xiii.

343 17 2
                                    

» xiii. smtown live world tour + fanboard message



"Sheenaaaa! Isama mo na ako please? Sige na oh?" pangungulit ko kay Sheena.



Nilagay niya naman yung camera niya sa may backpack niya at tinignan ako sabay sabing, "No way. Ano ka, sinuswerte?" sinarado na niya yung bag at aalis na sana sa bahay ng pinigilan ko siya while blocking her way.



"What are you doing?!" tanong niya. Hello? Obvious kaya kung ano yung ginagawa ko pero i have no time to argue with her kasi kailangan kong sumama.



"Sheena naman eh. Please? Favor ko na nga sa'yo to oh."



"No."



"Naman eh."



"Nakatira ka na ng libre dito tas sasama ka pa sakin at ililibre kita ng ticket? Hah, no way. Diba may sinusweldo naman sila eomma sa'yo? Oh, asan na yun? Bat di mo gamitin?" sabi niya at tuluyan ng umalis. I sighed.



Alam naman niya na pinapadala ko yung sweldo ko sa kapatid at parents ko eh tska konti lang yung sakin. Hay, buhay parang life wait what.



Kung bakit ako nangungulit kay Sheena kanina? Pupunta kasi siya ngayon sa venue ng smtown live world tour at manunood. Sabi ko sakanya, isama niya ako at ilibre ng ticket pero ayaw niya. Ang kapal ng mukha kong magpalibre at sumama sakanya noh? Haha. Sasama sana ako kay Yaj ngayon kaso di siya makakapunta kasi masama yung nararamdaman niya, nilagnat ata. Bibisita nalang ako mamaya.



Aish! Bakit ba kung may opportunity na akong makita o maka-punta sa mga concert ng bias ko, may mangyayari at di yun matutuloy? Nakakainis ah. Bat ang malas ko? Kakambal ko na ata si kamalasan ngayon.



Wala sa mood akong umakyat sa kwarto ko at in-on yung laptop ko. Any minute from now, magstastart na yung concert. And as usual, nag-open ako ng mga tabs/website na connected sa pag-spazz ko.



I minimized the tabs at tinignan yung background ng laptop ko-ang exo ot12.



"Nays naman, completo pa kayo oh. Kailan ko kaya kayo makikita ulit as 12 in one group photo?" sabi ko.



Ngayon, tinuro ko yung may picture ni Baekhyun, "Nakakainis! Ang panget mo, i hate you! Pero syempre diba, joke lang yun. Alam mo naman kung gaano kita ka mahal baekla, yeee," sabi ko.

Fanzoned: Just a fangirlWhere stories live. Discover now