"Paabot nga yung isang aklat,"wika ko habang di inaalis ang paningin sa pahina ng librong binabasa ko. Malapit na ang exam namin at hanggang ngayong araw ay panay pagbabasa ang ginawa ko.
"Ohh."
Inabot ko ang hawak niyang libro at itinabi sa librong binabasa ko. Isinasaulo ko ang lahat,bawat detalye,ang tamang ispeling,ang tamang pagbigkas ng bawat salita at ang bawat ibig sabihin. Isinira ko ang binabasa kong libro at lumipat sa isa pang libro.
"Grabe ang ginagawa mong pagbabasa."
Tumigil ako sa aking pagbabasa at iniangat ang tingin patungo sa kaniya."Kailangan kasi ito,kaysa naman diyan sa paggamit mo ng cp ay di kailangan,"wika ko. Napatingin naman ito sa hawak niyang cp at binalik ang tingin sa akin.
Kanina pa ako dito sa loob ng library at nagbabasa,samantala siya kanina pa nagccp. Hindi ba nalolowbat ang baterya ng selpon niya?Hindi manlang ba ito nahihirapan sa pagpipindot?Kanina ko pa kasi napapansin na madalas siyang ngumingiti,kinikilig,type ng type,madalas may nagvavibrate at madalas niya akong maapakan sa tuwing kinikilig siya. Ano bang ginagawa niya sa selpon niya?Grabe. Panay sugat na siguro ang paa ko,nakatakong siya ehh. Ano ba ang napapala ng babaitang ito sa kakaselpon?Ayaw magbasa ng libro para sa thesis namin kaysa sa cp na iyan.
"Ano ba iyang pinagkakaabalahan mo sa selpon mo?Kanina ka pa ahh,"wika ko. Hindi siya sumagot sa akin sa halip ay tumingin ito sa selpon niya dahil nagvibrate na naman ito. Tumaas ang isang kilay ko dahil sa mga akto niya. Hindi kaya...
"Hoy babae,may boypren ka na naman?Hay nako,ayaw mong magaral,kamahal-mahal ng tuiton fee ahh."
Hindi ako nito pinansin sa tanong ko,ang babaitang ito talaga oo .Pailing-iling akong bumalik sa aking pagbabasa. Mahaba-haba pa ang babasahin ko at uunawain,ayokong ubusin ang natitirang oras sa kakausap sa babaeng ito.
Natapos ako sa pagbabasa sa sumunod sa libro at hiniram na lang ang ibang libro para basahin sa bahay,wala naman akong assignment kaya magbabasa na lang ako.
"Ano ba ang gusto mo sa isang lalake?"
Tumigil ako sa pagliligpit sa mga gamit ko at napatingin sa kaniya. Anong meron at tinatanong niya ang mga bagay na ito ,ngayon?Pinasadahan ko na lamang siya ng tingin saka bumalik sa aking ginagawa.
Isang walang kwentang tanong para sa isang may kwenta at mahalagang oras.
" Ano ba ang gusto mo sa isang lalake?"paguulit niya sa tanong niya.
Huminga ako ng maluwag at masama ang timpla ng mukha na tumingin sa kaniya. Nasayang lang ang effort ko na pasamain ang mukha ko dahil nasa selpon ang tingin niya wala sa akin. Napailing na lang ako at napaisip .Sagutin ko na lang para tumigil na siya sa kakatanong.
"Kasing matcho ni James Reid at kasing pogi niya,kasing talino ni Albert Eisntein at kasing yaman ng mga Marcos,ayos na?"wika ko habang di inaalis ang tingin sa nililigpit.
"Taas naman ng standard mo,bestfriend .Tatanda kang dalaga,niyan,"rinig kong wika niya.
Binaling ko ang tingin ko sa kaniya nang matapos na ako,sinukbit ko ang bag ko at nagsalita.
"Mas mabuti nga iyon,para hindi ako masaktan,"seryoso kong wika sa kaniya.
Naalis ang tingin niya sa selpon niya at napatingin sa akin .Nice,naalis din ang tingin niya sa selpon niya.
"Loka-loka,masasaktan agad-agad!?"natatawa niyang wika.
Inirapan ko na lamang siya at naglakad palabas ng library .Oa ba ang sinabi ko?Dahil sa mga sinasabi nung mga classmate ko about sa mga jowa nila feeling ko ayaw ko ng magkaboyfie maski asawa ayaw ko na.
May nababalitaan pa nga ako na may nagaasawa rin daw ng maaga at nabubuntis ng maaga dahil sa sobrang pagmamahal. Jusko!!!Buti na lang ako,pagaaral ang inaatupag ko at hindi selpon maski lalaki. Bakit kaya ayaw akong gayahin ng mga kaklase ko?Try nila akong idolohin,baka may sabit pa sila sa darating na graduation.
