CHAPTER FOUR

37 1 0
                                    

"Kapag hindi niyo tatanggalin yang kamay niyo sa akin, malilintikan kayo!",sigaw ko sa mga lalaking nakapaligid sa akin.

Sila ang grupong nakita ko kanina sa loob. One of them even tried to dance with me but I said no. Simply because he's not handsome and I'm tired too.

"Pagbigyan mo na kasi itong leader namin, isang gabi lang.", sabi naman ng isang lalaki. They are all drunk. Lima silang nakapaligid sa akin. Three out of five, yun ang bilang ng gwapo sa grupo nila. Halata namang may kaya ang mga ito, they cannot afford to go in in an exclusive club if they're not.

But I need to get away from these people. Sinipa ko ang pinaka-maselang bahagi ng katawan ang leader nila. Napa-aray ito sa sakit.Pinagsisiko ko naman ang nakahawak sa akin noong nalingat sila sa leader nila. Pinagsusuntok ko na ang iba hanggang sa natulog na lang ang mga ito sa sahig. Nakatulong ang pagiging lasing nila dahil nahihilo at pasuray-suray na rin ang lakad ng mga ito kanina.

Tumalikod na ako at naglakad papuntang club para kunin ang gamit ko. Pero hindi ko inaasahang makakatayo pa ang isa. Hinampas niya ang ulo ko sa pader malapit sa akin. Agad namang dumilim ang paligid ko. Napahiga na lang ako sa sahig.

Nakita kong may isang lalaking pinagsusuntok ang humampas sa akin sa pader. Medyo blur na rin ang paningin ko kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha nito hanggang sa tuluyan nang dumilim ang lahat. I hope I'll be okay.

Pagdilat ko agad kong hinawakan ang noo ko. Nakapa ko ang bandage. Saka ko naalala ang nangyari kagabi. Agad akong tumayo mula sa kama only to realize that I woke up on someone else's room. Tiningnan ko ang sarili ko, I wore different clothes. Hindi ito ang dress na suot ko kagabi! Pinakiramdaman ko ang maselang bahagi ko kung masakit pero hindi naman. Kahit na party girl ako, I never slept with anyone. I never had the experience that they gossiped about.

"So, you're awake.", that voice. It's kind of familiar to me.

I turned around to see him. Hah! He's the guy from the cake shop. Sinuri ko siya, he's wearing his pajamas alone. Exposing his nice body. My eyes stuck when I laid it on his abs. Ohlala! ^____^

But I composed myself before he'd notice that I'm dreaming of his sexy body. I should be angry by now.

"Why am I in your room?What the hell did you do to me?!", I shouted trying to get rid of his looks.

"I helped you and that is what you've got to say?", nakonsensya naman ako. So,he was the one who helped me last night.

"Ikaw ba nagbihis sa akin?",tanong ko.

"Yes.", tipid nitong sagot. My eyes widened when I heard what he just said.

"You freak! Maniac! Maniac!", pinaghahampas ko siya sa dibdib.

"Hey, stop it!", hinawakan niya ang mga kamay ko. "Bakit?gusto mo bang matulog na puro dugo yung damit mo?", binawi ko ang kamay ko. Hindi ako kumibo. I felt guilty.

"Kung nagugutom ka na, have breakfast with me.",tumalikod na ito. Sinundan ko naman siya dahil gutom na talaga ako.

Iginala ko ang mga mata sa bahay niya. In fairness sa kanya malinis tong pad niya.

"Mag-isa ka lang dito?", tanong ko sa kanya.

"Yes.", kahit kailan talaga tipid itong magsalita. Teka, kanina ko pa siya kinakausap pero hindi ko man lang alam kung anong pangalan niya.

"What's your name? Kanina pa kita kinakausap pero hindi man lang natin kilala ang isa't-isa.", saad ko.

" Justin.", tsss. nice.=_____= isang tanong isang sagot tong taong to.

" ahh, ako nga pala si Bre---"

"Brella. I know."

" Huh? Paano mo ako nakilala?"

" Your i.d.Tiningnan ko kagabi. I talked to your parents this morning and told them about what happened.", wow! CONGRATS!  haba ng sinabi niya ah.

Umupo na rin kami sa upuan, naghain na rin siya.

"ahhh, eh paa--",

" Just shut up and eat", sungit!

Pancake ang niluto niya. Sinalinan niya rin ang baso ko ng fresh milk. Meron ding soup na sa tingin ko ay mushroom soup.

Kumuha ako ng pancake. Nagslice ako ng maliit saka ko ito sinubo. Ack! ~____~ it tastes bad. Lasang sunog kaya parang mapait. Tiningnan ko ang baba ng pancake. Gosh. Sunog nga.

"Sorry. I don't know how to cook."

"It's okay. Lagyan ko na lang ng syrup."

Nilagyan ko nga ng syrup, kahit papaano ay okay na ang lasa.

"If you don't like it, wag mo na lang pilitin. This is the first time I cooked for someone else."

"Okay naman na. Ahm, thank you nga pala sa pagligtas mo sa akin kagabi.",tumango lang siya.Bad breath yata to eh ayaw magsalita.

"By the way saan yung damit ko?"

"Nasa dryer. Nilabhan ko na pati undies mo.", Ohmygash! Nakahiya!!! Nang init ang mukha ko,parang lahat yata ng dugo ko pumunta sa mukha ko.

" I-ikaw t-talaga ang naglaba?", nauutal-utal pa ako. Nakakahiya talaga, nakita na niya ang lahat sa akin.

" Don't worry. I'm a med student. So it's not new to me to see a naked body.", but that doesn't help. Nakakahiya pa rin.

"Okay.", yumuko ako. Ipinagdadasal ko na sana lamunin na ako ng lupa ngayon din.

Pagkatapos kong kumain, pumunta na ako ng wash room. Kinuha ko sa dryer yung damit ko saka ako nagpalit. Barbie pa naman tong panty at bra ko. Limited edition kasi ito na binili ko pa sa New York. Collector kasi ako mg mga barbie stuffs. Tss. I'm doomed! =______=+

Lumabas din ako ng wash room. Nakita ko siyang nakaupo sa couch.

"Ahmm, Justin?",nanonood siya ng Percy Jackson:Sea of monsters.

"Alis na ako ha?", tumango lang ito.

Lumabas na ako ng pad niya. Nagtaxi lang ako 'cause I don't even know where my car is.

Good Girl Gone Wild (GGGW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon