A BESTFRIEND's STORY

231 2 0
                                    

Bestfriend, sila yung mga taong naiintindihan ka at kahit kelan di ka iiwan kahit gaano pa kalalalim ang problema mo. Sila yung mga taong nadapa kana nga tatawanan ka pa ng bonggang-bongga. Sila yung tipong kahit gaano ka corny tatawa pa rin at makikiride sa mga jokes mo. Bully-bullyhan. Sila yung mga hindi takot na ipakita kung anong meron sila kahit yung mismong 'ANO' pinapakita JOKE.

Natatandaan ko pa, nung ako ay nasa highschool pa meron akong dalawang bestfriends napakakulit namin at kahit kelan hindi kami mapaghiwalay. Pare-pareho kasi kami ng hilig iisa lang ang hilig naming sports(PINGPONG). Nakakatuwang isipin na Merong times na may na-OP sa amin, Kunware ang suot ko ngayon ay t-shirt na blue ang suot rin ng isa t-shirt na blue at yung suot ng isa t-shirt na red. Nadaan pa at ako at yung isa ay naka-eyeglasses habang yung isa yoon walang suot nood kasi ng nood ng 69(Oops). Nakakatuwang isipin pare-pareho nga kami ng hilig pero nagkakaiba kami ng perspective sa buhay. Perspective? yan yung kung paano mo naiintindihan yung buhay ano nga ba ang mga insight mo sa tangnang buhay na ito.

May panahon na hindi kami nagiging patas sa isa't isa. Alam naming tatlo yun. May pagkakataon na nag-oopen ako sa isa, minsan nagtatago pa ako ng sikreto sa kanila. Pero dinadaan namin yan sa usapan isang usapan na matinde at naiintindihan ng lahat. Isang beses nasabi ko sa BFF kong isa.

"Pre, bakit ba ganun? bat hindi ko mapagkatiwala sa kanya yung number ng crush ko?"      

Ang sagot niya...

"O bakit ako pag hiningi ko ba number ng crush mo ibibigay mo ba sa akin?"            

"Hindi"

"Pero may tiwala ka ba sa kanya?"

"Of course naman MERON!"

"Ok pero nasasaiyo pa rin yan pag-ibibigay mo"

Pero nagdalawang isip ako ayon hindi ko pa rin binigay pero may tiwala ako sa kanya.

Meron din kaming ritual kada first saturday ng buwan pupunta kami sa SM(SuperMalls) kakain, maglalaro, at mag chichick hunting. Isang beses natandaan ko pa nadagdagan kami ng isa. Alam niyo ba ang budget lang namin 100 - 200 +. Ang plano kasi namin manonood kami ng Sine na tig-25 pesos kaso R-16 ang palabas  eh. Kaya dinaan nalang namin ang mga sarili namin sa Tom's World. Palaruan ng bata at matatandaan tawag nga dito 'the cheap casino'. Sabi ng BFF kong isa kahit anung mangyari ang token 5 pesos pa rin yan kaya pagdinaan mo sa sugal para ka ng nagtapon ng libong ulo ni bonifacio. 

------

Nakauwi na yung isa pero kaming dalawa naiwan nagbalak nalang kaming pumunta sa bahay niya kaya naglakad kami ang pamasahe kasi sa panahon namin ay mahal 25pesos ang isang tao sa dyip. Pagdating sa kanila ng maalala ko nagbalak kami maglaro ng Wii. Nauna to sa Ps4 haha. Wii yung ba yung U-Wii na tayo? HAHA korni. Pagtapos nun hinanap namin yung bahay ng aking minamahal na si Maria kaso malaki talaga yung village nila hayy leche di naman pwede mangatok kami o kaya mang-tresspass ng bahay noh? Mamaya may dobberman pa na aso ang nagbabantay. Boom!

So yun na nga pagtapos na pagtapos namin halughugin yung village kung saan nakatira si Maria nagdesisiyon kami na umistambay sa may ilog at mag patalon ng mga bato skip stone ba ire, kaso nasita kami ng kapitan ang pogi kasi naming dalawa eh!. Sa pagkakatanda ko nag-pangakuan na lang kami kumuha kami ng piso at humiling. Tinatanong mo ko kung ano hiniling ko? hmm malalaman mo rin. IN THE RIGHT FUTURE?

Tips para malaman kung totoong bestfriend.

1. Dahilan kung bakit kang walang pera

2. Dahilan kung bakit wala kang Ballpen

3. Dapa ka na nga tatawanan ka pa

4. Hindi ka tatalikuran

5. GOLDEN RULE: HONESTO!

Kaya mawala na lahat wag lang ang Bestfriend kasi yan lang ang taong naiintindihan ka magpakailanman! :)

Ang Mga Kwento Ni Lolo PepeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon