Maghihintay pa ba ako?

22 3 6
                                    


Ang oras ay limitado,
na puno ng mga tanong na paano,
paano natin maibabalik ang dati,
ang dati na hindi naman pala nangyari?

Bakit siya pa na hindi ka naman pinapansin?,
bakit mo kailangan pang hanapin?,
kung nandito naman ang pagibig ko,
nandito laging naghihintay sayo.

Sa mga oras na hindi kayo magkasundo,
sa akin ka tumatakbo at humihingi ng payo,
pero sa lahat ng tao sa mundo,
bakit siya pa at hindi nalang ako?

Kahit alam kong ang puso mo'y sa kanya,
Minamahal pa rin kita,
Kahit alam kong wala nang pag-asa,
Hihintayin kita hangga't kaya pa.

Pero pag-alam kong wala na,
pakakawalan na kita,
sa kwento natin na natapos sa simula,
dahil may mahal,may mahal ka nang iba.

This is originally a song so..... you'll see the difference😅😅😂😂
-Author🐼💚

PoemsWhere stories live. Discover now