Cass's Pov
"Cass huminahon ka!" Parang may narinig akong nagsalita. Bakit ganon wala akong maramdaman na kahit ano.
Haisst. Ano bang nangyayari saken?
Maya maya pa, naramdaman ko nalang na nakahiga nako sa kama.
Haissst bakit parang pakiramdam ko sobrang pagod ako. Parang naubos nalang bigla yung lakas ko.
"Ate okay ka lang ba?" Huh? Nandito pala ang hari at reyna pati narin si Lucas.
"Okay lang naman po ako? Hehe. Bakit ano po bang nangyari?" Nagtataka lang ako bakit silang tatlo nandito. May nangyari ba?
Mukha kaseng alalang alala sila eh.
"Ah. Wala lang. Sinilip ka lang namin kung okay ka lang."sabi ng hari.
Ahh. Ang bait naman nila.
Hihi. Kahit bisita sila pa talaga yung tumitingin. Astig
"Ahm... Okay lang naman po ako. Kayo po ba okay lang?" Mukha kase silang mga nakakita ng multo kanina.
"Ahm okay lang. Sige na, we're going back to our room. Magpahinga kana ulit. Sorry for disturbing you." Pagpapaalam ng hari.
"Hala, hindi po! Hindi niyo naman po ako naistorbo. Okay lang po talaga!" Gosshh nakakahiya naman. Sila pa talaga yung nanghihingi ng tawad.
"Okay lang din hija. Sumunod la nalang mamaya sa baba para sa hapunan." Hindi na nila hinintay akong makaimik dahil isinara na nila ang pinto ng kwarto.
Pababa nako para pumunta sa dining hall. Haissst ang daming liko liko. Buti nalang nakarating pako dito.
Nandito na silang lahat ako nalang talaga yung kulang. Grabe, ayan tuloy naging mukhang paimportante pako.
"Sorry po I'm late." Paghingi ko ng sorry.
Mukhang hindi nila napansin yung pagdating ko kanina kase naman sabay sabay pa silang lumingon sa gawi ko.
Yung pwesto nila, nasa mag kabilang dulo yung hari at reyna. Tapos si Lucas naman nasa right side ng dad niya.
Nagkakaintindihan pa kaya sila pag nag uusap? Ang lalayo nila sa isa't isa. Ang dami pang mga upuan, tapos ang haba pa mung table. Haissst kaloka.
"Oh, c'mmon sit down Cass." Nakangiting sabi saken ni reyna Eliza
Naglakad na ako papalapit sa mahabang lamesa.
Nagdadalawang isip pa nga ako kung saan ako uupo eh. Ang dami kayang choice."Ate dito kana lang sa tabi ko" may subo subo pa yang pagkain ha.
"Sige ba." At lumapit nako kay Lucas. Umupo narin ako sa tabi niya at nagsimula nang kumain.
Katahimikan ang namagitan sa amin. Mga tunog lang ng kutsara at tinidor sa pagtama nito sa babasaging pinggan ang maririnig.
Hanggang sa...
"Cass, gusto mo bang pumasok sa Mingde Academy?" Hindi saken nakaharap ang hari, patuloy lang siya habang kumakain at hinihintay lang ang sagot ko.
Ako naman eto, natigilan dahil sa sinabi niya.
"P-po?" Halos hindi pa makaniwala ang sistema ko sa narinig ko.
"Do you want to study in Mingde Academy?" Nakatingin na siya ngayon ng diretso sa mata ko. Ang hari.
"S-sana p-po, kung mabibigyan ng chance." Nauutal kong sabi.
Ang intense naman kase ng tinginan eh.
YOU ARE READING
Mingde Academy: School Of Immortality
FantasyEveryone has hidden identity. Minsan nga lang malalaman mo yun kung kelan huli na ang lahat. But sometimes, it is wrong timing. Minsan naman, kailangan na talagang malaman. Pero paano kung yung lihim na yun pala ang magbabago ng buhay mo? Pano mo...