IV

375 12 2
                                    

"Wendy,pinapatawag ka sa faculty."

Nahinto ako sa pagbabasa ng aklat nang may magsalita sa harap ko. Isa siya sa mga kasama ko sa room,iniba na naman kasi ang arrangement ng seats and also may nilagay sa ibang section,yung mga hindi nakapasa sa test ay mapupunta sa remedial class na nasa tabi ng library. Ako?Hindi ako kasama roon,ewan ko lang si bestfriend ,hindi ko naman siya kaklase ngayon,naiba yung sectioning diba?

"Bakit daw ako pinapatawag?"tanong ko sa babae.

Hindi naman siya nakasagot agad.

"Walang sinabi kung bakit ehh,basta pinapatawag ka lang,"wika nito saka nagpaalam at umalis sa harap ko.

Napakamot naman ako sa ulo ko,pinaisip pa ako nung babaeng iyon kung bakit ako pinapatawag sa faculty. Ano ba iyan!?

Niligpit ko muna ang ginamit kong aklat saka naglakad patungo sa faculty,nang makarating ako sa loob ng faculty ay lahat ng guro na nasa faculty ay napatingin sa akin. Napayuko na lang ako dahil sa hiya,bakit ba sila nakatingin?

"Wendy."

Iniangat ko ang mukha mo para hanapin ang tumawag sa akin,nakita ko ang teacher ng remedial class na inaaya ako na tumungo sa cubicle niya,siya kaya ang nagpatawag sa akin?

Naglakad ako patungo sa cubicle na iyon at umupo sa tapat ng table ni sir. May kaso ba ako o may nagawa akong mali? Sa pagkakaalala ko kasi ay wala ehh,pero bakit ako pinatawag?oehmji!! Baka ililipat nila ako sa remedial class dahil huli na nang malaman nila na bagsak ako sa mga test ko.

"Wendy,maari ba akong magtanong sa iyo about sa kaibigan mong si Jin."

Natigil ako sa pagiisip na dahilan dahil sa pagtawag sa akin ni sir nang marinig iyon. Kay Jin? Ano mayroon kay Jin?

Nang matapos na kami sa paguusap ni sir ay lumabas na ako sa faculty .Nakakagulat at hindi ako makapaniwala nang malaman na bagsak si bestfriend sa lahat ng subject namin,maski pumasok sa remedial class ay paminsan-minsan lamang.

Isang araw lang daw kasing pumasok nung isang linggo,hindi ko naman siya matanong dahil nawala ang selpon ko at nasa ibang bansa ang nanay niya,tanging yaya lang nila ang kasama niya sa bahay nila. Sa tuwing pumupunta ako sa bahay nila ay laging walang tao,kaya hindi ko na sinubukang kausapin siya dahil nagkaroon narin ako ng curfew sa bahay. Naabutan ako ni Mama na gising parin noong 12 ng madaling araw kaya hanggang alas otso lamang ako sa gabi at hanggang alas 5 lamang ako sa labas.

Paniguradong magagrounded ako kapag nangyari na lumagpas ako sa curfew sa bahay. Mahirap pa man din magalit si Mama. At ayoko na magalit sa akin si Mama.

Pero si bestfriend,hindi pumapasok at bagsak pa siya sa mga test namin,sabi niya sa akin nagrereview naman daw siya kapag gabi pero bagsak pa rin siya. Hindi ko naman makausap si Mico para kunsintihin ang bestfriend ko na magaral ng mabuti dahil hindi naman kami close at hindi ko nakuha kay best friend yung number ni Mico. Sayang sana kung may kaibigan siya na kilala ko.

Meron nga,si Lance nga lang. Ayos na na hindi ko nakausap kaysa makita si Lance. Ayoko nang makita ang mukha lalo na ayokong marinig ang boses niya. Pakiramdam ko nagtataasan ang balahibo ko sa mga sinabi niya noon.

Nagpalinga-linga ako habang hinahanap ang bulto ng katawan ni bestfriend,pagkatapos kong malaman ang lahat-lahat kahapon,napagpasiyahan kong kausapin na si bestfriend para magawan namin ito ng solusyon dahil maaari o posible na hindi siya makagraduate kung hindi niya mapapasa ang test o di kaya ay hindi siya pumasok sa remmedial clas,kung ako iyon,ewan ko na lang din.

Isang ngiti ang lumabas sa labi ko nang matanaw ko si bestfriend sa di kalayuan,kilalang-kilala ko ang likod niya pati na ang bag niya. Agad akong lumapit roon at hinawakan ang balikat niya. Nawala ang ngiti ko nang bumungad sa akin ang nakataas niyang kilay habang mataray na nakatingin sa akin.

Planned But Not [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon