Chapter Forty-Seven

1.7K 35 15
                                    


-

Maaga akong nag out sa trabaho para dumiretso kanila Asha, nag kita kami sa bahay nya at doon namin pinag usapan ang mga dapat pang ihanda sa birthday ng anak nya.

"Marami ka bang inimbita?" Tanong ko habang nakatingin sa mga sinulat nyang pagkain.

"Medyo, mga co-teachers ko dati at mga co-teachers ni Kyle. Tas yung mga kaibigan pa namin dito sa labas."

"Bakit parang kayo yung may birthday? " Tawa ko.

Tumawa din siya sa sinabi ko.

"Alam mo na, may mga anak nadin kasi yun mga yon. Kung hindi ko sila iimbitahan, sino nalang magiging bisita ni Kyline."

Tumango ako at nag lagay pa ng pwedeng ilagay sa listahan nya.

"May may luluto naman nyan kaya di kami mapapagod, kaylangan lang nila ng list ng pagkain."

Tumango-tango ako.

"Edi mabuti."

Ibinigay ko sa kanya ang papel, kinuha nya iyon at binasa ang mga nadagdag.

"Okay na kaya to?" Tanong nya habang nakatingin sa listahan.

"Siguro mga nasa 200 ang bisita mo  kaya okay nadin yan. "

Tumango siya at tinupi na ang papel bago ilagay sa kanyang wallet.

"May pupuntahan kapa ba?" Tanong nya.

Umiling ako.

"Wala naman, bakit?" Tanong ko din.

"Dito kana mag dinner."

"Okay."

Tumayo siya at pumunta sa kusina, mukang mag hahanda ng lulutuin.

Habang nanunuod ako ay narinig ko ang iyak ni Kyline, kaya namab tumayo ako para kunin ito sa kwarto nila.

"Ako na bubuhat, gawin mo na yang ginagawa mo." sabi ko ng makitang papunta si Asha sa kwarto nila.

Ngumiti lang siya at tumango bago bumalik sa ginagawa.

Ako naman ay dumiretso at nakita si Asha na nasa crib nya naka tayo at umiiyak na.

"Ma-ma" Sabi nya pagkakita sakin.

"Awww, busy si mommy mo, si Tita ninang ako." Sabi ko at kinarga siya.

Hinele hele ko pa siya baka sakaling matulog ngunit umiyak lang siya lalo. Kaya naman ng ilabas ko ay doon siya huminto sa pag iyak.

"Hi baby ko.." Sabi ni Asha ng malingunan kami.

Nakatingin lang sa kanya si Kyline walang emosyon na oara bang tinititigan ang kanyang mommy.

"Dyan ka muna kay, Tita Ninang busy pa si Mommy." Kausap ni Asha sa anak.

Nakita ko ang pag ngiti ni Kyline kaya naman natuwa ako.

Nilalaro nya na ang kamay ko habang nakaupo kami sa lamesa at habang nakatingin sa mommy nya habang nag luluto.

"Bakit hindi nyo pa sundan si Kyline?" Panloloko ko.

Napatingin sakin si Asha at pinanlakihan ako ng mata.

"Masarap mag ka baby, Luna. Pero mahirap manganak. "

Tumawa ako.

"Ganon talaga, mas ma f-feel mo nga na nanay kana kapag nasaktan ka."

"Alam ko, pero masyado pang baby si Kyline para sundan pati hindi pa naman nanghihingi ang mga lola at lolo nya. "

"E si Kyle, gusto naba?" Tanong ko.

Nakita ko ang pag irap nya.

"Nako, kung wala ngalang akong gamit na pills. Baka buntis na ulit ako."

Tumawa ako, inayos ko ang pag kakaupo ni Kyline.

"Kung buhay pa ang baby mo  siguro may kuya na tong si Kyline." Sabi ni Asha.

Napangiti ako ng malungkot.

"Siguro nga."

