CHAPTER THIRTEEN

10 1 0
                                    

*toot*toot*

Tumunog ang cellphone ko na nakalagay sa bedside table. Nasa kama lang ako't nakahiga. Hindi ko pa rin matanggal sa isip ko ang nangyari kanina. Ahhhh... ang sweet ni Justib.

Inabot ko ang cp ko at tiningnan kung sinong nagtext.

from: +639*********

Hey babe! Practice tom. my place! see you! muah!

Napakunot ang noo ko. Sino namang demonyo tong nagtetext ng dis oras na ng gabi.

Nireplyan ko nga.

Who the hell are you?

*toot*toot*

I'm your boyfriend.

Nang mabasa ko yun, agad kong naalala yung sinabi ni Xander. So si palakang prinsipe pala ang nagtext.

Boyfriend mo mukha mo! mukhang Palaka!

*toot*toot*

Muah! Tsup Tsup. Tulog ka na. Baka lumaki pa yang mata mo dahil sa eyebags. Mas lalo kang papangit.

Abah! Gago talaga to! Nireplyan ko agad siya. Halos masira na ang screen ng cellphone ko sa sobrang diin ng pagkakapindot ko.

GO TO HELL, XANDER! KUNG WALA KANG MAGAWA, PWEDE BA TIGILAN MO AKO!

Hindi na siya nagreply after nun. Buti nga at nang maktulog na. Bago ko pinatay ang ilaw, tiningnan ki muna ang picture namin ni Justin na nasa screen ko. We looked like a real couple. Pero ayoko na munang lumagpas sa kung anong meron kami ngayon.

Nilagay ko na ang cp sa mesa saka at pinikit ang mga mata ko.

(-___-)zZZ

*Kriiiiiing!*Kriiiiiiiiing!*

Hmm. I opened my eyes and saw my phone ringing. I'm half awake kaya hindi ko na alam kung sinong tumatawag. Siguro ang buwisit na Xander na naman.

"Whaaaat?!!!", sigaw ko. Hindi naman ako maririnig nina mommy dahil nasa dulo pa ang kwarto ko.

"Hey, bakit ka sumisigaw?", oooh, it was Justin.

"Ahhm, wala. Nagulat lang ako. Napatawag ka?", pa-sweet kong sabi. Ahihihi ^___^

"Wala, namiss lang kita. Naistorbo ba kita?", saad niya.

"Hinde nemen." , ahihihi ^___^, kinikilig ako.mahmen!

"Sige. Matulog ka na. Ayaw kitang napupuyat, baka magkasakit ka. Its enough na marinig ko ang boses mo bago matulog.", napangiti ako sa sinabi niya. Anlandeh ko teh! Sabing hindi lalampas sa magkaibigan eh. Tsk. Tsk.

"Hello? Brella?", napapitlag ako sa boses niya. Hindi pala ako sumagot. Bago pa man ako makapagsalita ay nagsalita na siya, " Can I call you at night? just before I go to sleep?",

"Abah. Ako yata ang ginagawa mong sleeping pills ha pero sure. Basta ba may load ka."

"Thanks! Sige. Good night."

"Good night din", hinintay ko pa na ibaba niya ang linya pero naka on call pa rin.

"Hello?", sabi ko.

"I love--*tootoot", call ended.

I love you ba yun? Aaaaaaaaaahhhh! Justiiin! Andaya moooooo!

Good Girl Gone Wild (GGGW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon