I just wana say Hi Wattaholic! ^____^ nabasa ko mga comments mo. Konti na lang lahat ng lines ay may comments! Lols XD THANKYOU! <3
FYIP 5: Late night convo
Dustin’s POV
Kilig kayo diyan dahil POV ko na! wag kayong mag-aalala hindi ako magiisip ng kung ano-ano ngayon. Focus muna ako sa taba ni Hanako. Wahahaha. Joke lang. focus muna ako sa pag-aaral. Alam niyo naman kailangan ko ng himala ngayon!
Kailangan kong makapasa,lalo na ngayon may Yohan na ako na isang hotdog lover! Grabe po.
“Mister!” napatingin kami sa prof namin.
“Isulat mo ang word na yan sa harapan.” Sabi niya sabay turo sa papel ng classmate namin. Sobrang arte pa naman nitong prof namin,lahat ng pagkakamali namin napapansin niya. Maliit man o Malaki. Tsk tsk.
Tumayo naman barumbado naming classmate at sinulat ang salitang LOOSER. Wahahahahahaha.
“WAHAHAHAHAHAHA.” Nagtawanan kaming mga classmate ko.
“Mister Gonzales!” napahinto kami sa sigaw ni Maam.
“Yes Maam.”
“Dahil ikaw ang may pinakamalakas na tawa,ano ang mali diyan?” tanong niya.
“Isa lang dapat na O maam.” Sagot ko naman. College na tong lalaking to,Loser na lang hindi pa alam ang spell!!
“Tulungan mo siya.” Anubayan! Buburahin lang isang o e. -___-
Tumayo ako at pumunta sa harapan. Ipapahiya na naman ako nito for sure. Tinitigan ko muna ang salitang LOOSER.
“Gonzales,ano pa bang ginagawa mo? Burahin mo na.”
“Maam,alin po dito yung buburahinko? Yung unang O o yung pangalawa po?” biro ko.
Nagtawanan naman ang mga classmate ko. Ang prof naman namin ay nagstart ng magusok ang ilong.
“Gonzales!!!!”
“Eto na po Maam.” Binura ko na ang isang O. -_____-
Pagkabura ko bumalik na ako sa upuan ko. Buti na lang at hindi na din ako pinahiya ng prof namin. Nainis siguro kanina. Favorite ako ng mga prof ko e. ewan ko ba kung bakit. Binigiyan ko nga lang sila ng stress e.
Magdradrawing na lang ako ng baboy. Habang nagddrawing akong baboy,naalala ko yung mga sinabi ni Hanako kagabi.
Oo gising nung panahon na iyon,nagpretend lang akong nakatulog dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Kasi tama siya. Lahat ng sinabi niya ay tama.