Chapter Twenty-six

1.4K 37 3
                                    


"Kung gusto mong makalaya sa sakit na nararanasan mo ngayon, dahil sa taong nag kasala sayo. Matuto kang mag patawad upang maging bukas ang puso mo sa saya at kaginhawaan na ibibigay sayo ng Diyos."

Nakikinig lang ako habang nakatingin sa Padre na nasa unahan ng altar.

"Madaling mag patawad, ngunit mahirap makalimot." Dagdag nya. "Pero, kung mag papatawad ka, kahit hindi mo pa limot ang ginawa nya. Mag kakaroon ka padin ng kaginhawaan sa puso mo."

Napapikit ako at dinamdam ang mga salitang namumutawi sa kanyang bibig. Mahirap mag patawad father.

Nasa punto padin ako ng buhay ko na hindi ko magawang mag patawad. Hinahayaan ko nalang sila, dahil kahit anong gawin ko ay hindi naman ako makakaganti sa kanila. Sa kumuha ng buhay ng anak ko.

"Are you okay?" Tanong ni Ady.

Iminulat ko ang mata ko at lumingon sa kanya. Tumango ako at ngumiti at ibinalik na ang tingin sa harapan.

Natapos ang mass ng tahimik padin ako. Dama ko padin ang salita ni Father kanina.

"May pupuntahan kapa?"

Tumango siya sakin.

"Oo, may ime-meet ako. Gusto mo bang sumama?"

Umiling ako at ngumiti, kinuha ko ang susi sa aking bag.

"Pupuntahan ko si Gab. Hindi ko siya nadalaw kahapon."

Ngumiti si Ady at nakipag beso na sakin bago kami nag paalam sa isa't isa.

Nakatulala lang ako hanggang sa makita kong nakaalis na si Ady sakay ng taxi.

Nag lakad ako papunta kung nasan ang kotse ko, binuksan ko ito at pumasok sa loob at pinaandar na agad papunta sa sementeryo.

Bago ako makapunta sa sementeryo ay dumaan muna ako kanila Aling Edith. Ang tindahan ng nga bulaklak at kandila na malapot sa sementeryo.

"Oh? Hindi ka nag punta kahapon?" Bungad nya sa akin ng makita ako.

Umiling ako at ngumiti bago ituro ang roses na puti.

"Nag overtime po kasi ako kahapon kaya hindi na ako naka dalaw. Kaya po ngayon ako nag punta, after kong mag simba."

Dahil mas madalas akong dumadalaw kay Gabriel ay dito na ako laging bumibili ng mga kailangan ko, kaya naman kilala na ako ni Nanay Edith. Nakakatuwa pati dahil siya mismo ang gumagawa at nag aayos ng mga bulaklak.

Nag close nadin kami at madalas nag kwe-kwentuhan kapag may natitira pa akong oras.

"Nandito si Andrei kahapon. Akala nya ata ay nandito ka." Biglang sabi nya.

Nalipat ang tingin ko sa kanya. Hindi ako nag salita kaya tumingin siya sakin.

"Kinakamusta ka niya, kahit alam ko naman na lagi siyang nakasunod sayo. "

Ibinalik ko ang tingin sa nga bulaklak.
"Ilang beses ko na siyang tinulak palayo, Nay."

Alam kong nakatingin siya sakin kaya naman ay hindi ako tumitingin pabalik.

"Hindi mo ba siya tinatanong tungkol sa nararamdaman nya noong nawala ang anak nyo? "

Doon ay tumingin ako sa kanya at mapait na ngumiti.

"Hindi ko naman po kailangan ng opinyon nya, o kahit reaction nya sa nangyari. Dahil samin dalawa alam nya na ako ang lubos na nahirapan."

Inabot nya sakin ang inayos na bulaklak pati nadin ang kandila na lagi kong binibili sa kanya.

Si Nanay Edith ay parang kasing idad ng Lola ko na medyo bata ang kilos. Alam nya ang nangyari sakin, at sa mga pag sunod ni Andrei sakin tuwing pumupunta ako dito ay nalaman nya kung anong storya ng buhay ko.

"Sana maging masaya kana." Malungkot nyang ngiti at hinaplos ang likod ko.

Tumango nalang ako at nag abot ng bayad bago nag paalam.

Habang papunta ay iniisip ko kung pumunta ba si Andrei kahapon. Kasi kapag ako ang nandito ay hindi niya nagagawang lumapit kay Gab dahil alam nyang ayoko. Ayoko siyang lalapit sa anak ko, dahil siya ang dahilan kung bakit nawala ang anak namin.

Nang makababa ako dala ang nga binili ay agad nadin ako nag punta sa pwesto ni Gab.

Doon ay nasagot ang iniisip ko kanina. Naabutan ko ang isang paso ng bulaklak at nga kandila na nasa baso, mga tunaw na kandila.

Ibinaba ko ang hawak na bulaklak at umupo para masindihan na ang mga kandila.

"Hi Anak." Sabi ko ng matapos masindihan ang kandila.

"Pumunta ba dito Papa mo kahapon? Anong sinabi nya sayo?"

Nakatitig lang ako sa pangalan nya habang kinakausap siya.

"Anak.. walang araw na hindi kita nami-miss.. kailan ka babalik sakin?"

"Alam mo ba na nag sosorry padin ang tatay mo, hindi ko siya magawang patawarin anak.. sorry.." Nangilid na naman ang luha sa akin mga mata.

"Alam kong gusto mo kaming mag kaayos, dahil lagi kang nasa panaginip ko.. pero anak, ang gusto ko lang ngayon ay katahimikan. Kaya ko siyang palayain pero hind ko siya kayang patawarin."

Nilamon ako ng pag mamahal ko noon. To the point na hindi ko na alam kung anong sinasabi ko kay Andrei. Hindi ko alam na napapahiya ko na pala ang sarili ko..

Hindi ko alam kasi ang gusto ko noon ay ang mag stay lang siya samin ni Gab. Ngunit wala, hindi nya ginawa.

Inuna nyang hanapin yung sarili nya bago panindigan ang buhay may pamilya.

"Anak.. sana isang araw mag pakita ka sakin. Sana sabihin mo sakin na masaya ka sa kung anong ginagawa ko ngayon, kahit pinipilit ko palang."

Pag dumating yung oras na makahanap na ako ng iba. May pag asa bang makalimutan ko lahat ng sakit na nararanasan ko ngayon?

Kasi gusto ko ng makatakas sa kung naong kinalalagyan ko ngayon.

Masaya naman ako ngayon, pero kulang e. Kulang kasi alam kong hindi pa sapat yung saya na nararamdaman ko ngayon para matakpan ang sakit ng kahapon na hangang ngayon ay ramdam ko padin.

"Hayaan mo anak. Dadating din yung araw na may taong mag aalis ng lahat ng ito. Hindi mo na kailangan pang mag alala kasi alam mo at makikita mo na babalik at babalil ako sa dati."

Nanatiki ako ng ilang oras doon hanggang sa makatanggap na ako ng text kay Alex.

Nag paalam ako kay Gab bago tuluyan na umalis para makapunta  kung saan kami mag kikita ni Alex.

Ngayon lang ata ako ulit makakalabas at makakapasok ng bar after a year. And I don't know , but I'm excited.


PhobieQtie.

Bridge of Love (LS#2) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon