The Kopyahan Salute

165 2 1
                                    

Sa highschool ang pinaka-delikadong part ay ang examination. Anjan pressure sa estudyante, papatayin ang Estudyante kakareview. Pero isa sa pinakamasayang part ng highschool at ng examination ang tinatawag na KOPYAHAN. Paniguradong hindi mo naenjoy ang highschool life mo kung hindi mo pa ito na experience. Ano nga ba ang Kopyahan? ALAMIN NATIN.

Ang KOPYAHAN ay isang uri ng HIGHSCHOOL stage(Wow Lalim) ito'y kinakailangan ng TEAMWORK, ALERTNESS. Una sa lahat bat nga ba teamwork? Siyempre kung wala kayong teamwork ng kokopyahan mo ay ay nako Tsk tsk Hindi kayo compatible. Nako ka kung hindi mo ka-compatible ang pinagkokopyahan mo lagot ka haha nangaganib kang ma-GUIDANCE. Siyempre Teamwork ibig sabihin nag tutulungan nag tutulungan kayo hindi lang basta nangongopya ka kung hindi nagongopya ka with benefits.

ALERTNESS. Kailangan alerto ka pinapakiramdaman mo ang mga nasa paligid mo baka anjan na ang titser mo o kaya baka nahuli ka na ni ma'am at kumukuha lang ng tiyempo para isumbong ka o kaya nasulyapan ka ni Teacher's pet. Kailangan nakahanda na ang alibi mo kung sakaling mahuhuli ka. EXAMPLE nahuli ka na. "Sorry po ma'aam kala ko po kasi siya yung kisame eh kaya napatingin ako o Bathala salamat sa kisame". Natural pag tayo ay nangangamote na sa exam san tayo natingin diba sa kisame?.

4 CHEATING TECH's

1.The ballpen roll - magandang i-style ito kung hindi mo ka teamwok ang kakokopyahan mo madali lang ang technique dito una sa lahat kunyari ay aksidente mong nahulog ang ballpen mo pero pinarolyo mo lang ito sa ilalim ng kaklase mo dahan-dahan kang tatayo at pasimpleng kukunin ang ballpen at sabay SNEAK a PEEK.

2.The Pen pass - Pasimpleng lalagyan ng sagot na papel ang ballpen at papagulungin sa nangunguha ng sagot/

3.HANDSIGNS - Sorry sa mga hindi marunong mag Handsigns. *Only available for Pro's*

4.The Tap - Effective sa multiple choice itatap mo lamang ang desk mo. kung a ang sagot one tap lang kung B two taps C three taps at D(aish malamang four). 

The officers:*GOOD AND BAD

1. Team's Monitor - ito ang pinakaalerto sa lahat 10x10x10x10x10 ang talas ng ng ALERTNESS niya. Maaring iiyak kung natunugan na o kaya'y maggagalit-galitan upang malaman ng mga cheaters na anjan na ang titser.

2.Wikipedia - Siya ang kuhaan ng sagot niyo ang pinakamapagkakatiwalaan sa team. HINDI KAYO MABUBUHAY KUNG WALA SIYA sinasamba ng mga cheaters tuwing exam maaring ito'y kasali sa Top o kaya naman ay Tapon lamang sa klase.

3.Monitor - Inutusan ng teacher upang magbantay ngunit pasimpleng nangongopya din.

4. Teacher's Pet - Siya'y di mapagkakatiwalaan kahit hindi monitor feeling monitor nanghuhuli ng mga nangogopya at nagsusumbong kaya hindi pinapansin sa klase.

5. The Cheater's - mga normal na estudyanteng gustong mangopya higit sa lahat mga taong desperadong pumasa kahit butas ng karayom susuotin makapasa lang.

6. The IKR's - sila ang sure na sure na papasa 100%. Ang mga genius ng klase. 1% sa kanila ay wikipedia at 5% ang Teacher's pet at 4% ay nangongopya din at 90% percent na walang pakialam sa nangyayari.

Alam niyo bang 1% lang ang PAGASA na may nangongopya sa STAR SECTION tsk! Napakamalas mo kung sino kaman hindi mo mga ka-uri yan pero anyare bat napabilang ka? Kaya kayo na ang maghusga kung masama ba mangopya o mabuti ang opinyon ko lang jan neither of the two dahil simpleng katuwaan lang naman yan pero minsan kailangan din nating magsipag kung gusto talagang natin makapasa lalo na kung may hinahawakan kayong titulo sa eskwelahan. Matuto tayong maging independent dahil minsan hindi natin alam malay mo pinagkopyahan mo ay teacher's pet patay ka D.O(Discipline Office) ang abot mo.Yun lang para sa araw na ito tulog na ko.

- - - - - - 

(O>O) HOOT.. HOOT..

Ang Mga Kwento Ni Lolo PepeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon