Jane's PovKanina pa namin ginigising si Jenny pero hindi siya gumigising.
"Hi" rinig kong sabi ni Angeline
"Hello" sagot ko naman
"Hindi pa kasi namin alam ang Canteen dito,pwede bang sumabay na lang kami sa inyo"paalam niya
"Ah eh,tanungin mo si Jarrina doon" turo ko kay Jarrina sa kinaroroonan nina Jarrina at Ace
Tumango naman siya atsaka nagpasalamat atsaka pinuntahan sina Jarrina
"Uy Jenny,gising tinatawag na tayo nina Ace" gising ko sa kaniya
Buti naman nagising na, tumayo siya pero muntik siyang bumagsak buti na lang katabi niya si Jake
"Ok. Ka lang,bhie" tanong sa kaniya ni Jake
"Oo,ok lang ako" sagot niya naman
Linapitan kami nina Jarrina kasama yung mga transferees
"Tara na,Guys" aya sa amin ni Jarrina kaya pumunta kami sa kantina
"Oo nga pala,Jessy,saan kayo nakatira" tanong ni Jenny sa kanila
"Sa harapan lang ng University " sagot niya naman
"Bakit nga pala kayo nagtransfer" tanong ko naman
"Nakakabagot kase doon atsaka kailangan pa naming gawin ang naiutos sa amin" sagot ni Angeline
Napatangi na lang kami
Sa napansin ko sila para silang magkakasintahan pero hindi ako sigurado
"Magkakasintahan ba kayo" tanong ni Jake,tatanungin ko na sana iyon eh tsk
"Ah eh oo napansin niyo pala" sagot nila
Napatawa na lang kami
"Pwede ba namin kayong maging kaibigan" tanong nila
"Sure" sagot naman naming anim
"Friends" sabi nila
"Friends " sagot naman namin atsaka nakipag shake hands sa kanila.
Kahit naman na assassin sila may maganda pa rin silang kalooban pero kaulangan nga lang mag-ingat.
Angeline Pov
Flashback
Nandito kami ngayon sa Assassin Organization
"Gusto ko kayong apat na mag-aral sa Private University,kung saan nag-aaral ang mga bago niyong mission" utos niya sa amin nina James
"Sino po sila,Boss" tanong ni Jessy
"Ang pangalan ng eespiyan niyo ay sina Jane,Jessy,Jorraine,Chester,Jake at si Ace"
"Po,eh bakit po nasama yung anak niyo" tanong naman ni Anjun,habang ako nakikinig lang sa usapan nila
"Dahil pinili niya ang pagiging Gangster kaysa sa akin,kung pwede dapat huwag niyong ipapaalam na Assassin kayo,at dapat bawat galaw nila ipa-alam niyo sa akin." paki-usap niya
Tumango naman kami
End of Flashback
Tama kayo readers,assassins kami si Tito Philip ang namumuno at siya rin ang nagkupkop sa amin noong mga panahon na naghihirap kami,kaya pinagsisilbihan namin siya ngayon dahil sa utang na loob.
Lahat ng mga ginawa namin kanina ay dahil sa plano
"Angeline,anong susunod nating gagawin" tanong ni Jessy

BINABASA MO ANG
Crush Lang Ba
ActionHanggang kailan ang paghanga,at paghihiganti,matatalo ba nito ang pag-ibig