CHAPTER TEN

25 1 0
                                    

Nakaupo ako sa isang bench. Ayoko na ulit pumunta sa cafeteria the forbidden place. I just wanted to be alone. Yung walang istorbo, walang malas, at walang buwisit.

"Hey, there you are.", isang pamilyar na boses ang pumukaw sa diwa ko. I thought walang buwisit dito, nagkakamali pala ako. Bakit ba hindi ko naisip na kahit saang sulok man ng mundo ako magpunta, susundan at susundan pa rin ako ng malas.

Pag-angat ko ng mukha, agad kong nakita si Xander. Nakita ko ang kasama nitong tatlong lalaki na kasama din nito sa cafeteria. Sila daw ang FP. Nang mangyari kasi yun kahapon. Agad akong pinag-usapan sa campus. Sikat pala sila. Nasabi sa akin ni Justin na nabalitaan niya ang nangyari.And he said all the datails na pagkakakilala niya sa FP, ang four princes.

Hindi ko naman masisisi ang sinumang nagpangalan sa kanila, dahil lahat ng lalaking nasa harap ko ngayon ay mukhang mga prinsipe.

" Hi, I'm Nathan.", kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito. Matangkad ito,.gwapo, at maputi. Mukha itong Amerikano.

"I'm Harvey.", tumango lang ang isa pagkatapos niyang sabihin iyon. Ito na yata ang pinakaseryoso at misteryoso sa lahat.

"And I'm Troy.", ngumiti ito ng parang pang-toothpaste commercial. Gwapo din ito at mukhang approachable. Ito yata yung lalaking nagsabi na hot chick ako.

Ngumiti na lang ako, kahit paano ayokong maging rude.

"And I'm Your-Boyfriend",saad ni Xander. Inirapan ko na lang ito.

"Boyfriend? Tae mo!"

"Hahaha! Tae daw oh. Awts naman!", sabi ni Nathan.humalagpak ng tawa ang dalawa. Samantalang si boy seryoso hindi yata ngumingiti.

"Ulol!!! Ganyan talaga magpakita ng pagmamahal ang labs ko!", tiningnan niya ako." Nakapaglunch ka na?", tanong.nito sa akin.

"Anong pakialam mo?!", inayos ko na ang gamit ko dahil gusto ko nang umalis.

"Join us.", tiningnan ko siya ng masama. Ano na naman bang pakulo meron ang isang to.

"Layuan mo nga ako. Kayong lahat, bibigyan niyo pa ako ng sakit sa ulo eh. Kaya, go! Tsupi!", itinaboy ko ang mga ito.

"Okay. Basta ba akin na lang to?", saka niya iniangat ang isang bracelet.

"Akin yan ah!", tumayo ako para kunin ang bracelet. Pero ang tangkad talaga nito kaya hindi ko maabot." Akin na yan!!!", bracelet iyon ng lola ko na ibinigay niya sa akin bago pa man ito pumanaw.

"Kapag di mo yan binigay sa akin. Malilintikan ka sa akin!", pinipilit ko pa ring abutin iyon.

"On one condition. Have lunch with me.", nakita ko ang mga kasama niya na parang natatawa sa aming dalawa.

"Wow,dude. Ngayon lang kita nakitang namimilit ng babae! Kupas na ang charms mo,dude! Hahaha!", sabi ni Troy. Tawa lang ito nang tawa.

"Shut up Harv----aaaawww f*ck!", sinamantala ko kasi ang sitwasyon nang bumaling ang attention nito kay Harvey. Sinipa ko ito sa pinakaini-ingat ingatan nitong parte ng katawan.

Lalong lumakas ang tawa ng dalawa. Ang isa naka-smirk lang.

"Oh, ano ka ngayon? Ang kulit mo kasi.", pinulot ko ang bracelet ko sa sahig. Umalis ako agad as soon as nakuha ko ang bracelet.

binalingan ko sila bago ako tuluyang lumayo at sinabing, "And i already have a boyfriend and his name is Justin Samiego"

di ko alam kung tama ang nakita ko pero biglang nawala ang ngiti sa apat na kalalakihan. Ang tanging nakikita ko ay ang pagdilim ng anyo ng mga ito. Tuluyan na akong umalis at hindi na lumingon pa.


Good Girl Gone Wild (GGGW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon