Chapter 1 - Where Did It All Started

185 6 1
                                    

3rd Person's POV


"Mommy! Ayoko na huhuhu!" Iyak lang ng iyak ang batang si Hephaestus. He don't want injections so badly! Paano ba naman kasi, nilalaro yung buntis na aso nila, what happened? That dog bite him. Kaya ito sila sa isang hospital, magpapa-inject.


"But you need to! Sige na, I'll treat you after this!" Hephaestus just snob. Alam niyang talo na siya dun. Lahat gagawin niya dahil lang sa kapalit. Mga bata nga naman. He's just a 6 year old cute boy!


"Fine! That's a promise." At pagkatapos niyang sabihin yun, agad siyang pumikit at hinintay na ang injection. And after that? "Wait what? It's all done?" Tanong niya nang maramdaman niyang parang wala lang yung last na in-inject sa kanya.


"Yes, baby." His mom said.


"Mom, can I go to the comfort room? I really need to pee." At nung nag-nod na ang kanyang mommy ay agad siyang tumakbo papunta sa comfort room ng hospital. He already where it is. While walking in the pathway he stop when he saw a girl crying and shouting in a one room. There are so many nurses and doctors, too. Naawa siya dito kasi parang walang ginagawa ang mga doctor at nurse dito. "They should have help her." Bulong nito. Hindi na nito mapigilan pa at pumasok na talaga ito sa nakabukas na kwarto. There, he saw the girl closely. It looks like she have rushes kasi mapula ang halos buong dalawang braso nito. But why is she screaming? Does it hurt?


"You!" Bigla siyang tinuro nung umiiyak na bata kaya napatingin rin ang mga taong nasa loob ng kwarto. "Why are you here? Get out!" The girl said.


"Ang arte naman nito." Bulong nalang ni Hephaestus. Pinalabas na rin siya ng ibang nurse sa kwartong yun. "What is happening to her? Why is she screaming and crying?" Tanong niya sa nurse na nagpalabas sa kanya.


"Because she's in pain." She's in pain? Bakit? Gaano ba kalala ang rushes niya at halos marinig ang boses niya ng buong hospital?

Pero ang hindi nila alam ay pinagtagpo talaga sila ng Panginoon sa isa't-isa.

--

14 Years Later

Hephaestus' POV

Nandito ako ngayon sa basement ng Vidallon Academy. Putspa! Alam niyo bakit palagi akong maaga? Kasi pogi ako. Joke lang haha! Ewan ko ba kung bakit gusto ng professor naming baliw na dapat maaga kami sa academy eh! Baka may gusto yun sa akin at gusto niyang makita ang gwapo kong mukha sa umaga hahaha! Gwapo ko talaga.


"Grey! Ang aga mo ata!" Bungad ko kay Grey nang makita ko siya. Ang aga-aga naman ata ng lalaking 'to. Eh palagi yang late eh hahaha!


"Oy Tanda! Buti alam mo Tanda ah!" Tanda na naman. Sige sabihin na nating matanda na ako pero pogi naman *flying kiss*


"Ilang ulit ko na ba sinabi sayo na wag mo akong tawaging tanda!" Sabi ko sa kanya. Nakakabwesit ang TANDA eh. Parang ngang ako pa yung pinakabata sa aming pito. Hahaha! Pogi ko.


Napatigil kami ni Grey nang biglang bumungad sa harapan namin ang pangit na si Felix at ang gang niya. "Oy Hipaytus, Grey, nandito pala kayo. Asan ang pinsan niyo?" Pangit talaga nito, hindi niya alam paano i-pronounce ng perpekto ang pangalan ko! Hephaestus yun ogag ka!


"First of all Felix ah, Hephaestus, not Hipaytus." Sabi ko kay Felix na natawa pa talaga si Grey! Grabe! Palibhasa, ang dali lang ipronounce ng pangalan niya. Pero sa akin, pang-diyos ang pangalan ko eh kaya ito nagtitiis nalang ako, pogi naman ng pangalan ko eh, mana sa akin.


