Chapter 5

3 4 1
                                    

Cassie

Ilang oras nadin kaming naglalakbay.  May mga nadaanan kaming mga kakahuyan at ilang mga bayan. Nakakamangha dahil,pag nasa palasyo ka kita mo lang yung school,pero ngayong papunta kami duon parang ang layo layo naman.

Haiisssst. Maantok naman sa biyahe, wala rin naman akong magandang makikita sa labas. Halos mga puno lang naman ang makikita.

Ilang saglit pa, unti unti nang bumibigat ang talukap ng aking mga mata. At tuluyan na akong nakatulog.

Naalimpungatan ako ng biglang tumigil ang karwahe.

Nagkusot kusot ako ng mata,at nag inat inat.

"Madam Cassie, nandito na po tayo." Bumungad si Mr.Art sa pintuan ng karwahe.

Dali dali naman akong tumayo at bumaba ng karwahe. 

"Wow. Ang ganda." Tangkng lumabas sa bibig ko.

Isang malaking gate ang nasa harapan ko at kulay ginto ito.

Makikita mula sa kinatatayuan ko ang isang malawak na espasyo sa likod ng gate. At sa gitna nito ay may  napakalaking gintong rosas.

PAra siyang estatwa na hugis rosas at maraming tangkay na dikit dikit ang mga tinik.

"Tayo na po." Bumalik ako sa reyelidad ng muling umimik si Mr.Art.

"Sige po." Bakas sa akin ang pagkamangha at excitement.

Naglakad na si Mr. Art patungo sA harapan ng napakalaki at napakataas na gate.

Sinundan ko naman siya.

Habang naglalakad sa mga oras na yun, iniisip ko kung ano ang mga bagay na mararanasan ko sa loob.

Makabubuti ba ito sa akin? Magkakaroon kaya ako ng mga kaibigan? Magiging masaya kaya ako dito? Paano naman kung hindi pala para saken ang lugar na'to? Paano kung hindi na din ako makalabas dito?

Walang katapusang paano ang pumapasok sa isip ko.

Dumaan kami sa napakahabang hallway at sa gilid nito ay mga napakalawak lamang na espasyo.

May mga room paba dito?

Diretso lang kami ng lakad. Hanggang sa may madaanan kaming isang parang falls na may footbridge.

Wow. Ang ganda. Parang nasa fairytale lang.
Sky blue ang kulay ng tubig na bumabagsak mula sa falls. 

Kumikintab naman ang kuly Gintong Bridge dahil sa sikat ng araw. Nakakonekta ito sa itaas ng falls at diretso sa isang tore na parang daan ata yun papunta sa taas.

Ang gandang pagmasdan.
Parang gusto ko tuloy umakyat duon at maglakad lakad.


Nasa harap na naman kami ng isang gate, pero mas maliit ito kaysa sa kanina. At kulay silver itong nasa harapan ko.

Pero kakaiba ito. Kahit na parang puro grills na silver lang, wala kang makikita dito kung ano ang nasa loob nito. Repleksiyon lang ang tanging makikita mo.

Automatic itong bumukas. Wala naman kaseng tao dun kundi kami lang ni Mr.Art. Kanina pa kaming dalawa walang imik.




Isang napaka tataas na buildings at napakaraming tao o Estudyante ang bumungad sa amin.

Medyo nabigla ako. Kase yung tahimik na daan na tinatahak namin kanina,ngayon sobrang ingay na.

Hindi ko mapigilang mailang dahil sa mga matang nakatingin sa amin.

Yung iba naman titingin tapos bubulong sa kalapit tapos babalik na sa kanilang ginagawa. Yung iba naman mukhang walang pakialam.

————

"Nandito na po tayo." Sabi ni Mr.Art.

Tumigil kami sa isang double door na sibrang taas.

Kumatok si Mr. Art ng ilang beses bago pumasok.

"Good morning Mr. Art. Siya na ba si Cassie Jhaira Alfa Alfonso?" Nakangiting bungad sa amin ng isang babae. Sobrang ganda niya. Mukhang mahinhin. At mukhang nasa mid 30's na siya.

"Opo Miss Zyra." Sagot naman ni Mr. Art

Pinaupo kami nung Miss Zyra sa couch dito sa office. Siya pala ang pinakang principal dito.

Nakaupo lang ako habang nag uusap sila. Pinag uusapan nila ngayon yung tutuluyan ko. Dito ako sa loob ng Campus maninirahan habang nag aaral. May dorm pala sila dito.

———-

Papalabas na kami ni Mr. Art ng office para pumunta ako sa aking room.

Ihahatid Ako ni Mr. Art.

Naglalakad kami ngayon sa hallway. Pero hindi ito ang dinaanan namin kanina papunta djn sa office.

Ang lawak naman dito. Daig pa yung mundo namin.

"Ahm. Mr. Art?" Nagdadalawang isip pa ko kung itatanong ko sa kanya eh.

"Bakit po?" Napatigil si Mr. Art at lumingon sa akin.

"A—ahm wala po." Haisst wag na nga lang.

Nagpatuloy na lang siya sa paglalakad.Tahimik na lugar ang tinatahak namin hindi tulad ng kaninang sobrang ingay.

Konti lang ang taong nandirito. Yung iba nakakasalunknv namin. Titingin lang tapos tuloy na dun sa ginagawa nila.

——

"Nandito na po tayo."

Tumigil kami sa tapat ng isang pinto. May mga kalapit din itong kwartop, pero mukhang wala namang mga tao.

"Sige po salamat.Mr.Art" yan na lang ang nasabi ko.

Pagkatapos ni Mr. Art ipasok ang mga gamit ko, inayos niya muna ang kwarto kung saan ako tutuloy.

Kompleto ang mga gamit. Parang nasa isang Five Star Hotel nga ako ih.

Pero para lang ito sa isang tao.

Lahat ba ng dorm isang tao lang? Nakakaamaze ang astig dito.

Pag kaalis ni Mr. Art nag ayos na ako ng mga gamit ko.

Chineck ko na muna yung bathroom. Kompleto na.

——-
"Hooo mapagod grabe.!" Sobrang dami naman kase nung mga gamit na pinamili para saken ng Mahal na Reyna.

Nakahiga nako ngayon dito sa kama ko. Komportable naman ako.

Bakit ganto ang feeling ko sa lugar nato. Imbis na magworry ako para sa safety ko, feeling ko ligtas ako dito.

Feeling ko napakapamilyar ko sa lugar nato.

Haisst ano ba tong iniisip ko?

—-

Naghanda nalang muna ako ng makakain habang naghihintay ako ng kinabukasan. Bukas pa kase ang simula ng schedule ko.

May mga subject din namang parang normal lang pero may iba din naman na kakiba. Tulad nalang ng Fighting class, Summoning of Immortality tapos Power Ivasion.

——

Nagbabasa na ako ngayon ng mga libro. May mini library kase dito sa dorm eh.

Naglilibang ako ng sarili ko.

Pero mamaya tatry kong lumabas.

Nabobored na kase ako dito eh.

Walang ibang magawa.

Magkakaron kaya ako ng kaibigan?

Mababait kaya ang mga tao dito?

To be continue...

(A/n: thank you sa pagbabasa)

Mingde Academy: School Of ImmortalityWhere stories live. Discover now