From:Bestfriend♥
'Hey bestfriend,2 weeks na kami. Lab yu,kita kits sa bahay sa sabado.'
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sinagot na niya ang tanong ko o maiinis dahil pinaabot pa niya ng 4 na araw bago niya sabihin sa akin kung ilang araw na sila. Kaloka si bestfriend. Sinabi sa akin sa text pa,masyado kasi siyang busy sa boyfriend niyang tuwing hapon niyang nakakasama. Isang araw ata siyang hindi makagetover sa ginawa ng boyfie niya sa kaniya na paghatid at pagbigay ng mga rosa achuachu...
Kalokang bestfriend. Kinuha ko na lang ang binili kong pagkain at naghanap ng available na table. Ayy oo nga pala,dahil nga may boyfriend na ang magaling kong bestfriend,hayun. Lumalabas kasama ang boyfriend tuwing tanghali at ang nangyayari,ako ang naglalunch magisa,walang kasama pwera sa mga tao na nasa canteen at sa mga katabi kong table.
Ayaw ko naman sumama dahil magmumukha akong thrid wheel uso pa man din iyon dito sa campus na pinapasukan ko. Madalas ko rin siyang hindi kasabay na pumasok o kaya'y umuwi,you know hatid sundo by her boyfriend. Tinanong ko nga si Bestfriend kung legal sila ang sabi hindi daw.
What if Tita knows na may boyfriend na ang anak niya?Then malalaman ni Tita na alam ko. Hayyy nako,patay ako kay Tita,sasabihin na hindi ko manlang daw sinumbong sa kaniya. Ayoko ko ngang sabihin,baka mamaya paghiwalayin pa yung dalawa at makita ko na naman kung paano umiyak yun bestfriend ko,nakakapanghina para sa akin ang iyak niya kaya kahit kailan hindi ko siya hinahayaang umiyak sa abot na aking makakaya.
Natapos ang panghapon na klase na nakita ko si bestfriend ngalang hindi kami magkatabi pagdating ng ibang subject,tuwing first subject lang kami magkatabi ehh. Pagkalabas na pagkalas nung teacher namin na huli ay lumapit ako agad kay bestfriend.
Kakatapos lang niyang magligpit ng gamit at palabas na siya kaya sumabay ako sa kaniya sa paglalakad.
"Musta date niyo kanina?"tanong ko sa kaniya.
Napansin ko na napangiti ang bestfrien ko. Hay nakoo,tinanong lang napapangiti na what if tanungin ko kung ano ang nangyari habang nagdedate sila ay baka matulala na naman siya,mahirap na. Nasa school kami kaya mahihirapan ako.
Hindi na lang ako nagtanong,tumingin nalang ako sa nilalakaran ko. Napansin ko ang pagdukot ni bestfriend ng selpon niya sa bulsa niya,nang buhayin niya ang selpon niya ay biglang namula ang pisnge niya. Panigurado,it was Mico. Ang lakas talaga ng tama niya kay Mico. Grabe.
"Susunduin ka ba ng boyfriend mo?"tanong ko sa kaniya habang nakatanaw sa malayo samantala siya ay nakatanaw sa selpon. Ano kaya ang pinaguusapan nila ng boyfie niya?
"Yep. Ihahatid niya rin ako sa bahay,"sagot niya habang di naaalis ang tingin sa selpon.
Speaking of bahay,may naalala ako.
"Bestfriend,"tawag ko sa kaniya.
Hindi naalis ang tingin niya sa selpon.
"Hmm??"
"Bakit ayaw niyo pang magpakalegal,hah?"mahina kong tanong sa kaniya.
Para naman hindi ako dehado kapag nalaman ni Tita na magkasama si Mico at si bestfriend. Ako ang kakatayin ni tita kapag nagkataon.
Naalis ang tingin ni bestfriend sa selpon niya at napatingin sa akin na may kasamang kunot sa noo.
"Wala kang talagang alam sa isang relasylon,hanoh?"tanong nito.
Napakamot naman ako sa tinanong niya,ano connect nung tanong ko sa tanong niya?
"2 weeks palang kami bestfriend,sa tingin mo pwede nang maging legal iyon?Ni hindi pa nga kami umaabot ng isang buwan ehh,"wika niya na parang nagpapaliwanag.