Tumingin sakin si Asha habang nag hihiwa ng gulay.

"Maayos naba kayo ni Andrei?''

Tumango ako.

Nakita ko ang pag ngisi nya.

"May namamagitan naba ulit sa inyo?"

"Wala."  Mabilis kong sagot.

"Pero gusto mo padin naman siya diba? At ganon din siya sayo. Bakit hindi nyo ibalik?"

Umiwas ako ng tingin.

"Hindi naman ganon kadali, siguro may pag asa pang bumalik kami sa kung anong meron kami noon pero hindi muna ngayon."

"Ano naman dahilan? May problema paba? Hindi mo padin ba nakakalimutan yung mga ginawa nya?" "Sa nakikita ko ngayon, tuwing nagkikita kami ni Andrei, nagiging bukang bibig ka nya. Hindi ko alam bes pero mahal ka talaga ni Andrei. "

"Alam ko naman yon." Iwas ko padin ng tingin.

"Oh? E bakit di mo pa bigyan ng chance?"

Sasagot na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kyle.

Agad siyang sinilip ni Asha.

"Ang aga mo, Love?''

Napatingin sakin si Kylr at tumango habang inaalis ang sapatos.

"Nag ka meeting kanina kaya maaga.' Sagot ny akay Asha.

"Kanina kapa?" Tanong ni Kyle ng lumapit sakin para kunin ang anak nya.

"Hindi naman, pero dito na ako mag didinner." Sabi ko at binigay sa kanya si Kyline na agad nakangiti ng makita ang Daddy nya.

"Sige lang. " Sabi nya at agad nag paaalam para pumasok sa kwarto nila.

"Love, mag palit ka muna ng damit." Sigaw ni Asha ng makitang pumasok na si Kyle sa kwarto nila.

Nag katinginan kami ni Asha at sabay kaming napangiti.

"Ang sarap ng may asawa." Ngiti nya.

Nginiwian ko siya sa sinabi nya.

"Nakaka losyang nga lang." Ngisi ko.

Pinanlakihan niya ako ng mata at agad tumakbo sa kung nasan ang salamin nila.

"Omg, seryoso kaba Luna? Muka naba akong losyang? Kaya siguto hindi nya ako binigyan ng halik kanina kasi muka na akong nanay na nanay." Nakanguso nyang sabi.

Napakamot ako sa ulo ko.

"Sobrang muka naba akong nanay?" Tanong nya ulit.

Umiling ako at tinawanan siya.

"Niloloko lang kita, tsaka oo may mga nanay na nalolosyang pero hindi ka naman kasali don. Muka ka ngang walang anak." Sabi ko.

Nginusuan nya ako.

"Feeling ko napapabayaan ko na sarili ko." Ngiwi nya.

Natapos ata kami sa usapan nayon ng ma simula na kami kumain, nakikita ko pa na panay ang simangot ni Asha kay Kyle habang kumakain kami.

Kaya naman ng ihatid nya ako sa labas ay doon ko siya inirapan.

"Asha, wag kang masyado mag isip ng negative. Maganda ka at mahal na mahal ka ng asawa mo. Kaya kahit dika mag paganda, hindi ka niyan iiwan.''

"Aba subukan nya akong iwan, mawawalan siya ng anak at magandang asawa."

Napapangiti nalang ako habang nag da-drive.

May mga pangyayari talaga na hindi mo maiisip na mangyayari. Katulad ng pagkakaron ng pamilya ng kaibigan ko sa taong pinapangarap nya lang nuon.

Paguwi ko ng bahay ay si Mama ang bumungad sakin, may hawak siya pakwan na hiwa-hiwa at nakalagay sa platito.

"Oh! Andito kana, sayang di kayo nag pang abot ni Andrei. Sabi ko kasi andon ka kanila Asha, kaya doon siya nag punta ngayon."

PHOBIEQTIE

Bridge of Love (LS#2) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon