THE FINAL CHAPTER!!
Isang malapad na ngiti na punong-puno ng saya at pagkatuwa nang matapos na ng MC ang pagspeech na ito.
"Congratulations,grade-12 students!!"
Nagsigawan at nagtayuan kaming lahat dahil sa narinig. Maiyak-iyak ako sa tuwa dahil sa narinig at nang nagsilapitan ang magkakaibigan sa isat-isa. Nagsimula na rin akong maglakad patungo sa upuan ng mga magulang,ang bawat nakakasalubong ko ay binabati ako at pinupuri dahil sa nangyari. Tanging ngiti lamang ang naipapakita ko sa kanila.
Lalaki panigurado ang ulo ko dahil sa mga papuri nila.
"Baka naman lumaki ang ulo mo niyan."
Natigil ako sa paglalakad nang marinig iyon,isang masayang ngiti ang inilabas ko saka lumingon sa nagsalita.
Isang babaeng nakabestida ang bumungad sa akin na may ngiti sa labi na nakatingin sa akin.
"I thought hindi ka makakapunta,"ani ko.
Tumaas ang isang kilay niya sa sinabi ko."Papalampasin ko ba ang araw na magiging maganda ang itsura mo?Minsan lang ito sa isang taon,"pabiro nitong wika.
Naging seryoso ang tingin ko sa kaniya,"Naku Jin,pinaglilihian mo lang ako ehh."
Mahina naman siyang natawa sa sinabi ko. Tignan mo nga itong babaeng ito.
It's Jin,she's 1month and 2 weeks pregnant.
Mahigit isang buwan na rin ang nakalipas nang mangyari ang bagay na iyon. Sobrang laki ng galit ko kay Mico pati sa mga katropa niya. Gusto ko silang pahirapan dahil sa ginawa nila sa kaibigan ko pero hindi ko kaya. Jin's love Mico at kapag sinaktan ko si Mico ay panigurado ay masasaktan si Jin.
Yung selpon kong nawawala,si Lance ang nakakuha at siya ang gumagawa ng mga kagaguhan sa phone ko. Piling ko mawawalan ako ng hininga sa hindi pagtigil sa pagiyak nang araw na iyon nang malaman ko ang lahat.
Natanaw ko sila Mama sa kalayuan kasama si Tita,nakangiti si Mama na tumungo sa pwesto namin habang nakatingin sa mga medalyang nakasukbit sa akin.
"Ang swerte naman ni Tita,may valedictorian siyang anak."
Nalipat ang tingin ko kay Jin,kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Nawala ang ngiti ko at napalitan ng pagkalungkot.
"Wendy! OMG,yung anak ko Valedictorian."
Agad akong napatingin kay Mama at napangiti,nagusap-usap kami about sa akin lalo na sa speech ko kanina. Ngumingiti na lamaang ako kapag tumitingin sila sa akin samantala si Jin ay nanatiling tahimik habang nakatingin kila Mama.
"Papicture tayo bilis."
Lumapit sa amin ang photographer nang tawagin siya ni Mama. Umayos naman kami para makuhanan na ng litrato. Pero bago pa kami makuhanan ay hinubad ko ang mga medalya ko at nagiwan ng isa. Napatingin ako kay Jin na nakatabi ko na nakatingin sa photographer.
Nagulat siya sa ginawa ko at napuno ng pagtataka ang kaniyang mata habang hawak ang mga medalya na sinuot ko sa kaniya.
Ngumiti na lamang ako sa kaniya at tumingin sa photographer.
Alam kong mahirap ang pagdadaanan ni Jin sa pagbubuntis niya lalo na sa pagpayag ni Tita na ikasal si Mico at Jin. Mahirap maging isang Ina at bumuo ng pamilya lalo na kung hindi planado.
All of this was planned but not.
'Sa bawat pagpili ay dapat maging sigurado at handa dahil sa bagay na pipiliin mo ay may nakahandang responsibilidad na dapat mong gampanan.'
......
![Planned But Not [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/168811572-64-k717358.jpg)