo" sabi naming lahat

"Guys,tara na " sabi ni Jorraine

Tiningnan naman ni Ace si Jarina pero umiwas si Jarina

Iisa lang ang ginamit naming sasakyan,kumuha rin kami ng Driver,dahil sa Boracay kami mag sho shooting

Naiilang ako sa katabi ko,si Jake kase ang katabi ko
Si Jorraine nasa harapan tapos
Si Jane at Chester ang nasa harapan namin,Tapos ako at si Jake salikuran namin sina Jarina at Ace ang tahimik nga nila eh

Jarina Pov

Katabi ko ngayon si Ace,matagal ko na siyang iniiwasan dahil ayokong lumalim ang nararamdaman ko sa kanya pero paano ito mawawala eh magkasama na naman kami at kami pa ang pangunahing tauhan at alam ko ang daming eye contact sa taping namin, naka earphone lang ako,napatitig ako sa aking katabi at nakitang nakatulog siya

"Ehemm" tikim ng mga kasama ko kaya tiningnan ko sila ng masama,natutulog yung tao eh

" Amininmo na kase na mahal mo siya" tannong nila pero inirapan ko lang sila at natulog

Jane's Pov

" Ches,tingnan mo sina Jarina at Ace"  sabi ko sakanya kaya napatingin silang lahat sa likod

Kasi naman ang ulo ni Jarina nakapatong sa balikat ni Ace,kinuha ko yung cellphone ko at pinicturan sila at isa pa itong sina Jenny at Jake parehong torpe

" Chester,talaga bang crush ni Ace si Cristina" tanong ko

"Hindi,pinsan niya iyon pero tumahimik ka lang dahil ginagawa lang nila iyon para paselosin si Jarina" bulong  niya naman sa akin kaya napatango ako

Jorraine Pov

Sumama ako kina Jarina dahil may gagawin ako sa Boracay,hahanapin ko sina Mom and Dad dahil alam kong nandun sila pero hindi alam ni Jarina na nandun sila nagsinungaling ako sa kanya para sa ikabubuti niya.

Tumalikod ako para tingnan siya pero ang himbing ng tulog niya,ngumiti ako ng masaklap dahil alam kong masasaktan siya kung nakita doon sina Mom at Dad kaya kailangan ko siyang bantayan kapag nalaman niya lahat siguradong maghihiganti siya sa taong gustong pumatay kina Mom at Dad,naramdaman ko na may pumatak na luha sa aking mata

"Ok. Ka lang ate"
Nakabangon na pala siya,pinunasan ko ang aking luha
"Oo ok. Lang ako" sagot ko sa kanya

" pero bakit ka umiiyak" tanong niya
"Masaya lang ako para sayo,dahil may mahal ka nang lalaki na karapat dapat sayo" sagot ko,Ngumiti naman siya ng pilit dahil sa sinabi ko,ano ba kase ang babaeng ito hindi pa kase aminin kay Ace na mahal niya ito.

Crush Lang BaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon