Ella's P.O.V.
So, nagpapatulong sakin si Renz na bumili ng sapatos kaso may lakad kami nina Mommy and nung cousin ko magshoshopping daw kami libre ni Mommy. So, sabi niya okay lang daw sa kanya magpapatulong nalang daw kina Jay-ar. So, panatag na yung loob ko. Nakahanda nako hinihintay nalang namin yung cousin ko kasi sa kabilang village siya eh.
Mommy(sa baba) : Nak tara na. Nandito na si Queenie !
Ako: Heto na po Mom !
At nandito na nga ako sa baba. At Palabas na kami ng gate. Magcocommute lang kami. Para di halatang mayaman. Haha. Charot.
After 15 Mins.
So, Nandito na kami sa Mall diretso sa Forever21. Shopping. Shopping.
And napagod silang dalawa. So, Nag-aya si Mommy na kumain muna sa Starbucks nagwifi lang ako kasi busog pa ko eh. Habang sila kain ng kain.
Time Check : 4:24 p.m.
Shopping lang kami ng shopping hanggang sa nag-aya si Mommy na umuwi na palabas na sana kami ng Mall ng may tumawag sa pangalan ko
Boy: Ella !
Pagharap ko si Renz pala
Ako: Renz?
Renz: Ako nga. Uhm, Uuwi na po ba kayo? (sabay mano)
Mommy: Oo eh. Bakit?
Renz: Pwede po bang magpatulong muna bumili ng sapatos kay Ella
Mommy: Siya tanungin mo baka kasi pagod na siya.
Ako: Asige Mommy. Mauna na po kayo. Tutulungan ko na po siya. Queen pakilagay nalang sa room ko. Salamat. Dun kana matulog. Sleepover.
Queenie: Sige. Yes ! SleepOver. Take note bukas masaraappp ang almusal ko kasi si Tita Laine yung magluluto.
Ako: Haha. Ikaw talaga Cous. Sige na. Ingatan mo si Mom no.
Queenie: Oo. Parang nanay ko narin to eh. Kaya nga love na love ko si Tita Laine eh.
Mommy: Kayo talagang mga bata kayo. Osya, Mauna na kami sa inyo. Hijo, Pakihatid nalang si Ella sa bahay ah.
Renz: Sige po Tita. Ingat po.(sabay mano)
So, Heto na kami papunta sa Vans na mga sapatos. Namimili na siya.
Renz: Babe tignan mo to oh(sabay pakita) Maganda ba? Pwede na ba?
Ako: Oo. Maganda siya. Pwede na.
And nagbayad na siya sa cashier.
Renz: Babe starbucks?
Ako: Tara gutom narin kasi ako eh. Di kasi ako kumain kanina busog pa kasi eh.
Renz: Tara
So, Heto kami sa Starbucks nag-order na siya. Tapos sinusubuan niya ako. Ayiie. Kinikilig ako! OMG! Date na talaga to kasi naman bumili siya nang rose. Ayiie. Tapos sinusubuan niya pa ko. Siya na sweet. Haha. So, tapos na kaming maglandian. Joke. Tapos na kaming kumain. Uuwi na kami. Nang-abat na siya ng tricycle. Edi nandito na kami sa tapat ng bahay.
Renz: Babe. Bye. Sana na pa saya kita? Text nalang kita pag nakarating na ko sa bahay. Iloveyou(sabay kiss sa forehead)
Ako: Bye. Oo naman masayang-masaya. Sige. Ingat ka ah. Iloveyoutoo(sabay kiss sa cheeks)
And Pumasok nako. Diretso agad sa kwarto pagbukas ko ng pinto ayun nakabukas yung t.v. tapos tulog si Queenie nakatulugan niya yung t.v. Ano na bang oras?
Time Check: 9:14 p.m.
Ang aga naman natulog ng bruhang to. Makatulog na nga. Hay. Wait magtetext pala si RenzBabe ko baka magtampo na naman yun.
Bzzt ! Bzzt !
From: Babe <3
Babe. Nandito na ko sa bahay. Tulog ka na ah. Para gumanda ka lalo. GoodNight :) <3. IloveyouAlways :*
Wait, parang may kasalanang ginawa to. Hays. Wag ganyan Ella. Mareplyan na nga.
To: Babe <3
Good. May problema ka ba? O may kasalanang nagawa?
From: Babe <3
Babe.. Sorry. I'm so Sorry.
To: Babe <3
So, meron nga? Ano yun? Tatawagan kita.
Calling Babe <3.....
Agad naman niyang sinagot. Umiiyak siya.
Ako: Ano bang ginawa mo?
Renz: Babe. Sorry. K-kasi...
Ako: Kasi?
Renz: Babe k-kasi. Wala ! Hahaha. Kala mo ano na no. Wala akong kasalanan no at wala din akong problema. Haha. Tulog ka na. Baka pumanget ka pa.
Ako: Baliw ka talaga no. At baka iwan mo ko.
Renz: Hindi no. Forever tayo.
Ako: Hoy ! Kuya naniniwala ka sa Forever?
Renz: Oo naman.Sige na. Bukas nalang inaantok na ko eh. Tulog ka na rin. GoodNight ! Iloveyou
Ako: GoodNight ! Iloveyoutoo
At natulog nako.
Zzzzzzzzzzzzz