"So totoo nga yung chismis na iyon?"seryoso ko tanong sa kaniya.
"Hindi nga kasi tsismis iyon kasi totoo nga yung balita,"inis niyang wika niya sakin.
"Okay,okay. Chillax!"suko kong wika sa niya. Sobrang high blood naman ng bestfriend ko.
Tulad nga ng sabi ng bestfriend ko ay totoo yung narinig ko. Kaloka yung estudyante na iyon,pero naawa rin ako sa kaniya dahil balita ko nabuntis iyon ng bf kaya nagpatiwakal dahil hindi kayang mapanagutan at iniwan pa siya ng bf niya.
Wala sa lugar namin ang labi nung babae kasi dinala pa siya sa Manila ,sa side nung papa niya. Magkahiwalay pala ang magulang niya,nasa side siya ng Mama niya. Grabe nga iyak nung nanay kanina,nakita daw ni bestfriend na pumunta sa faculty yung magulang nung babae.
Nakakaawa naman yung nanay niya.
Sarap sapatusin nung ex-bf niya. Pagkatapos buntisin ay iniwan,kaloka na mga tao ngayon. Kung ako yung babae,ipapasalvage ko iyon,kala niyo. Pero sa totoo lang ,parang hindi ko kayang gawin,lalo na hindi naman ako yung babae.
"Uyy,bestfriend,matagal ka pa ba diyan?"
Napatingin naman ako sa bestfriend ko at biglang naalala na nagliligpit nga pala ako ng gamit .Uwian na kasi at kakatapos lang ng test namin,at kung sinuswerte ka nga naman,marami ata akong nasagutan. Note the word 'ata'.
Ewan ko lang sa bestfriend ko kung may nasagutan,baka mamaya ang nasagot pala niya sa test ay letter a .Jwk lang.
Binilisan ko na lang ang pagliligpit ng gamit at tumingin sa gawi niya. Before dumating ang araw nang test ay minsan ko na lang siya mapansing gumagamit ng phone at magandang sign iyon.
"Bilisan mo!"
Ano ba naman itong bestfriend ko?Grabe,magmadali. Saan ba lakad nito?
"Sandali lang naman,eto na oh!!"pagmamadali ko.
Sinukbit ko na ang bag ko at pumunta sa pwesto niya.
"Good,lets go,"naiinip niyang wika saka nauna sa aking maglakad.
Tignan mo itong babaitang ito,pinagmadali ako tapos iiwanan ako. Abat!!
Pailing-iling akong sumunod sa kaniya at hinayaan na lang ang nangyari. Kung ano man ang dahilan ng pagmamadali niya,siguraduhin lang niya na may kwenta iyon. Kung hindi...
Pagkalabas namin ng tuluyan sa school ay napansin ko na nagsusuklay at nagaayos ang bestfriend ko habang naglalakad. Nakataas ang kilay ko na pinagmamasdan ang ginagawa niya,syempre tumitingin parin ako pati siya sa dinadaanan namin.
Ano meron at nagpapaganda siya?May darating ba na artista dito sa school namin?Pero,imposible kasi uwian na. Kanino o saan naman nagpapaganda ang bestfriend ko?
"Jin."
Naalis ang tingin ko sa bestfriend ko na marinig na may tumawag sa pangalan ng bestfriend ko. Napansin ko ang isang lalaki na iba ang suot na uniporme at may nakasabit na bagsa kanang balikat,napatango ako ng itsura na mahalatang matangos ang ilong at may itsura yung lalaki.
"Mico."
Nakakunot akong tumingin sa bestfriend ko ng marinig iyon,kilala niya ang lalakin iyon?Napansin ko na tumigil na siya sa pagaayos at naglakad patungo sa pwesto nung lalake. Teka-magkakilala sila.
Dahan-dahan akong naglakad sa pwesto nila. Napansin kong naguusap sila about sa kung bakit nalate ng labas si bestfriend at narinig ko pa ang maganda kong pangalan.
"Sorry talaga,I'm sure bukas,aagahan ko uwi para makalabas tayo,"wika ng bestfriend ko gamit ang mahinhin niyang boses.
Ang hinhin naman ng bestfriend ko.
"Its okay,by the way hatid na kita sa inyo,"wika nung lalake na hindi ko kilala-teka lang,ihahatid daw niya si bestfriend sa kanila. Woaaahhh!!
"Sure."
Teka bakit pumayag yung bestfriend ko?Abat!Sino ba yung lalakeng iyan?
Tumikhim ako ng peke para mapansin nila ako at kung sinuswerte nga naman ohh,napansin nila ako. Kita ko ang pagkataranta ni bestfriend nang mapatingin sa gawi ko.
"Ayy oo nga pala,Mico,bestfriend ko nga pala,"pagpapakilala ni bestfriend sa akin sa lalake na nangangalang Mico.
Inilahad naman nung Mico yung kamay niya sa harap ko. Tinitigan ko muna yung kamay niya at mukha,mukha naman siyang mabait. Nakipagkamay ako sa kaniya,lambot naman ng kamay.
"Bestfriend si Mico nga pala,boyfriend ko."
I was enjoying shaking hands with Mico,ang lambot kasi ng kamay nang mapatigil ako at napabawi sa kamay ko.
"Boyfriend?"nabigla kong tanong sa bestfriend.
Ngumiti siya ng alanganin na mapansin ang reaksyon ko sa narinig. Tumango ito ng dahan-dahan. Jusko!!Feeling ko mahihimatay ako ng di oras sa narinig. Kaya pala siya laging may hawak na selpon sa tuwing tumitingin ako sa kaniya. Boyfriend...naku!!
"Thanks nga pala sa paghatid,"nakangiting wika ni bestfriend habang kaharap ang boyfriend niya na nakamio. Naks...manyaman naman si pogi-este si Mico.
Nakatayo ako sa tabi ng poste at nakasandal roon habang pinagmamasdan yung dalawa.
"Thanks nga rin pala sa binigay mong flowers at chocolates,"kinikilig na wika ni bestfriend habang nakatapat sa ilong niya ang mga rosas.
"Your welcome,basta ikaw. Sige bukas na lang,siguro. Hihintayin kita,"malambing na wika nung Mico.
Tumango si bestfriend at nagflying kiss ba yung dalawa. Narinig ko pang magpalitan ng I love you,jusko kinikilabutan ako.
Sumakay na ang boyfriend niya sa motor nito at pinaandar paalis sa tapat ng bahay nila bestfriend. Yung bestfriend ko?Ayun nakatayo parin habang nakatulala sa dinaanan ni Mico na direksyon.
"Umalis lang siya bestfriend,natulala ka na,"wika ko dahilan para mawala siya sa pagkakatulala at mapatingin sa akin na namumula ang pisnge.
"Ang sweet niya,hanoh?"kinikilig niyang tanong sa akin.
Pailing-iling akong umalis sa pagkakasandal sa poste at lumapit sa kaniya. Hinawakan ko ang braso niya at siyay hinatak papasok sa gate saka nagsalita.
"Oo na,alam ko. Pasok na tayo at baka amagin yung kalsada sa kakatitig mo,"I said with the sarcasm tone.
Hindi manlang umimik si bestfriend,naku!!!Dinala ko siya sa kwarto niya at tinulak patungo sa kama hindi parin nawawala sa pagkakatulala ang kirengkeng kong bestfriend.
"Ilang araw na kayo?"seryoso kong tanong sa kaniya habang tinatanggal ang suot kong sapatos. Natapos ako sa paghuhubad ng sapatos nang hindi manlang ako nakatanggap ng anumang sagot.
Sumama ang timpla ng mukha ko na mapansing nakatulala na naman siya .First time ba niya na mabigyan ng bulaklak?Lakas ng tama sa Mico na iyon,grabe?Napailing na lang ako.
"HOY!!"
"Huh?"
Nabalik sa katawang lupa si bestfriend nang sigawan ko siya,buti naman. Akala ko lalamunin na siya ng ekonomiyang pagiging inlab sa lalaking nangangalang Mico.
"Ilang araw na kako kayo?"tanong ko sa bestfriend ko na hindi parin nakakarecover sa paggulat na ginawa ko.
"Ilang araw nino?"takang tanong niya.
Natulala ako at hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. Seriously?Bestfriend ko ba ito?Kaloka,nawawala ata ang kaluluwa nito,jwk lang.
"Ni budang,"inis kong wika.
Napansin ko ang pagtaas ng kilay niya sa sinabi ko.
"Sino si budang?Tao ba iyon?Saka ilang araw nino?"taka niyang tanong.
Napakamot ako sa ulo at napatayo sa pagkakaupo ko sa sahig.
"Ewan ko sa iyo!"irita kong sigaw saka lumabas ng kwarto niya. Ang labo niyang kausap at nakakabaliw siyang kausap,grabe...
