18- Malabo

2.7K 97 14
                                    

Nasa isang shoot ako at pinapanood ko si Windy magpose sa camera, she really is fierce and amazing. Ang laki na rin ng confidence niya, I'm so proud of her.

"It's a wrap!!" Sigaw ng photographer at nagpalakpakan kaming lahat dito sa studio. Finally after hours of taking photos, tapos na siya at makapagpahinga na rin kami. Did I just say kami? Oo naman kanina pa ako nakatayo behind the scenes at pinapanood siya.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya paglapit niya sakin. Parang nahihirapan siya sa hills niya and she kept on scowling.

"These sandals are killing me." Sabi niya at agad agad niyang hinubad ito. Well to be honest, hindi ko pa nga yan nasuot pero sumasakit na ang paa ko. Natiis niya yan?

Tinulungan ko siya sa pagtanggal ng sandals at ang saya niya nun natanggal na namin.

"Oh! I'll get change and we'll go." Sabi niya at tumakbo papunta sa dressing room. She's really something. Hindi muna siya magpahinga? I mean she's posing for hours and her both of her feet are killing her so... dapat magpahinga muna siya no.

"Lea umupo ka muna." Sabi sakin ng isang crew at inoffer niya ako ng upuan.

"Thank you." Sabi ko at umupo. I checked on my phone as I wait for her. Ang dami kong namimiss na balita dahil sa schedules ko, busy talaga lalo na inuutos ako ni Poppy na mag-asikaso sa mga bagay bagay.

"Sorry for making you wait." Lumabas na siya at muntik kong mabitawan ang phone ko dahil... dahil... ang ganda niya.

She's still wearing make up, kahit nakacasual clothes na siya, mukhang may shoot pa siya.

Agad agad akong tumayo at tumawa ng nerbyos. Bakit ba ako ninenerbyos?

"Pretty- I mean beautiful." Sabi ko at nagulat siya- nagulat kaming dalawa. Bakit ko rin sinabi yun?! Parang may sariling buhay tong bunganga ko.

She just laughed at me and held my hand. Natataranta ako bakit ba? Sabay kami lumabas sa building at dinumog siya ng mga fans niya, again.

Todo asikaso siya while ako naman, napunta sa side dahil tinulak ako ng mga ibang fans niya palayo.

"I'm so sorry but I'm in a hurry. I promise I'll make it up to you when we meet again." Sabi niya at naglakad papunta sakin. Sinamaan ako ng tingin ng mga iba niyang fans, for what? Anong ginawa ko?

"Sorry for that commotion." She rubbed the back of her head and laughed.

"No need to be sorry, sadyang famous ka na at madami kang fans." Sabi ko at ngumiti na naman siya, yun ngiti niyang maganda at nakakaakit.

Oh my gosh, nag-iinit yun mukha ko.

"I feel like it's a dream." Sabi ni Windy habang naglalakad kami. Nakatingin siya sa taas at ang laki ng ngiti niya. Timing rin mahangin, Windy likes it windy.

Hindi ako sumagot, tinignan ko lang siya nakangiti at biglang bumagal ang mundo.

"Windy." Tawag ko sa kanya at agad agad naman siyang lumingon sakin.

"Hmmm?"

Hinila ko siya palapit at hinaplos ko ang pisngi niya. Mukhang nawi-weirduhan siya sakin dahil iba na ang tingin niya at nakataas ang isang kilay.

Deceived (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon