Chapter 13 - Beautiful

58 3 1
                                    

Hephaestus' POV

Pagkarating na pagkarating namin sa Cebu agad kaming pumunta sa hotel na pina-book ko. Dito sa Radisson Blu. Mahal dito pero ayos lang, para kay Thalia naman 'to eh.


"Magkaiba tayo ng room kaya wag kang mag-alala." At tumawa pa ako. Siguro naman diba, ayos lang sa kanya na magkaiba kami ng room? Alam ko namang may trust issues siya eh. 


"O--okay." Parang kinakabahan niyang sabi. Kinakabahan siguro 'to since siya lang mag-isa at walang kasama. First time niya kayang makapasok sa isang hotel. Well, gusto kong lahat ng gagawin namin ay talagang first time sa kanya. Gusto ko siyang mapasaya.


"Just call my name and--"


"You'll be there." She smiled.


"Hindi! Ang corny na nyan eh HAHAHAHA!" Biglang nawala ang ngiti niya at parang papatay na ng tao. "The darkness of the dark night might shake up your dreams but don't be afraid, I'll be there so it's okay." Pagbawi ko dito. P**a! Ume-English na ang napakagwapo kong sarili! Nakakahwa naman kasi ang pag-english English ng babaeng 'to kaya ito napapa-subok an rin ako! 


"Hahahahah! Ang corny mo pa rin!" Tawa ito ng tawa. She take it as a joke because I said it with a kidding tone but I'm serious. Kahit na ano ang mangyari, hindi ko siya iiwan.


"Tsk tsk. Pumunta ka na nga lang sa kwarto mo. Magpahinga ka na, may pupuntahan kaagad tayo pagkatapos mong magpahinga." Oo, kailangan ko na siyang ilibot dito sa Cebu 'no. I mean yung tourist guide yung maglilibot sa amin. Gusto kong sumaya kaagad siya. Dahil ngayon, oras ang kalaban namin. 


Lumipas ang ilang oras at nagising nalang ako dahil sa katok sa labas ng room ko. Aba! Don't tell me si Thalia yung kumakatok? Namiss niya agad ako? Wow hahahha joke lang!


"What the--" Bigla siyang nagtakip ng mga mata niya kaya napatingin ako sasarili ako. P**a!!!! Naka-boxer lang ako! 

Agad kong isinarado ang pintuan at agad na nag-hanap ng maisusuot at nung may Nakita na ako, sinuot ko agad ito at binuksan na ulit ang pinto.


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko dito. Ang aga pa kasi eh.


"Akala ko ba may lakad tayo? Gosh! You're not even ready!" At dun ko napagtantong may lakad nga pala kami. Kaya pala ayos na ayos siya.


"Teka, bigyan mo ako ng 5 minutes lang please!" Agad akong nag-ayos. Nag-tooth brush, nanghilamos at nagpalit kaagad ako ng damit na maisusuot. Pagkatapos naman nun ay inayos ko na ang sarili ko. 'Ayokong pag-intayin si Thalia.' I thought. "Let's go?" I smile as I lend her my hand. I'm gonna make her happy, really happy. 

--

"Ang ganda po talaga dun mam! Ang dami ngang taong pumupunta dun eh." Sabi ni Kuya Alexandro habang nagda-drive. He's our tourist guide at kanina lang namin siya nameet. Pero ang close na nilang dalawa ni Thalia! Parang mag-ama eh!


"Hehe, malapit na po ba tayo dun Kuya?" tanong ni Thalia. Papunta kasi kami sa Basilica del Sto. Niño. I told her that our first destination will be that church since I want to start this journey with a prayer. Ang dami kong gustong sabihin siya Diyos kaya gusto ko ring pumunta dun. I want to tell him how Thalia behaved here. Gusto kong sabihin sa kanya na umaasa pa rin kami na mabubuhay ng matagal si Thalia. I want to tell him how thankful I am because I met Thalia. Gutso ko ring humiling sa kanya na sana, hindi 'to matapos. Na sana palagi nalang masaya kahit alam kong hindi naman pwede. In our life, we need to face our problems because this is the reality. This isn't a fantasy.


"No need to ask that Mam kasi nandito na po tayo!" And Thalia smiles bigger. First time niya ring makakapasok sa isang simbahan. Pero napakunot ang noo ko nang biglang mawala ang ngiti niya.


"May problema ba?" Tanong ko dito kaya tumingin ito sa akin.


"Ano kasi. I'm not a Christian. I mean I believe in him but I'm not a Baptist like you and Kuya Alexandro." She look down. Kaya pala nawala ang ngiti niya.


"Don't worry Mam. Lahat naman welcome sa simbahan eh. Lahat tayo welcome kasi tanggap tayo ng Diyos. Tsaka may rason naman siguro ang mga magulang mo po  kaya hindi ka nila napabinyagan, diba? Mahal ka ng mga magulang mo po Mam eh kaya may rason sila kaya hindi ka nila napabinyagan. Tsaka mahal ka pa rin ng Diyos." I was touch by what Kuya Alexandro said. Nakakabakla man pero sh** (sorry Lord)! Kahit mahirap lang sila ay ang ganda mangaral ni Kuya Alexandro. Masaya pa rin siya kahit naghihirap. Nakakayanan niya lahat kasi gusto niya ang lahat makayanan rin ang mga problema nila. Tsak na mahal na mahal siya ng pamilya niya. Alam kong Mabuti siyang ama at asawa eh.


Thalia smile. "Salamat talaga Kuya Alexandro! Pinagaan mo po ang nararamdaman ko dahil sa sinabi niyo po. At tama po kayo, mahal ako ng mga magulang ko at ng Diyos." Because you're special Thalia. Mahal ka ng Diyos kasi special ka sa kanya. Mahal tayong lahat ng Diyos kasi special tayo sa kanya. 

Di naman nagtagal ay pumasok na kami sa simabahan. I prayed. I did really prayed. My parents taught me this thing since I was a kid pero parang ngayon lang ako nakapag-dasal para ibang tao. Ipinagdadasal ko naman noon ang mga kaibigan at pamilya ko pero ngayon lang ako nakapag-dasal tungkol sa babaeng special sa akin. Sa babaeng ibang-iba sa lahat. Hindi dahil kakaiba ang allergy o urticaria niya pero iba siya dahil sa ugali niya. She's different because she's really selfless. Hindi niya kayang sumaya habang ang iba naghihirap. Mahal niya ang iba pero hindi niya kayang mahalin ang sarili niya. That's why I want her to change herself. I want her to be brave enough to love herself. 

'I want to keep her, Lord.' I prayed.



"Tigilan mo nga yan haha!" Sabi niya sa akin. Kanina ko pa siya pinipicturean at ayaw niya iyun. Well, I'm just capturing moments with her. 

I stopped. Instead, I press the record button para makapag-video.


"Ayoko nga haha!" Sabi ko dito.


"I-delete mo yan pagkatapos!" Sabi niya at tinanaw na naman ang labas. Nasa colon street nga pala kami. Gusto niyang libutin muna ang colon street eh bago kami makapunta dun sa The Heritage of Cebu Monument. 


"Paano kung ayoko?" At tumawa na naman ako.


"Idedelete mo yan sa gusto o ayaw mo!" Ang cute niya talagang magalit.


"Ang cute mo talaga hahaha!"


"Saksak mo yang camera sa baga mo." Ito naman. Sinabihan na ngang cute siya eh tapos siya pang may ganang magalit. Iba rin ang babaeng 'to tsk tsk.


"Nandito na po tayo mam sir!" Sabi ni Kuya Alexandro kaya napatingin kami sa labas at yun na nga nandito na kami sa destinasyon namin. Parte lang ata 'to sa colon street rin eh. BTW ang colon street ay ang pinaka-matagal ng street sa buong bansa. Oh ayan may pa lesson pa akong nalalaman. Dagdag pogi points.


"Woahh." Manghang mangha na naman siya kaya kinunan ko siya ng litrato. 'I wish I can capture more moments with you.' I thought.

May napansin akong isang Bahay na halatang luma na kaya napatanong ako kay Kuya Alexandro.


"Ano po ba ang Bahay na yan Kuya?" 


"Ahh yan po ba sir? Yan po ang Yap Sandiego Ancestral House. Isa sa mga pinaka-luma at pinaka-matagal ng Bahay dito sa buong Pilipinas." Mabuti naman at meron pa ring mga ganito. Bihira ka nalang kasi makakita ng mga ganito sa syudad eh. Di nagtagal ay napatanong sa amin si Kuya Alexandro. "Ano na po Sir? Sa next stop na po ba tayo?"  


--

Ang bilis ng oras at ngayon ay nandito na kami sa Tops. Well, sabi ni Kuya Alexandro na mas maganda daw dito kapag gabi kasi kitang-kita mo talaga ang ganda ng buong syudad mula dito. Kaya ito kami ngayon manghang-mangha sa nakikita namin. 

T**ina, nakakbakla man pero sh**! Ang ganda sobra! Ang ganda talaga ng Cebu kapag gabi. Yung mga ilaw nila parang ang gold eh! 


"Woahhh!" Nasabi nalang ni Thalia. Kinunan ko na naman siya ng picture kaya napatingin na naman ito sa akin na naka-glare. 


"Kanina ka pa ah!" Oo kanina pa talaga. Pagkatapos nung Ancestral House kanina, pumunta kami ng Casa Gorordo Museum tapos Fort San Pedro. Pagkatapos nun ay kumain muna kami kasama si Kuya Alexandro. Tapos nagpatuloy na naman kami at pumunta kami ng Sirao Flower garden tapos sa 10,000 roses naman. Tapos dito na kami dumiretso. Ang daming gala kaya panay yung pagkuha ko ng litrato niya. Ang ganda kasi eh. Ang ganda ng tanawin ang ang ganda niya ay hindi nailalayo. I love seeing her with the beautiful scenery. Pero para sa akin mas maganda pa rin siya. She's beautiful. She's beautiful that I can't let go of her...


"Sos ito naman! Gusto ko eh." Sabi ko dito. 

We become silent. Damang-dama namin ang tanawin mula dito. Sobrang ganda na mapapanganga ka nalang. 

Tiningnan ko siya. 'This beautiful creature was worth it.' Alam kong dumaan siya sa maraming problema pero tinulongan ko siya and all of it was worth it. Sana hindi nga lang 'to matapos kaagad. Kasi ayoko. Hinding-hindi ko makakayanan. Hinding-hindi namin makakayanan. 

Napatingin kami pareho kay Kuya Alexandro na nasa harap namin ng may biglang nagclick na kung ano. At dun namin napagtanto na kinukuhanan niya pala kami ng picture gamit ang camera niya. Teka, may camera pala siya?


"Matagal ko na po 'tong ginagamit Mam, Sir. Para sa mga torista po. Sa tuwing maganda po yung mga tanawin, gusto ko pong kunan ng litrato ito para may mga memories po." he smiled. Tama ka Kuya Alexandro. Yung mga litratong pwedeng mabura pero hindi kayang mabura natin. Sana ganun nalang rin ang mga tao. Kung gusto mong mabura ang isang memorya, pwede mong I-click lang ang delete pero kung gusto mong dala ang memorya na yun hanggang sa dulo, pwede mo namang I-save nalang at wag pakialaman. Sana ganun nalang. Sana.

Under The Rain (Vidallon Series #2)Where stories live. Discover now