Chapter Thirteen

1.4K 35 1
                                    


Hindi na ako tumutol sa mga ginagawa ni Andrei. Hinayaan ko nalang siya sa mga gusto nyang gawin.

Binigay ko ang dapat nyang maramdaman. Hindi ko siya pipilitin mahalin ako , okay lang sakin na wag ako. Basta mahalin nya lang ang anak ko.

Naging busy siya sa trabaho at minsan nalang ulit umuwi.

It's okay. He needs it , anyway.

Kung yun ang tingin nyang makakapag palaya sa kanya , then go. Hahayaan ko siya.

Kaya kong mag hintay. Kaya kong mag tiis para sa kanya.

Lumipas ang pasko ng sa bahay kami nag stay. Hindi umuwi si Andrei dahil sinabi nya na may inaasikaso siya sa trabaho. Naiintidihan ko iyon , hindi ko siya kailangan pag bawalan lalo na sa mga bagay na gusto nya.

Kaya naman ng malaman ko sa isa naming kaibigan na nasa bar si Andrei ay hinayaan ko.

Okay lang sakin. Okay lang ako.

"Paki bantayan naman please? Minsan kasi hindi na siya nakakauwi pag lasing." Pakikiusap ko sa kaibigan namin ng tumawag siya dahil medyo lasing nadaw si Andrei.

Gusto ko sana siyang sunduin pero gabi na at walang bantay si Gab.

"Okay Luna. No worries!" Sabi nya.

Tama nga ako. Kasi hindi siya umuwi ng gabing yon.

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga sa pag aakalang andito na si Andrei. Kinatok ko ang pinto nya at wala naman nakitang tao don.

Napabuga nalang ako ng hangin at inabala ang sarili para sa araw na ito.

Nag linis ako ng bahay habng masarap pa ang tulog ni Gab. Habang nag lilinis ay napag desisyunan kong lumabas ng bahay para tignan ang mga halaman na binigay sakin ni Mama noon nakaraang buwan para may pag kaabalahan naman daw ako doon.

Hindi ko sinasabi kay Mama o kay Papa kung ano ang nangyayari samin ni Andrei. Hindi ko sinasabi na hindi siya umuuwi , na nawawalan siya ng oras.

Kasi alam ko sa oras na malaman nila na ganto ang trato sakin ni Andrei , alam kong kukunin na nila talaga ako at hindi na ibabalik pa.

"Pssst!" Isang sitsit ang narinig ko mula sa kabilang gate.

Tinignan ko ito at nakitang si Ady iyon. Mukang kagagaling lang sa pag jo-jogging.

Tumawid siya para mas magkaharap kami. Binusan ko ang gate at pinapasok siya.

"May gagawin kaba ngayon araw?" Tanong nya.

"Wala naman. Dito lang ako sa bahay , bakit?"

Hinawakan nya ang braso ko at ngumiti ng malaki.

"Tara labas tayo? Tayo'y mag palinis ng kuko. Mag paganda ng buhok ,o kaya ay mag shopping!"

Tumawa ako.

"Alam mo naman diba? May baby ako." Ngiwi ko. Ngumiwi din siya.

"Edi ibigay mo muna sa Mama mo. Alam mo napapansin ko muka ka ng boring na boring sa buhay mo , ninmag suklay di muna ginagawa dahil sa pag iintindi dyan sa asawa mo at baby mo. Hindi naman sa ano , pero try mo naman mag day off bilang mommy kahiy today."

Nginitian ko siya.

"Simula nung mag buntis at manganak ako kay Gab. Iniwan ko na lahat ng kung anong ginagawa ko noong wala pa akong pamilya. Kahit yung manga hobbies ko ay inalis ko na din , dahil iba na ngayon. May pamilya na ako."

Inalis nya ang pag kakahawak sakin at inayos nya ang buhok nya.

