Alam ko alam ko nakapanood na kayo lahat ng Pilipino Action movies. Yan patayan, habulan, bastusan, suntukan, sipaan lahat na ng may 'an' except lang sa Kan_________ Oops wag bastos!. This is some palatandaan that you're watchin a bakbakang Filipino.
- Ang topic lagi ng istorya ay laging tungkol sa 'Revenge'.
- Posibleng ni-rape ang kapatid ng bida o kaya pinatay ang kanyang pamilya (Inay, Ama, Kuya, Ate whatsoever)
- For sure isa sa mga eksena ay babastusin ang bida o ang kanyang girlfriend.
- Magkakagulo sa isang Party.
- Nakakatawa, hindi nakakaramdam ng hirap at pagod ang bida pero sa oras na ginamot na siya ng kanyang leading lady aaray o kaya ngangawa pa. (Papansin lang?)
- Ang base ng kalaban ay laging sa warehouse :)
- Mahilig sa alak at sigarilyo ang kontrabida isa pa pag ito humalakhak ng "BWAHAHAHA" wag ka na mag-dalawang isip kontrabida nga talaga.
- Laging may eksena sa beerhouse o sa nightclub.
- Siyempre indi mawawala ang bedscene kung saan aggresibo si leading lady pero pagkatapos ng maala-leon na performance mahinhin nanaman si girl. (Hiding her true colors?)
- Kontrabida: The big boss! at ang kanyang mga bata!
- Parang si superman ang bida kasi hindi siya tinatamaan ng bala kahit 50 pa ang nabaril sa kanya.
- Always na makakakuha ng baril na may lamang bala ang bida.
- Laging may extra gun si bida.
- Mag-uusap si bida at si kontra-bida ng super tagal. Mag babatuhan muna ng mga dialogue, pick-up lines, fliptop lines kahit hindi naman kailangan.
- Siyam ang heart ni bida.
- Maaring mamatay si leading lady. Tas mag i-speech pa ito tungkol sa mga bawal at pwedeng gawin ni bida.
- Hindi naman nagiging ulila ng lubusan si bida dahil madaling lang naman humanap ng bago.
- at higit sa lahat! huling darating ang mga pulis at aarestuhin ang mga kalaban. Yes! meron silang tanda kung sino ang mga kalaban hindi na rin nila huhulihin si bida at tatanungin ng mga nangyari.
(Pag-babae ang bida edi sa kabaligtaran!)
(o.O) The end
-

BINABASA MO ANG
Ang Mga Kwento Ni Lolo Pepe
Genç KurguAng kwento ni Lolo Pepe. Sana po magustuhan niyo po yung mga kwento ni Lolo Pepe. Masaya po. Marami po kayong matututunan na kwento, Jokes, at kahit na pick-up lines nung panahon ni kofong-kofong. Pero ang mga kwento po rito ay mga fiction lang at s...