Chapter 14

23 0 0
                                    

The Deal

Cady POV

Para akong tornilyo na napako sa kinauupuan ko.

Can we be friends?

Mga katagang galing mismo sa bibig ng lalaking nagpapatibok ng puso ko.


Ito na ba ang simula?


O ang katapusan?


Dahil sa katotohanang hanggang "kaibigan" lang?


Should I be happy that we're friends or should I be sad because that's all we can ever be?


"Can we?" pag-uulit niya.


Nakatingin lang siya direkta sa aking mga mata. Nakakailang pero nakipagtitigan din ako sa kanya. I can feel his sincerity. Gaya nga ng sinabi niya noon, your mouth can lie but your eyes cannot.


Nang di pa ako nakakasagot ay akmang puputulin na niya ang titigan naming dalawa pero bago pa nangyari iyon ay..

"It's my pleasure" and then I smiled.


He smiled at me also. Oh my goodness! His smile is so beguiling.

"Umm. I have to go" sabi ko dahil kailangan ko nang makauwi.

"Take care" aniya.


Bumaba na ako sa kotse niya. Nang makaalis na siya ay don ko na inilabas ang ngiting kanina pa nagpupumiglas na makalabas.


Ngiting abot langit...


Pumasok na ako sa loob ng bahay. Matapos kong kumain at maligo ay humiga na ako at nag practice ng konti para sa OPM day bukas.


Naalala ko nanaman yung mga nangyari sa araw na to. I closed my eyes and rolled at my bed from side to side.


"Aaaaahh yieeee" di ko na nabigilang mapatili sa sobrang pagkakakilig.


Itulog ko nalang to.


Bago ko maipikit ang aking mga mata'y biglang tumunog yung phone ko. Pagkabukas ko'y napatakip ako sa 'king bibig sa nakita.



Travis- Goodluck satin. Goodnight, Cady.


H
O
L
Y

S
H
*
T


"Aaaaaahhhhhhh!!!!!" okay, buti nalang soundproof tong kwarto ko kundi baka narinig na nila ako.

--

10 mins before Music and Arts.

Geez. Malapit na. Kakayanin ko ba? Kinakabahan talaga ako.


Makalipas ang ilang minuto'y dumating na yung teacher namin kasama ang ilan ding teachers na I guess magju-judge sa amin.


"Okay class, I guess ready na kayong lahat?" anito.


Napatingin ako sa mga kaklase ko. Some brought guitars, ukelele, beatbox. I stared at Travis at the back, he also brought his guitar.


"Matapos niyong magperform lahat, we will choose a pair with the most outstanding and most beautiful harmony. So, goodluck everyone." pagpapaliwanag ni ma'am. Bigla tuloy akong kinabahan.


"1st pair, Darren Agustin and Krisha Ruiz" sabi ni ma'am.


Nang makapunta na sila sa harap ay "Let the OPM day begin" ma'am finally declared.


Her DestinyWhere stories live. Discover now