"Oo nga haha! Tsaka hindi kami hanapan ng mga nawawala." Sabi naman ni Grey na natawa rin ako! Putspa mga pre! Sa gwapo ko ba namang 'to, mapagkakamalang lost and found.

Napahinto kami sa pagtawa ni Grey nang nag-iba ang timpla ng mukha ni Felix. Paano ba yan, siya angtalo. Ang dali niyang mapikon.


"Aba qaqu to ah!" At putspa! Bigla kaming sinugod mga pre! Grabe naman mapikon ang lalaking 'to! Kaya mas siga si Kiryu kesa nito eh!!!

Biglang may sumugod sa akin kaya agad naman akong umilag. May sinuntok na rin ako, buti nga yan sayo eh! P**a! Kung may nagpipicture man sa amin ngayon, paniguradong pogi pa rin ako kahit nakikipag-away pa!


Napatingin ako kay Grey kung ayos lang ba ang qaqo at mukhang ayos pa rin naman. Pero agad akong sumigaw nang bigla kong makita galing sa likod niya na may hawak na baseball bat. "Grey!" Sigaw ko dito pero huli na. Bigla siyang napatumba.


"Qaqu ka talaga Felix!" Sigaw ni Grey kay Felix. Weak talaga ang Felix na 'to. Nagiging siga lang yan kapag nandyan mga kasama niya eh! Weak talaga! Pangit rin malamang!

Patay kang lalaki ka kapag nalaman 'to ni Kiryu haha!


"Alam mo, gumalang ka sa akin kasi mas malakas pa ako kesa sa ibang tao sa school na 'to!" Nagkakamali ata siya. Una sa lahat si Kiryu ang nag-rank one at rank two lang siya sa mga gangsters! Pangalawa, siya dapat ang gumalang sa amin kasi kami ang nagmamay-ari ng academy na pinapasukan niya! At pangatlo, wala lang.

May biglang humawak sa akin na dalawang lalaki. Wow ha! Ang yabang talaga ng gunggong na 'to.


"Felix! Gumising ka nga! Gumising ka sa katotohanan na pantay lang tayong lahat dito!" Sabi ko. Ay mukhang hindi ata kami pantay lahat dito! Ako yung pinakagwapo eh kaya hindi talaga pantay!


"Hindi nga! Ako ang pinakamayaman, pinakasiga at hari dito!" Dream on Felix! P**a ano bang nangyari sa utak mo at nasabi mo yan? Hahaha tsaka ano ring nangyari sa bungo mo, ang pangit mo rin ata?


"Hari? Qaqu hahaha! Kung hari ka nga talaga edi sana mas siga ka kay Kiryu pero Felix, hindi eh. Hindi kasi duwag ka!" Galit na galit na rin ata si Grey. Sasabog na ata eh pero hindi siya makagalaw dahil ata sa sakit ng ulo niya.


"Jerk ka nga talaga Grey!" Papaluin niya na sana ang ulo ulit ni Grey nang may narinig kaming sigaw.


"Stop!!!" Pero late na! Napalo na ni Felix. Bigla nalang nahimatay si Grey. Napatingin muna ako sa babaeng sumigaw nun. Si Kaleigh?

Biglang nagsilayasan ang mga kagrupo ni Felix at lumapit naman si Kaleigh.


"Grey!" Ang concern naman nito kay Grey. Maganda naman si Kaleigh eh pero kung lalaki siya, mas pogi ako. At kung babae rin ako, mas maganda ako sa ka-- pero hindi ako bakla! P**a! "Grey, wake up!" Daig pa nito si Leslie kung maka-react. Hindi pa patay yang ogag na yan.


"Kailangan natin siyang dalhin sa hospital!" I try to act na nag-alala pero ang totoo nyan hindi talaga. I mean, nag-alala ako pero alam ko namang makaka-survive si Grey eh dahil unang-una, hindi naman malakas ang pagkakapalo sa kanya at pangalawa sanay na yan!

--

Kanina lang namin nahatid si Grey sa hospital at mga pre rinig na rinig ko na sinabi ni Kaleigh na pipirmahan niya da wang kontrata hahaha! Patay siya! Eh hindi naman mamatay si Grey eh! Yun pa! Masamang damo yun mga pre!

