Chapter Fifty Three

743 23 4
                                    

Hindi ko alam kung anong gagawin ka, kaya naman ay hinahayaan ko nalang na tangayin ako ni Andrei pabalik sa sasakyan, pero malakas na hablot sa buhok ang agad nag patigil sakin.

Agad akong napaupo at napatungo dahil sa takot na saktan ako sa aking muka.

"Devine! Stop!! " Galit na piit ni Andrei.

Mukang nailayo nya ang babae sa akin, dahil wala na akong naramdaman na pananakit.

Inayos ko ang sarili at pati nadin ang buhok at damit, tumayo ako at bumungad sakin si Andrei na mabilis akong inalalayan.

"Are you okay?" Tanong nya na nag aalala.

Agad akong tumango.

"Andrei, talaga bang hindi ka mag papakasal sakin para lang sa babaeng 'yan?" Bigla ay naaga ni Devine ang aking paningin.

Aware ako sa dami ng nakatingin, pero ayaw kong maging kaawa sa paningin ng tao, at ayaw kong maging kaawa at katawa-tawa sa paningin ng babaeng 'to.

"Desperate." Madiin sabi ko.

Agad nanlaki ang mata nya sa narinig sakin. Hinawakan ako ni Andrei sa siko pero hindi ko 'yon pinansin.

"Sinong desperate? Ako? Kapal ng muka mo!" Galit na sabi nya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ako? Makapal ang muka? Look at you, ano ka? Desperadang tanga? "

Halos mapanganga siya sa narinig.

"How dare you! Do you know me?"

" No. I dont need to know you, hindi ka naman importante." Sabi ko.

"Ako ang fiance ng lalaking nilalandi mo, hindi kapa ba natauhan? Hiwalay na kayo kaya bakit kapa bumabalik?''

Napangiwi ako.

" Bakit ako bumabalik? Bakit ako hindi babalik kung pilit nya akong binabalik? Fiance? Are you sure? Kasi kung fiance ka nya, bakit ako yung niyaya nya sa kasal?"

Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata.

Hindi siya nakapag salita.

"You're beautiful. Pero sana kasing ganda mo din yung ugali mo, kasi sa pinapakita mo? Mas marumi kapa sa basura."

"What!?"

"Yes. Trash. Sakin ang lalaking 'to, kaya bakit mo siya pilit kinukuha kung pag mamay-ari ko na siya?"

Alam kong nasa tabi ko lang si Andrei, pero wala na akong pakialam dahil hindi ko kayang mag walang pakialam sa mga ginagawa ng babaeng 'to.

"Hindi kaba kinakabahan ha? Pwede ka ulit iwan ni Andrei, hayaan at saktan! Bakit mo pa ulit ipapasok ang sarili mo sa dati mo ng nilabasan?"

Agad akong napangiti.

"Why not? Pag ba lumabas, bawal na pumasok ulit? Hindi naman diba. Alam mo ba kung anong masama. Pumasok ka sa buhay ng isang tao na hindi ka naman welcome. " sabi ko.

Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata, alam kong nasasaktan siya sa mga sinasbai ko pero nasasaktan din ako.

"Hindi kita kilala, ngayon lang kita nakilala. Pero kung ako sayo, itigil mo ang pagpapakilala sa ibang tao na fiance mo ang lalaki na nasa harap ko dahil, ako yung pakakasalan nya. "

Ramdam ko ang pag higpit ng hawak sakin ni Andrei.

"Luna.. " Rinig kong sabi nya.

Nakita kong lalapit sana siya sakin, ngunit agad na umabante si Andrei sa aking harapan para takpan ako.

"Devine, I don't want to marry you. Ako na ang bahala sa Daddy mo."

"Andrei, no.."

Napairap ako.

"Im marrying, Luna. Siya lang ang gusto ko."

Pag katapos ng salitang 'yon ay wala na akong narinig na salita galing kay Devine. Humarap sakin si Andrei at tinignan ako sa mata.

"I'm sorry.." Bulong nya bago ako yakapin.

Niyakap ko siya pabalik at hinayaan kami ng ilang minuto sa ganon.

Inihatid ako ni Andrei sa bahay at agad ko siyang pinapasok, kinausap siya ni Papa kaya naman ay dumiretso ako sa akin kwarto para mag palit ng damit.

Ilang minuto ay may kumatok sa aking pinto ng kwarto, binuksan ko ito at tumambad sakin si Andrei.

Hindi ako nag salita, niluwagan ko ang pinto at agad naman siyang pumasok, pag kapasok ay sinarado ko din ang pinto at dumiretso sa kama.

Nakatayo lang siya doon habang nakatingin sakin. Ako naman ay sinusuklay ang buhok at nakatingin din sa kanya.

Dahan-dahan ay lumapit siya sakin, at umupo sa tabi ko.

"Im sorry again kanina." Sabi nya.

Tumango ako at tipid siyang nginitian.

"Its okay."

"Hindi ko nilinaw sayo, dahil wala lang 'yon para sakin."

"Okay lang, Andrei. Dahil labas ako sa desisyon mo sa buhay, hindi ko nadin naman iniisip ang kasal na 'yon dahil alam ko naman na seryoso ka sa mga sinasabi mo sa akin. Malaki na ang tiwala ko sayo, at dahil sa nangyari kanina, mas lumaki pa ang tiwala ko sayo." Sabi ko.

"Mag tiwala ka lang, aayusin ko ang lahat. "

Tumango ako at ngumiti.

"Hindi mo na kailangan sabihin dahil alam ko naman gagawin mo 'yon, nandito lang ako. "

"Thankyou. Mahal na mahal kita, Luna. Ayoko ng mawala ka, ilang taon ang hinintay ko para lang makuha ang mga salita mong 'yan, ang atensyon mo." Sabi nya.

Hindi na ako nag salita, hinawakan ko ang kanyang kamay at inilapit ang muka para mahalikan siya.

Hindi siya agad nakagawalaw, pero agad din nakabawi ng maramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bewang.

Tumigil ako at tinignan siya sa mata.

"I love you. " Mahinang sabi ko habang nakatingin sa kanyang mga mata.

Nakita ko ang luha sa kanyang mga mata, napangiti ako at ganon din siya.

"Matulog na tayo, dito kana matulog." Sabi ko at inayos nag unan na hihigaan nya.

Tumango siya at tinanggal ang sapatos para humiga.

Humiga din ako paharap sa kanya at naramdaman ko ang pag yakay nya sakin.

Pinikit ko ang aking mata at agad nadin kinain ng antok.

Nagising ako dahil sa kamay na humahaplos sakin muka. Dahan-dahan kong minulat ang mata at nag tagpo ang mata namin ni Andrei.

"Goodmorning." Sabi nya.

"Goodmorning."

Ngayon umaga ay naramdaman ko muli ang saya, ang makatabi at magising kasama ang taong mahal ko. Ngunit alam kong bilang padin ang mga oras namin dahil may bagay na pwede pang mangyari.

Niyakap ko siya at sinunsob ang muka sa dibdib.

Kung ang lalaking ito ay hindi mapa saakin, sana ay manatili siyang masaya dahil alam ko kung paano sita katotoo mag mahal sa isa.

-

Bridge of Love (LS#2) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon