Mga Kwento 1

595 3 0
                                    

Naalala ko pa ng ako'y naka-sakay jeep. Mayroon akong kasabay na dalawang college students na sarap na sarap sa kanilang mga pinag-uusapan.

"Yeah, So hard talaga, nakakabadtrip"

"Pahiram your notebook ha?"

"Isoli mo in the right time okay?"

"Yes, you know me naman eh"

Alam naman natin pag-dating ng kolehiyo. dating 100 pesos na baon mo magiging 1000 kea kahit na mali-mali na grammar mo. Todo Ingles kapa. Haleer nakakalurky talaga. Ate wag ka mag-alala magiging rich na you in the hinaharap okay?

Nung college ako naalala ko lang mayroon akong kaklase na sobrang puti halos hindi niya na-kaylangang gumamit pa ng silka-papaya sabong pampaputi. Naalala ko sabi ng aking magaling na professor lahat daw ng mapuputi ay maitim ang singit kaya napapahindig ako at napapailing sa tuwing may nanliligaw sa kanya.

Pag-nasa barber shop tayo ano ang madalas nating marinig mga kwentong bayan di ba? Nanjan pinatay ni Jose Rizal ang kanyang sarili? Ano daw pinaty mismo ni Rizal ang sarili niya haha. Naalala ko pa kapag ako nasa barber shop, Pinag-uusapan nila kahit mismo pagtatalik ng dalawang nilang kapit-bahay. Tsk Pinoy talaga Hindi marunong makaintindi ng salitang PRIVACY!

Kwentong Ligaw naman tayo hindi niyo ba alam na unang akyat-bahay ay mga manliligaw nariyan papasok yan sa bahay ng walang paalam bigla-bigla may kakatok sayo. Pagbukas ng pinto boom may hahalik nalang sayo. Kwento ng kaklase ko sa akin umaakyat pa raw siya ng puno ng mangga upang maabot lamang ang regalo niya si liniligawan niya. Pero pag-uwi sa bahay isang basket ng mangga ang dala-dala pag-uwi. Ayon nakasuhan tresspassing.

JOKE OF THE DAY: 

JUAN: Alam mo, ayaw na ayaw kong makakita ng nakatayong babae sa bus

habang ako eh nakaupo!

MAX: Kaya pinapaupo mo?

JUAN: Hindi, natutulog ako!

Ang Mga Kwento Ni Lolo PepeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon