Chapter 2

6 3 2
                                    

Cass pov

Nagising ako ng maramdaman kong may kung anong sumasakit sa katawan ko.

"Ouchhh" sabi ko sa sarili ko ng igalaw ko ang katawan ko para bumangon.

" okay ka lang ba?" Nagulat ako ng biglang may batang lalaki na nakatayo sa harapan ko at nagsalita.

Maputi siya at may asul na mata. Ang astig naman. Tapos ang kulay ng buhok niya ay brown.

"Ahm.. Oo okay lang ak---" di ko na naituloy ang sasabihin ko nang may biglang nag sink in sa utak ko.

"Teka teka! Nasan ako? Sino ka? What am I doing here?" Sunod sunod kong tanong dahil naalala ko kanina lang nasa kwarto ako ni dad eh.

Tapos ngayon, parang nasa gubf na ako. Basta nasa gubat na nga ata talaga ako.

"Kalma ka lang, nandito ka sa Pinaglapatan Kingdom.  At sa tanong mo kung anong ginagawa mo dito, ewan ko sayo." Ang cold ng batang to sumagot. Kala mo ang tanda tanda eh parang sa tantsa ko mga hmmm, 10 or 9 yrs old lang siya. 

"Anong pinagliputin? Pinaglapitan ka diyan? Kingdom kingdom ka diyan? Are you damn crazy huh?" Naiinis nako. Naman ih hindi ito ang oras para makipag lokohan at ang masaklap pa, sa bata. Haissst.

"Para malaman mo, nagpapahangin ako dito sa kakahuyan ng bigla nalang may lumiwanag dito sa punong ito malapit sa pinagpapahingahan ko. Tapos nung pinuntahan ko, bugla ka nalang lumabas dun sa bilog na liwanag at unti unti rin itong nawala. Tapos ikaw namab walang malay." Pagpapaliwanag niya.

So that's why I'm here.

Huh? Eh pano naman nangyari yun? Nagteleport ako ng di ko alam.

Eh kanina lang hawak hawak ko yung box tapos nung parang may napindot ako eh bigla itong lumutang at lumiwa---.

"Fuck. It's that goddamn box. " 

"Huh? Anong sinasabi mo diyan?" Nagtatakhang nakatingin sakin yung bata.

"Haisst basta. Malapit lang ba dito yung Infanta?" Medyo kumalma nako. Kase naman gusto ko ng bumalik samin.

Baka hinahanap nako nina mom and dad.

"Infanta? Di ba sa mundo ng mga mortal yun?" Huh? Anong pinagsasabi ng batang to. Eh malamang mortal yun.

Bakit? Immortal ba dito? Haha nakakatawa.

"Oo naman. Bakit ano ba akala mo?" Sarcastic na sabi ko sa kanya.

"Kase, tayong mga nandito sa Kingdom eh mga immortal. At walang mga mortal ang nakakapasok o makakapasok dito." What? Nananaginip ba ko?

Sinampal ko ang sarili ko then ..

"Ouch." Totoo nga.

"Bakit mo ginawa yun?" tanong nung bata.

"Wa-wala." Natatakot na ako. Baka kase totoo nga ang sinasabi ng batang ito. 

Baka mamaya aswang pala siya ih. 

"Eh paano ba makabalik sa Infanta?" Painosente kong tanong.

Nagulat naman siya sa tanong ko.

"Ewan ko! Si amang hari at inang reyna lang ang nakakaalam kung paano!" Nagkibit balikat lang siya.

And what did he just say? Queen and king? Wahhhhh. Nasa mental na ba ako.

Haissst. Pero wala akong choice.

"So, what's your name?" Pag iiba naman niya ng usapan.

Mingde Academy: School Of ImmortalityWhere stories live. Discover now