"Hey hintayin mo ako."
Hindi na ako nagabalang lumingin habang naglalakad papasok sa school. Paniguradong ang loka-loka kong bestfriend iyon,panay kasi selpon ang inaatupag kaya nahuhuli sa klase.
Umakyat kami patungo sa ikalawang palapag ng kulay berdeng building at pumasok sa room namin.
"Aray."
Napatingin ako sa likod at natigil sa paglalakad nang mapansin na may nakabungguan si bestfriend. Isang babae na nalaglag ang mga gamit sa lapag. Tutulungan ko pa naman sana ngalang nakaalis na dahil kakaunti lamang ang dala niya.
"Hindi manlang marunong tumingin sa dinadaanan. Tsk."
Nabaling ang tingin ko sa kaibigan ko na nagpapagpag ng palda lalo na sa parteng pwetan. Sumeryoso ang mukha ko dahil sa nakita. Napatingin siya sa akin at nabigla sa nakitang ekspresyon.
"What?"taka niyang tanong.
"Tigilan mo ang pagseselpon habang naglalakad,nakakadisgrasya ka,"seryoso kong wika saka pumasok sa room namin.
Maswerte siya nabunggo lang siya sa tao ,paano na lang kung nasa kalye kami at nabunggo siya?Hindi sa tao kundi sa kotse o anumang transportasyon. Naku!!!Ang hirap talagang pagsabihan ng bestfriend ko. Kapag talaga siya'y naaksidente,hindi ko naman pinapanalangin sinasabi ko lang. Ewan ko lang sa kaniya.
Pagkarating ko sa room ay umupo agad ako at nilabas ang isang libro na una naming subject ngayong araw. Napansin ko na umupo na siya sa tabi ko at hawak na lamang ang selpon. Tsk. Siguraduhin lang niya na hindi na siya magseselpon kapag naglalakad lalo na ngayon magkaklase na kami.
"Good moning class."
Wala sa oras akong napatayo nang marinig iyon. Hindi manlang ako nakapagbasa. Bumati kami pabalik sa teacher namin at pinaupo na kami.
"Ilabas niyo na nag assignment niyo at sagutan na natin ang number 1,any one?"
Kinuha ko ang notebook ko at hinanap ang assignment ko .Buti na lang nagawa ko ito,papapuntahin kasi sa detention ng teacher namin kung sino ang walang assignment kaya hindi ko hinahayaan na hindi ko magagawa ang assignment ko,mahirap na.
"Psstt.."
Hmm??
Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko ang bestfriend ko na hindi mapakali sa upuan niya. Kumunot ang noo ko. Ano ang problema nito?
"Hindi mo sa akin sinabi na may assignment tayo?"pabulong niyang tanong sa akin.
"Ilang beses ko sinabi sa iyo kagabi,anong hindi?"tanong sa kaniya.
Teka lang.....
"Hindi ka gumawa ng assignment?"bigla kong tanong sa kaniya.
Tumingin siya sa akin ng alanganin at nabigla sa napansin na nakatayo sa harapan naming dalawa.
"May assignment ba kayong dalawa at nagdadaldalan kayo?"mahinahong tanong teacher namin.
Kung minamalas ka nga naman.
Mabigat ang bawat paghinga ko at bawat pagbigka ko ng mahina sa binabasa ko sa hawak kong libro. Kakatapos lang ng dalawang subject namin ngayong umaga at break time na namin. Yung kaibigan ko?Nasa detention,mamaya pa pagkalagpas ng limang minuto ang labas nun,tss...pahamak talaga ang selpon na hawak niya. Ano ba kasi mayroon sa selpon niya at hindi niy mabitawan kahit saglit lang?
"Huy,narinig mo na ba ang bali-balita?"
Napahinto ako sa paglalakad ng marinig iyon. Napansin ko ang dalawang babae na nasa likod ko na naglalakad at sa kanila ko narinig ang mga katagang iyon.
"Anong balita?Yung sa IV-B student ba?"
Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng marinig iyon. Balita sa isang estudyante sa IV-B?Ano naman kaya iyon?
Napansin ko na umupo sila sa bench na malapit sa amin kaya umupo ako sa bench na katabi ng inuupuan nila para marinig ang pinaguusapan nila. Chismosa na kung chismosa.
"Oo yun nga,yung nagpakatiwakal dahil iniwan ng boyfriend. Grabe daw yung nakasulat sa suicide note niya. Kilala pa man din siyang Top 1 sa room nila."
-------
.
