45 - butternut

2.6K 121 29
                                    

Nandito pa rin ako sa office, tinatapos ko ang report para isend ko kay Poppy. Kailangan ko kasi tapusin ito dahil hinihingi na ni boss ang report. Nakauwi na ang iba, ako na lang ang nag-iisa dito sa office. Umuwi na yun iba kasi natapos na sila eh ako wala pa kaya ayaw ko tambak ang trabaho ko.

Napatingin ako ako sa oras, FUCK IT'S ALMOST 11 PM?! Oh my go- hindi ko namalayan ang oras akala ko 9 pm pa lang!!!

Dapat bilisan ko na para makauwi na ako at ibigay ko na lang to kay Poppy bukas. I want to rest!! I want to be stress free!!!

After typing and proof reading the report, sinave ko na at nagstretch- aaaaaah ang sarap!!

Sumulyap ako ulit sa wall clock at quarter to 12 na. First time ko magOT ng ganito katagal, and also this is the last time. Ayaw ko na maulit to no?

Kinuha ko ang mga gamit ko bago ako lumabas sa office. Hindi naman ako natakot kasi may mga guard naman dito.

I CAN'T WAIT TO GO HOME! Excited na ako makita ang kama ko at humiga dito at matulog ng mahimbing.

Habang nagdadrive ako pauwi, naramdaman ko na lang may something ang right side ng kotse. Parang mabigat? Tumabi ako at sumilip-

TANGINA FLAT!

Oh no bakit ngayon pa talaga ako na-flatan? Tsk minamalas talaga ako nito kainis. Hindi pa naman ako marunong pumalit ng gulong. Marunong lang ako magmaneho pero pagdating sa ganito, hindi masyado.

Naghazard lights ako at namoblema kung paano ko to aayusin. Shit ang mga kakilala ko nasa malayo pa naman nakatira, nasa Makati pa naman ako-

Makati.

I know someone from here pero nakakahiya naman eh pero kung hindi ko rin siya tatawagan, hindi ako makakauwi nito. Gusto ko na magpahinga, naiiyak na ako!!! Bahala na tawagan ko nga siya. Agad agad kong dinial ang number niya at naka-ilang ring na ako hanggang sa binati ako ng "the subscriber cannot be reached".

Shit!! Bakit hindi niya sinasagot? Paano na to? I can't concentrate right now-

Biglang nagring ang phone ko at nabuhayan ako ng loob nun nakita ko ang pangalan niya.

"Hello?"

"Hello. Sorry hindi ko nasagot ang tawag mo." Bati niya sa akin at literal akong napahawak sa dibdib ko. Nabuhayan ako bigla, THANK YOU GOD TUMAWAG SIYA!!!

"Winds!! Nasaan ka?"

"Nasa bahay. Bakit?"

"Nandito ako sa may Buendia and I'm stucked. Flat ang gulong ko eh." Sabi ko at nakaramdam ako ng hiya. Baka isipin niya hindi ako marunong sa mga ganitong bagay, which is totoo naman pero nakakahiya parin!

"Are you alone there? Are you okay?" Tanong niya sakin, parang natataranta na.

"I'm alone here and I'm fine. Eto kasi nagOT tapos pauwi na ako biglang nagflat." Sabi ko.

"Okay, papunta na ako, literally. Stay safe." Sabi niya at naririnig ko ang ingay sa kabilang linya. It seems like nagmamadali talaga siya.

"Ingat ka rin sa pagdrive Winds."

"Wait saan banda ka sa Buendia?"

"Dito sa may Metrobank."

"Okay. I'll be there in a minute." Binaba na niya ang tawag. Mabuti na lang talaga gising pa siya or else, ewan ko na. Pumasok ako sa loob ng kotse ko at nilock ang pintuan. Dito na ako maghihintay sa loob, it is safer here than to wait outside diba?

Sumandal ako sa manibela at pumikit. Pagod na talaga ako.

Deceived (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon