14 - Truth Untold

2.6K 79 2
                                    

Two weeks later...

"Lea, okay ka lang?" tanong ni Poppy sa akin.

"Hangover pa rin siya sa bakasyon niya." Sabi ni Sara habang nagtatype sa laptop. Tsch, kung alam niya lang hindi ito dahil sa hangover. Over siya, it's already been two weeks since our Palawan escapade kaya wala na akong hangover dun.

"Okay lang ako. Medyo stressed lang." sabi ko at ngumiti kay Poppy. Bigla siya umupo sa tabi ko at pinabasa sa akin ang isang email, may gustong mag-interview kay Windy.

"Can you ask Windy?" Tanong niya at ngumiti. Eto na ba talaga...

Two weeks nawawala si Windy, hindi siya nagpaparamdam. I think she ghosted on us, wala kaming balita sa kanya.

"I'll try pag na-contact ko na siya. One week siyang hindi nagpaparamdam sa amin."

Ngumiti si Poppy at nilock ang phone niya.

"Kasi pumunta siya sa US dahil may shoot. Kakauwi niya lang kagabi." Sabi ni Poppy. Teka, informed pa siya kaysa sa akin ah?

"Paano mo naman nalaman yan?"

"Hay nako Lea, you should start reading articles or check out the latest news." Sabi niya at tinapik ang balikat ko.

"By the way, ikaw ang pupunta sa office niya mamaya para magtanong. Eto ang address." Inabot niya sa akin ang isang sticky note, teka malapit lang talaga to kung san ako nag-aral ng college at sa... ano...

"Bakit ako pa talaga?" Tanong ko sa kanya nun tumayo siya.

"Ayaw mo ba nun? Friends kayo ni Windy for sure pag-ikaw, papayag siya agad."

Ayaw ko ba? Hindi naman. Actually gusto ko siyang makita dahil... nacurious ako sa sinabi ni Madison sa akin nun isang araw.

"Okay, I'll go." Sabi ko at kinuha ang post it sa kamay niya. Mamaya na akong hapon pupunta total ang dami kong aasikasuhin!

Galing pala siya sa US, kaya pala sabi ni Bianca missing si Windy. Pero kung galing siya sa US, sino ang nagbabantay sa ano niya... teka nalilito ako ano ba yan!!!

Dapat magfocus ako dito sa trabaho ko or else patay na naman ako kay Poppy. Busy ako sa pag gawa ng report at hindi  ako makapagconcentrate dahil sa sinabi ni Madison hay nako!

Is Windy lying? Is she hiding something?

Ganito kasi yun, two days ago nagkita kami ni Madison dahil may sasabihin daw siya sa akin. After work, nagkita kaming dalawa sa isang coffee shop at dun niya sinabi sa akin ang katotohanan.

Two days ago...

"Lea!" Sigaw ni Madison at kumaway sa akin. Hala nauna pa siya kaysa sa akin. Agad agad ko siyang nilapitan at binati.

"I'm so sorry nalate ako, madami pang pinagawa si Poppy sa akin eh." Umupo na ako at umorder na rin ng coffee. Napansin ko seryoso si Madison ngayon, did something happened?

"May problema ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman. Pagod rin ako sa trabaho hahaha." Sabi ni Mads at sumandal. I can tell, medyo halata na yun eye bags niya at medyo mapukla siya but that's not it. May something talaga yan, kilala ko si Mads.

"Something is bothering you." Sabi ko at tinignan siya ng seryoso. Napabuntong hinga siya at pumikit ng ilang segundo.

"Lea, may sasabihin ako tungkol kay-"

"Here are your orders Ma'am." Sabi ng waitress at nilapag ang mga order namin sa mesa. Hinintay muna namin matapos ang waitress sa paglagay ng orders namin.

Deceived (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon