When life sucks...I sighed.
Kung sana'y mababalik pa ang kahapon at maging maayos muli ang aking buhay. Noong ako pa ay sinisilbihan , nakukuha ang gusto ko'ng bilhin at walang problemang iniisip. Noong kasama ko pa si Dad and Mom na masaya. Noong wala pa'ng lalake na humalili sa pwesto ng aking ama, noong hindi pa nahulog si mom kay tito Sebastian at nang sa gayon ay hindi nagbago ang pakikitungo sa akin ng aking ina.
Kung sana lang ay maibabalik ko pa ang nakaraan ay iyon ang gagawin ko, ngunit hindi na. Kung may magagawa lamang ako ay ginawa ko na nang sa gayo'y maging pantay ang estado namin sa buhay ngunit , hindi.
Sapagkat magkaiba kami.
MAGKAIBA. Magkaiba ang buhay namin.
Kung 'noon' ay marangya akong namumuhay ngayon ay kailangan ko ng magtrabaho para may makain sa araw-araw habang nag-aaral. Sipag ng lola nyo.
Siya, may maganda at malaking bahay na tinitirahan.
Ako? nakatira lamang sa maliit na bahay. Tsaka mga te nangungupahan lang po si aketch.
Sya , may malambot na hinihigaan.
Ako? Nakahiga sa kama na gawa sa kahoy , walang pang kutson na nakalagay kaya ang sakit sa likod tuwing gigising sa umaga , oh dba? at eto pa , ang letcheng electricfan namin dito ay paminsan-minsan lang kung gumagana. Inshort walang silbing electricfan!
Sya , mayaman...eh ako??
Palamunin. chos
Oo , 'noon' mayaman ako pero hindi na ngayon.
Tinanggap ko ng hindi na babalik ang buhay ko noon sapagkat hindi na muling babalik pa ang nakaraan.
'Until I Met Him' nabuhay muli ang loob ko , at naging inpirasyon sya sa araw-araw ko na pamumuhay , sa kabila nang mga taong humihila sa akin pababa at sa mga taong patuloy na sumisira sa akin.
Maniniwala ba ako rito o kagaya rin ito ng mayayamang lalaki at iisahan lamang ako...? hmm magugustuhan kaya niya ako sa kabila ng malaking agwat ng estado namin sa buhay??
🌙🌙🌙
Hello there Moon Readers! I'm not promising an update after this. I just posted this one to give you an idea.
Anyways, Happy Reading ♡
To be continued...