Papunta ako sa cr ngayon eh at napahinto ako sa isang kwarto. Naalala ko na naman yung nangyari noon. There was a girl screaming there. Ano na kaya nangyari dun? Ewan ko ang kung bakit hindi talaga maalis sa isipan ko yung pangyayaring yun eh. Nakakaawa talaga ang babaeng yun mga par.

Nakailang punta na ako sa hospital na 'to pero hindi ko na siya nakita.

I sigh. Naglakad nalang ako pero nagulat nalang ako nang may bigla akong nabangga.

Natumba pa nga yung babaeng nakabangga ko eh.

Napailing nalang ako.

Sanay na ako mgapre! Ganyan talaga minsan ang ginagawa ng mga may gusto sa akin. Yung parang binangga ko daw! Hayyy! Sanay na ako mga pre.


"Hanep! Gumagawa talaga kayo ng paraan para mapansin ko kayo 'no?" Sabi ko dun sa babaeng nakabangga ko. Bigla siyang tumingin sa akin. Maganda naman siya pero hindi ko type. Galit na galit yung mukha niyo. Parang papatayin ata ako nito ah.

Nag-snob lang siya sa akin at tumayo na. Teka, nag-snob lang siya sa akin?! Hanep! Iba na talaga mga babaeng may gusto sa akin ngayon!

Hindi ko nalang siya pinansin. Alam ko namang gusto niya lang talagang pansinin ko siya. Upgraded na pala yung may mga gusto sa akin haha!

Umalis nalang ako.

--

Thalia's POV

"Hanep! Gumagawa talaga kayo ng paraan para mapansin ko kayo 'no?" What is he talking about? Siya na nga yung nakabangga sa akin, siya pa ang pinagsasabihan ako. Anong iniisip nito? Na may gusto ako sa kanya?

I just snob and go back to my room. Welcome to my room. After 2 months, nakabalik na naman ulit ako dito. It's still nice. I can still smell the medicines.

Anyway, I'm Thalia Aphrodite Hera. A not-so-ordinary girl. Why? Well, I have this allergy called "Aquagenic Urticaria" weird right? Well, nagkaka-rushes ako kapag nabasa ako ng tubig. And it's not just an ordinary rushes. It hurts like hell! I can't cry but just scream! Hindi ako makaiyak dahil natatakot akong baka mas masaktan pa ako dahil sa stupid kong allergy. Being allergic of water is not easy. It's because masakit talaga siya kapag nabasa na ang balat ko ng tubig. And that's the reason too why I can't go out. Pinagbabawalan akong lumabas ng bahay dahil natatakot ang parents ko.

But I think there is also another reason kung bakit pinagbabawalan nila akong palabasin.

Mukhang ayaw nila kasing malaman ng mga tao na may ganito ako. Kasi masisira ang career nila sa business world. Hindi man lang nila naitanong sa akin kung okay lang ba ako. Na ayos lang ba na sa bahay lang ako palagi. Na wala ba akong problema.

I'm always alone. For 19 years of existence here on earth, hindi ko pa naranasang makapunta sa ibang lugar na gustong-gusto kong puntahan. Hindi ko pa naranasang pumunta sa paaralan o kahit mall man lang. At yun ang pinakamasakit. Hindi ko man lang naranasang makipag-usap sa mas madaming tao.

I'm always locked up in my room, holding a laptop and browsing in the internet. It's stupid knowing that I can't interact with the people. My life is f**k up. It's so stupid. Lagi ko nalang tinatanong kung bakit nabuhay pa ako kung wala naman rin akong magagawa sa mundong 'to. I guess I was born to suffer.

Since I was a kid, I can always feel that thing called JEALOUS. Wala akong mga kaibigan noon but thanks to Kaleigh and Charles, hindi naging boring masyado ang buhay ko. Sila lang talaga ang naging kaibigan ko. They are always their in my side kapag nagkakaroon na naman ako ng rushes. Masaya na ako kahit wala silang ginagawa. Alam ko namang walang ibang makakatulong sa akin eh kundi ang sarili ko lang. There's no treatment for this allergy.

19 years of existence pero sa hsopital at sa bahay lang ako nakakapunta lang talaga. Ewan ko ba kung bakit ayaw talaga ako palabasin ng parents ko.


"How's your day?" Tanong sa akin ni Doctor Belen.


"Don't ask me that. You know what's my answer." I answer her.

She's my doctor. Every month or two nagpapa-check up talaga kami eh. Hindi ko alam kung bakit may pacheck up check up pa eh wala namang gamot 'tong allergy ko. I don't need a doctor, too.


"Haha! We missed you a lot." Napatawa nalang ako. Namiss nila ako? Lie. Mukhang wala ngang makaka-miss sa akin eh. They always call me "Wild" or "Maldita" or "Evil" Hindi naman talaga ako maldita or evil. Wild? Oo, wild ako kapag nagkakarushes. Pero hindi ako maldita or evil. Plastic lang talaga sila. Ewan ko rin ba kung bakit malaki ang galit ko sa mga tao. Is it because they are wasting their life because of their works? Dapat nga eh magpakasaya sila because they are free! They have freedom not like me!


"Stop saying lies." Sabi ko at humiga nalang sa kama ko. This room is already mine. Dito ako nagsa-stay kapag pumupunta kami ng hospital.


"Na-miss ka talaga namin." She said while checking my skin.


"You missed my wildness not me." I said as I close my eyes.


"True." Sabi niya at tumigil na sa kakacheck. "Ayaw mo bang mag-stay dito sa hospital? Dumadami na ang mga patients na nasa tabi ng room mo." Ano namang gagawin ko kapag madami na sila? Hindi rin naman ako papayagang makipag-usap or what! Sa kanila eh.


"Then tell mom and dad about it."


"C'mon. Ikaw na yung magsabi sa kanila. May isa pa rin namang rason eh kung bakit dapat mag-stay ka dito."


"What?"


"There will be scientists coming here."


"Then?"


"Well, ang mga scientists na mga yun ay ang mga hinahanap nila ay mga pasyenteng may rare ang sakit or aller--" Napabangon ako dahil sa sinabi niya.


"Are they going too..."


"Yes my dear patient. They are going to observe you, para magkaroon na ng gamot ang allergy mo. You know that your allergy is extremely rare. They need you and you need them." Yeah right, they need me and I need them. But I don't think so na papayagan ako nila mama at papa.


"Can you help me?" I ask her.


"Let's see." Sabi niya at lumabas na.

She can't help me. Alam niyang hindi papayag ang parents ko. But it's okay. Ako nalang ang gagawa ng paraan para mapapayag ko sina mama at papa.

Kinuha ko ang slippers and jacket ko at lumabas ng kwarto. I want some fresh air and sure naman akong hindi uulan ngayon o mamaya eh.


"Hayyy..." I sigh nang makarating na ako sa rooftop. Umupo ako sa sahig. May helipad dito pero wala namang helicopter pa kayaayos lang, malalaman mo rin naman agad eh kung may helicopter na paparating. Ito ang pinakapaborito kong lugar sa ngayon. I want to da--


"I know I know. He's safe. Alam mo naman yung qaqong yun, masamang damo." May narinig akong boses. Parang boses ng lalaki. "Oo nga sabi eh." Napatingin ako sa likod ko. And tama nga, nandun galing ang boses na yun. Binaliwala ko nalang iyun. Baka madisturbo pa eh. "Fine, goodbye." Naramdaman kong nasa likod ko lang siya. Wait he's not a badguy, right? He's not going to-- "Mahangin pala dito?" Ohh... Mukhang hindi naman siya badguy. "Hi." At bigla siyang umupo sa right side ko kaya tumingin ako sa kanya. Atbiglang nanlaki ang mga mata niya. "Ikaw?" Wow. Muntik ko na nakalimutan. Siya pala yung bumangga sa akin kanina. Badguy siya. "Stalker ba kita? Ba't ka ba sunod ng sunod sa akin?" Sabi niya. Bakla ang isang 'to. Malaki ang sira sa utak. Why would I follow him?


"I never followed you." Sabi ko.


"Hindi ako naniniwala." Edi wag. "Sa gwapo ko ba namang 'to, hindi mo ako susundan?" Mahangin rin siya tulad dito.


"Dream on, Mr." Sabi ko at lumalayo layo. Hindi ko alam kung anong pakay niya eh. Baka mang-sexual harassment pa.


"Sinusundan mo talaga ako eh." Whatever. "Type mo ako 'no?" Bigla siyang lumapit sa akin kaya sinampal ko siya. Nabigla ako dun ah. "Sh** ang sakit nun ah!" Nabigla talaga ako sa ginawa niya. Eh bigla siyang lumapit eh! "First time kong masampal ng isang babae, alam mo ba yun?" Nagagalit ba siya o ano? I don't know if he's angry or not.


"You startled me." Sabi ko sa kanya. Feeling close rin ang stranger na 'to eh. Akala mo naman mag-bestfriends kami. Syempre, magugulat ka talaga, diba?


"Ayos lang. Pogi pa rin ako eh." Ang hangin talaga ng lalaking 'to. Saan bang planeta nanggaling ang mahangin na lalaking 'to? "O? Ba't nakatitig ka?" Naninibago lang ako. It's my first time talking with a random stranger.


"Nothing." I just said at umiwas na ng tingin. Baka na-weweirdohan na siya sa akin. Well, say no more Mr. It's my first time talking with a random person like you.


"Are you a patient here?" Tanong niya sa akin. As what I can see in my peripheral vision, nakatingin siya sa kalangitan.


"Not a regular patient but yes." I said. Hindi niya siguro na-gets ang ibig kong sabihin.


"What do you mean?"


"Basta." Hindi ko naman pwedeng sabihin nalang basta-basta ang sekreto ko. Takot akong kumalat ang balita na may allergy akong ganito, masisira ang business ng pamilya ko. "Lagi akong pumupunta dito sa hospital na 'to."


"Bakit?"


"I can't tell you."


"Then I'll tell you about myself." Napatingin ako sa kanya. "I'm Hephaestus Zeus Vidallon." VIDALLON? So he's a Vidallon. I already heard about them. Sikat na sikat ang mga Vidallon, to the point na every move of them are in the news or articles. Lagi akong may nakikitang artcles about them but I never click it because I'm not interested. Narinig ko na rin sila galing kina mama at papa.


"Sikat kayo." Sabi ko sa kanya.


"Malamang. Sikat talaga ako."


"Kayong pito, hindi lang ikaw." Ang hangin talaga ng lalaking 'to.


"Stalker nga kita." Assuming. "Alam na alam mong sikat kami eh." Tss. Assuming. Mukhang wala ng taong hindi nakakaalam sa mga Vidallon. They are so popular all around the word (base from what my parents said).


"In your dreams." Sabi ko sa kanya.


"Hahaha!" Tawa ng tawa 'to wala namang nakakatawa. "Ang snob mo talaga." Because it's my first time talking to stranger! I don't even know how to deal with it! Naninibago ako! "Anyway, I have to go." At tumayo na siya kaya tumingin ako sa kanya. "Nice meeting you Miss...?" Should I tell him my name? Or should I keep it as a secret? Kapag sinabi ko ba sa kanya may magbabago ba? Mukhang wala naman eh. Then I should tell him I'm...


"Call me Dite." It's kinda weird. I know.


"Nice meeting you Miss Dite." At umalis na ito leaving me a smile.

I sigh. That guy is really weird. Ang hangin pa nga eh. Parang pinaglihi sa hangin. Mahangin rin siguro ang mga pinsan niya.


I took my phone. 8 PM na pala. Then I should go back to my room. Baka maabutan pa nila mama at papa na wala ako dun at pagalitan ako. They care for me, right? As if I'm fragile. And because I'm fragile, I can't do the things I want to do kasi gusto kong maging masaya ang parents ko. They are already happy kung hindi ako lalabas ng bahay. It's okay, I guess I'm living for it.

--

A/N: Hi!!! New book!!! Hope you like this new book. Short story lang 'to actually pero mahaba ang isang chapter hehe! Thanks!



Under The Rain (Vidallon Series #2)Where stories live. Discover now