"Kala mo ba , hindi ko ginawa yan? Ginawa ko din yan. Pero anong nangyari? Mas naging mukang kawawa lang ako. Kasi alam mo , Ganda lang ang dahilan para tumagal ang asawa o boyfriend mo sayo. "

Kumunot ang noo ko. Baliw talaga to.

"Kaya halika na , kahit ilang oras lang. Mag bonding tayo , if you want sama mo si Gab." Ngiti nya.

Hindi naman masama ang gusto nya. Nung nag pout siya ay tumawa ako at tumango.

"Sige na nga. Iiwan lang natin si Gab kanila Mama muna bago tayo pumunta sa mall." Sabi ko.

Nanlaki ang mata nya at excited na nag paalam para maligo.

Ako naman ay saktong pumasok at nakitang gising na si Gab na panay ang kawag ng mga kamay at paa.

"Good morning baby. " Sabi ko at kinuha siya.

Pinadede ko muna siya at nag hintay kami kay Ady para siya muna ang mag babantay kay Gab pag tapos nitong maligo para makaligo ako.

Dumating si Ady at sakto naman na tapos ko ng bihisan si Gab. Naayos ko nadin ang mga gamit na dadalhin para sa kanya.

Habang naliligo ay iniisip ko kung ano nga bang gagawin ko sa mall? Mag oa ayos ng buhok? Bumili ng pampaganda? Bumili ng damit?

May pera naman ako dyan. Yung ipon ko noom , at yung binibigay ni Andrei. Pero ayokomg gastusin ang pera ni Andrei kasi alam kong para kay Gab yon.

Kaya naman ng matapos kami at naisakay ko na ang mga gamit ni Gab sa kotse ko na ngayon ko lang ulit magagamit. Umupo si Ady sa backseat dahil siya ang may hawak kay Ady.

Mabilis din ang naging biyahe ko dahil wala naman masyadong traffic dahil hindi naman to tulad ng manila. Nag tatraffic lang dito kapag may fiesta o kung ano anong celebration ng lugar.

Nang makababa kami ng sasakyan ay agad din kaming pumasok sa bahay. Naabutan ko ang pinsan kong si Sheri na nag cecellphone habang nakataas ang paa sa lamesa.

"Asan sila Mama?" Tanong ko.

Agad itong tumingin sakin at ng makita ang anak ko na dala ko ay agad itong tumayo at pumunta sakin para kunin si Gab.

"Nasa kusina. Dito ba muna si Gab? " Tanong nya at tumingin sa likod ko kung nasan si Ady.

"Oo. " Sabi ko.

"Oh? Ang aga nyo naman." Salubong ni Mama ng makit kami.

Binigay ko ang gamit ni Gab at hinalikan siya sa noo bago umayos.

"Ma , dito muna si Gab. Babalikan ko din mamaya , may pupuntahan lang kami ni Ady." Sabi ko.

Ngumiti si Mama kay Ady bago ibalik sakin ang tingin.

"Oo naman sige. Asan ba si Andrei?" Tanong nya at kinuha si Gab kay Sheri

Sinimangutan ako ni Sheri.

"Nasa trabaho na po. Maaga umalis kaya hindi na ako nakapag sabi na aalis po ako." Pag sisinungaling ko.

"O siya sige. Mag ingat kayo."

Tumango ako at nag paalam na kami, bago kami lumabas ay ngumiti sakin si Luna.

"Muka kang nasasaktan dahil sa asawa mo. Hindi ka man nag sasabi pero alam kong may problema kayo." Malungkot nyang sabi.

Nginitian ko siya ng mas doble sa lungkot na ibinigay nya.

"Ako nasasaktan dahil sa kanya. Siya nasasaktan dahil sa iba. Pero kahit nasasaktan na niya ako , hindi ko padin iniisip na iwan siya." Sabi ko at nag lakad na papunta sa kotse.

PhobieQtie

Bridge of Love (LS#2) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon