Chapter 7

31 2 0
                                    

Patay

Cady POV

Hindi ako makapaniwala.


Nang makita ko kanina si Travis na mahigpit na hinawakan ang kamay ni Miles na pangsampal niya sana sakin kanina ay para akong lumutang mula sa lupa dahil sa sobrang pagkakilig.

Kaya naman hanggang ngayon ay higit higit parin ni Travis ang aking palapulsuhan.


Naglalakad parin kami at tahimik nalang akong sumama sa kanya hanggang sa makarating kami dito sa bandang likuran ng skwelahan. School garden.


Ang parteng ito ng skwelahan ang pinaka peaceful at pinaka maganda sa lahat sapagkat napapalibutan ka ng mga puno ng acacia at ibat ibang uri ng bulaklak ang nakatanim sa paligid.

Ang sarap tumambay dito habang nagbabasa ng libro. Minsan lang din kasi akong napapadpad dito kasi puno yung schedule namin nula umaga hanggang hapon.


Ang tanging maririnig lamang dito ay ang mga huni ng ibon, hanging nagpapasayaw sa mga dahon at ang mumunting tinig ng musika na galing sa music room na saktong malapit lang dito sa kinaroroonan namin.


Pag tumingala ka at pagmasdan ang mga puno at kapaligiran ay mapapasabi ka nalang ng, ang ganda pala talaga ng mundo.


It's so astonishing....

It's so astonishing here, right?" si Travis.

Huh? Eh. Aaaaahhh! Pareho pala tayo ng iniisip kras. Sabay lagay ko ng takas kong buhok sa likod ng aking tainga.


Tumigil kami sa paglalakad. At tila tumigil ang pagtibok ng puso ko nang bigla siyang humarap sakin.


Kingina...


Nakatitig siya ngayon sakin pero alam ko sa sarili kong di ko kakayaning makipagtitigan sa kanya kaya sa malayo nalang ako nakatingin.


"What happened awhile back?" tanong ni Travis.


"A-ah yon. Ah kasalanan ko din naman kasi tumatakbo ako tas--"


Putengina, di ko natuloy yung sasabihin ko kasi hinawakan niya yung baba ko at ini-angat para magtama ang mga mata namin. And now his eyes met mine.


Travis, ano ba! Nanghihina yung tuhod ko habang nakatingin ako sa mga mata niya.

"Tapos?"


"A-ah ta-tapos ano, tumatakbo a-ako" Cady umayos ka parang-awa mo na. Napakurap kurap ako. "Tapos nabangga k-ko s-siya" phew! Sa wakas nasabi ko din.


Di siya nagsalita bagkus ay nakatingin padin siya sa aking mga mata. Kaya sa ngayon ay nabalot na kami ng nakakabinging katahimikan. Anuna?

"Be careful nextime, okay?" sa wakas nagsalita na din siya.


Tumango ako. "Oo. At salamat ha? Sa-salamat sa pagpigil mo kay Miles kanina at sa paglayo mo sakin mula sa kanila." sabi ko.


Tama. Kasi kung di siya dumating baka nagsabunutan na kami ng Miles na yon. Di ko din naman hahayaang sampaling nalang niya ako ng ganun ganun nalang. Pag nagawa man niya yon, mas malakas pa ang ibabalik ko sa kanya.


Because if people are playing with me, I'll show them that I'm better at it.


Pero kung di sila kapatol patol, di ko na pinapatulan. Pero pag sinaktan nila ako ng pisikalan, di ako makakapayag diyan.


Her DestinyWhere stories live. Discover now