Alam ko sa buhay highschool hindi mawawala yung TROPA. Una sa lahat ano nga ba yung tropa ? sa mga unang nakarinig nento ang meaning niyan ay ... Napaka-simple lang sila yung mga lupon ng tao(lalim) na napapasaya ka kahit gaano ka pa kalungkot, yung mga taong badtrip ka na nga babadtripin ka pa lalo. Yung mga TRIP niyong masaya. ROADTRIP, LAUGHTRIP, FOODTRIP, lahat na ng may trip :) HAHA sa tropa ko ako yung pinakamaliit saklap hindi ako nabiyayaan ng cherifer HAHA.
"Pepe may sasabihin ako" sabi ng tropa ko habang papalapit sa direction ko.
"Ano yun pre?"
"Ang COOL mo kamo"
"HAHA thanks"
"COOLang sa height' Boom pampa badvibes no ang ganda ganda ng momentum mo tas sisirain lang pero sa bagay sabi nga nila BEST BULLIES ever ay ang TROPA mo. Ansaya napakasaya yung kakain kayo sa fishbolan tapos iiwanan ng hindi nagbabayad parang sa pagsakay niyo sa jeep yung tipong iiwanan ka tas cargo mo sila sa pamasahe. may kanta nga sa isang commercial 'Pare alam mo ba nung highschool ka langya nung na-busted ka ang pangit mo palang umiyak basta solid ang samahan ....' Yung in times of trobol meron mga taong aagapay ka at handa kang pakalmahin. TRUEpa nga mga taong totoo sayo, handa kang tanggapin, pinapasaya ka, pinatatawa ka, pinaiiyak ka, binubully ka yan lang yung mga taong hindi hihingi ng kapalit yan ang tunay na mga kaibigan TRUEpa!

BINABASA MO ANG
Ang Mga Kwento Ni Lolo Pepe
Novela JuvenilAng kwento ni Lolo Pepe. Sana po magustuhan niyo po yung mga kwento ni Lolo Pepe. Masaya po. Marami po kayong matututunan na kwento, Jokes, at kahit na pick-up lines nung panahon ni kofong-kofong. Pero ang mga kwento po rito ay mga fiction lang at s...