Chapter 24

15 1 0
                                    

Bakit?

Cady POV

The moment I open my eyes after almost being drowned, the water that deprived me from breathing has driven out from my lungs surely because of the help of the person who performed CPR on me.





I blinked several times before figuring out who’s in front me. And the moment I saw him looking directly into my eyes made me burst into tears.






“Gavin” bulong ko habang siya’y basang basa at hinihingal.







“You saved me” I said while crying.







Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga. “Hush, I’m here” sabay haplos sa aking mukha.







“Cady!” dinaluhan ako ni Tanya at ang iba pa naming mga kaklase at kakilala. Tiningnan ko sila isa isa at ako’y nagtataka ngayon, asan si Travis?




“I already called the ambulance but Thank God you’re already okay now” alalang alala si Tanya.





Ngumiti ako sa kanya, at kalaunan ay nilipat ang tingin kay Gavin na nagligtas sakin. Pero agad napawi ang aking ngiti nang bigla siyang natumba at nawalan ng malay.




“Gavin!!!!”







Napabangon ako at agad siyang inalog. Napaka delikado ng ginawa niyang pagligtas sakin ngunit laking pasasalamat ko kasi kung hindi dahil sa kanya, tuluyan na akong nalunod.




“Andyan na ang ambulansya!” sigaw ni Cristoph.






Pinagmasdan ko si Gavin at tila pinipiga ang aking puso na makita siyang basang basa at walang malay dahil sakin.



Dinala nila kaming dalawa ni Gavin sa ospital at sumunod din agad si Tanya.




“Tanya I’m sorry nasira ko yung birthday party mo”





“Don’t worry, ang mahalaga okay ka na.” si Tanya.




“Cady!” nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Travis.






“Travis? Anong ginagawa mo dito?” nagtatakang tanong ni Tanya sa kanya.






“Travis si Gavin” halos di ko makilala ang boses ko sa sobrang pag-iyak habang andito kami sa hallway sa labas ng emergency room.





“Nabalitaan ko ang nangyari. Okay ka lang ba?” si Travis na alalang alala. “Oo okay na ako kasi niligtas ako ni Gavin” agap ko.




“Travis tinatanong kita!” nanlaki ang aking mga mata nang biglang sumigaw si Tanya.




“Ikaw ang dapat kong tanungin. Parte ba ito ng lahat?” matigas na tanong ni Travis na ikinakunot ng aking noo.




“Lahat? Anong meron? Anong nangyayari?” pagtataka ko.





“Ah wala yun Cady, ka..kasi ano. Kasi si….” Natigilan si Tanya nang biglang sumigaw si Travis. “Tanya, tintanong kita!”





“Ano bang nangyayari. Bakit kayo nagsisigawan?” nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila nagbabaka sakaling may sumagot sakin.





Meron ba akong hindi nalalaman?






Tila nanlamig ang aking puso nang lumabas na mula sa Emergency room ang doctor.





Her DestinyWhere stories live. Discover now