V

400 10 3
                                        

"Kamusta na po Tita?May ideya na po ba kayo kung nasaan siya?"nagbabakasakali kong tanong.

["Sorry,Wendy. Walang anumang bakas na tumungo siya dito sa Batangas."]

"Naku,tita. Hindi niyo naman po kailangan magsorry,gusto ko lang naman po malaman ang update sa paghahanap sa kaniya,"wika ko.

["Hays...Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip niya at naglayas siya"]

Mahahalata sa boses ni Tita ang lungkot at pagkawala ng pagasa dahil sa nangyayari.

Magaapat na araw na nang huli kong makausap si Jin,at sa hindi maganda pang pagkakataon. Ang araw na iyon ang huli na nakita ko siya pati sila Tita. Umalis siya ng walang paalam at walang pasabi,naabutan na lang daw tita na wala ang mga damit ni Jin sa wardrobe nito.

Agad tumawag si Tita sa mga kakilala niya kung napansin ba si Jin sa lahat nila. Nireport narin sa mga baranggay tanod ang paglayas ni Jin ,magdadalawang araw na.

Kaya eto si Tita,pumupunta sa mga lugar na may mga kamaganak sila at nagbabakasakaling naroon si Jin o napadan manlang duon. Iba talaga magalala ang isang magulang lalo na kung nagiisang anak pa.

["Tawagan na lang kita mamaya,iha,kapag nakakalap na ako ng impormasyon."]

"Sige po."

Pinutol ni Tita ang tawag at napatingin ako sa hawak na telepono,panigurado na iiyak na naman siya at sisisihin ang sarili niya sa paglayas ni Jin.

Lagi na lang ganoon ang nangyayari,after ko siyang tawagan at kapag  sinabi niya na siya na lang ang tatawag,panigurado iiyak na naman siya. Araw-araw at gabi-gabi ,sinisisi niya ang kaniyang sarili dahil sa nangyayari. Kaya madalas ay bumibisita kami ni Mama sa bahay nila para kamustahin ang lagay ni tita pati na ang paghahanap kay bestfriend.

Isang malungkot na ngiti ang gumihit sa aking labi.

Bestfriend. Ngayon ko lang ulit siya natawag na ganun.

Bumuntong hininga ako at ibinaba ang telepono sa side table na katabi ng sofa. Kinuha ko ang loptop na nakalapag sa tabi ko at ipinatong ito sa lap ko. Agad kong binuksan ang account ko sa facebook. Una kong tinignan ang messages ko dahil panigurado baka may makapagsabi sa akin kung nasaan si Jin.

Nagpost ako sa mga media accounts ko,nagbabakasakaling may nakakita sa kaniya. Pero nanlumo ako nang mapansin na wala rin silang maibalita sa akin. Napasabunot ako sa  aking buhok dahil sa frustration,hindi na ako makatulog,dahil sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko kapag matutulog na ako,yung mukha niya ang nakikita ko.

Nakakabwisit!!

Saan ka ba kasi pumunta,Jin?

Hindi mo manlang ako hinayaan na magpaliwanag manlang about sa text na sinasabi mo. It was'nt me,nawawala ang phone ko kaya paanong ako iyon.

And about sa sinasabi niyang sumbongera ako. Her mom told me about that thing.Tinext ko daw siya na may boyfriend na si Jin,may inemail rin daw ako na picture nila Jin at Mico na magkasama. Nang makauwi ako nung araw na nagkaaway kami ni Jin ay naabutan ko si Tita na kausap ni Mama.

Naging mahinahon at maayos ang naging usapan namin,I lost my phone nung pumunta ako ng mall,dahil sa dami nang tao ay di ko napansin na nanakawan na ako. Sinabi ko kay Tita na wala akong phone at totoo na may bf si Jin,and also Jin confirmed it. Pero hindi pumayag si Tita na magkaroon si Jin na boyfriend nang hindi nanalaman ni Tita,ayaw pa naman ni Tita na niloloko siya.

Hindi ko maiwasan na mapaisip? Kung sino man ang kumuha ng phone ko,I swear,siya ang puno't dulo kung bakit kami nagkaaway ni Jin.

Nang wala na akong gagawin sa facebook ay pinatay ko na ang loptop ko at biglaang nanlaki ang mata.

Planned But Not [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon