Chapter 8

25 2 0
                                    

Sisters

Cady POV

Halos bumaliktad ang sikmura ko sa kaba sa pinakita ni Mommy sakin galing sa cellphone niya.

Mga pictures namin ni Travis na magkahawak ang kamay.


"Group project, huh?" sigaw ni Mommy.


"Mom, l-let me explain" nanggigilid na ang luha ko.


"Then explain!!" sigaw niya.


Magsasalita na sana ako pero biglang bumukas yung pinto at pumasok si Daddy. Hoo yes, my savior.


"What's happening here? Abot hanggang sa baba yang boses mo, Eva!" si Daddy.


Hindi pinansin ni Mommy si Dad, ni hindi niya ito nilingon. Nakatingin lang siya sakin at ganun padin ang ekspresyon ng kanyang mukha -- busangot.

Nag-iinit na ang dugo ko. Masyado nang over protective at OA si mommy.


"ANO!?" sigaw niya.


Hindi ko na kinaya pa, sumusobra na si Mommy, sa galit ko'y sinugod ko na siya at sinabunutan.


Pero syempre, joke lang. Di ko magagawa yun noh!


"Kalma lang hon, let your daughter explain. Hindi yan makakapagsalita kung tinatakot mo!" si Daddy.


"K-kasi po pauwi na sana ako kanina, tumatakbo ako pero nakabangga ako. Nahulog ang mga gamit niya kaya pinulot ko pero bigla nya akong tinulak, nagkasagutan kami at nagkainitan. Sasampa--"


"Do you think I'd believe that? What a silly reason!" si Mommy. What the f?


"Evangeline!!" sigaw ni Daddy na nagpagulat sa aming dalaw ni Mommy.


"You're unbelievable! Will you let her finish her explanation first!?" sabi ni Daddy.


Gulat padin at hindi na nakasagot pa si Mom.

"Go on, Cady!" si Daddy.


"A-ah sasampalin na po sana ako nung babaeng nabunggo ko pero biglang dumating yung si Travis, yung lalake po sa larawan. Pinigilan niya yung kamay ng babaeng sasampal sana sakin."

Tiningnan ko silang dalawa, di pa din nagbabago ang busangot na mukha ni Mommy while Dad has a stoic expression, as always.


"Kaano ano mo yang Travis na yan?" tanong ni Daddy.


Bebe ko po! "Ah, kaklase ko lang po, Dad" sabi ko.


"Eh pinagtanggol lang naman pala niya si Cady eh. Hon, cmon mainit nanaman yang ulo mo" sabay lapit ni Daddy kay Mom at inakbayan niya ito. Ang sweet.


Bilib din ako kay Daddy, natitiis niya si Mommy kahit gano pa siya kasungit at ka-moody. Sana makahanap din ako ng gaya ni Daddy, yung tanggap ka kahit ano o sino ka pa.


But my Mom once told me this quote before - Don't search so much, just allow yourself to be found being who you are.


Biglang bumukas yuny pinto at iniluwa nito si Manang Linda.


"Ma'am, ready na po yung dinner" anito.


Nagsimulang maglakad si Daddy at sumunod si Mom pero tumigil siya sa harapan ko.


"Di pa tayo tapos" aniya.


Tumango ako and I acted like it wasn't a big deal, when it was really breaking my heart.


Her DestinyWhere stories live. Discover now