Pakiramdam kong hindi ko maintindihan,
Mga emosyon na hindi ko alam ang kahulugan,
Mga salita na hindi ko maiwasang masaktan,
Bakit sa panaginip ko pa naranasan?Ang pag-ibig natin na hindi makatotohanan,
Dahil ba ito'y sa panaginip lamang?,
Sana naramdaman ko ang pag-ibig mo kahit minsan,
Hiniling na sana akin ka nalang,Dahil alam kong wala akong pag-asa sa tulad mo,
Nagsisi ng sobra dahil ngayon ko lang napagtanto,
Na kahit kailan hindi magiging tayo,
Dahil masaya kana sa piling ng taong mahal mo,Bakit nga ba sa panaginip pa?,
Sana sa personal nalang diba?,
Para nakita ko kayong magkasama,
Para hindi na ako umasa pa.
YOU ARE READING
Poems
PoesíaJust a bunch of poems filled by my thoughts and memories that I somehow made into a written version.